Kuya Jogger Part 4

1.8K 27 2
                                    

Nang naitago ko na ang keychain sa aking bag ay hindi ko maitanggal sa aking isipan ang kanyang ginawa: hinalikan ako sa aking ulo.


Alam ko namang isang paraan niya lamang ito para makuha yung premyo pero sa kahit anong gawin ko hindi ko mapigilang mapa-isip.


"Jameson." bungad sa akin ni Chaz at lumingon naman ako.


"Nasa wave pool na kami tutungo. Sama ka?" tanong niya.


"Hm? Ahh, sige sige. Mag-aayos lang ako. Shower lang muna ulit ako bago pumunta dun." sabi ko naman.


"Sige." tumango si Chaz at umalis na.


Nagtungo ako sa shower area at nagsimulang basain ang aking sarili. At nang matapos na ako ay agad akong nagpatuyo ng saglit tsaka tumungo na sa wave pool.


Pagdating ko rito agad na bumungad muli sa akin si Craig na nasa dulo ng pool naka-upo.


"Ayaw mo sumali dun?" tanong ko.


"Ahh, ikaw pala. Hinintay kita." bungad niya pabalik.


"Ako?" tanong ko.


"Oo. Tara." at agad naman siyang nagtungo na sa pool at sumunod na ako.


Bumungad sa akin sina Idah at ang mga kaklase ko na nasa pool, hinihintay ang wave.


Unang beses kong nasa wave pool kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.


"Hawak ka lang sa kamay ko." agad na sinabi sa akin ni Craig ng kinuha niya ang aking kamay at hinigpitan ang kapit nang nagsimula na ang pag-agos ng mga sunod-sunod na wave.


Mataas ang mga pag-agos kaya kinalinangan kong i-angat at tumalon para mapa-ibabaw ang aking ulo man lang sa tubig, ngunit may mga pagkakataong nakalunok ako ng tubig.


Unti-unti akong nahihilo hanggang sa natapos ang mga wave, "Jameson?" tawag ni Craig ng naramdaman ko pa rin ang paghawak niya sa aking kamay.


"... Nahihilo ka?" tanong niya't isang tingin ko pa lamang sa kanya, para bang sumasayaw yung utak ko ng pa-ikot ikot dahil sa alon.


"... Nakalunok ka ba ng tubig?" tanong niya.


Tumango naman ako't napasandal na sa kanyang dibdib. "Uy, anyare?" tanong ni Idah.


"Nahilo, masyadong marami ata nakuhang tubig." paliwnag ni Craig.


"Ahh, sige. Paki-tulungan nalang siya, kuya ah." bigkas ni Idah at agad na akong tinulungan ni Craig paalis ng pool pabalik sa aming gazebo at kinuha niya ang aking bag, "May tubig ka ba?" tanong niya't tinuro ko naman ang isang bote na nasa lamesa at kanyang kinuha ito at binigay sa akin.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now