Blogger + Vlogger Part 3

1K 22 1
                                    

Halos isang dalawang linggo nung last kong nakita si Davis, mukhang naging busy na siya sa kanyang pag-Vlog pero at least marami namang good response mula sa review ko pero hindi ko pa nakikita yung video na ginawa ni Davis.


Kinuha ko ang laptop ko't sinearch ito sa Youtube at pinanood.


Nakita ko sa vid ay ang isang anggulo kung saan nanonood kami ng movie, hindi ko natatandaan na rinecord niya ito, pero hindi ko aakalaing mag-rerecord siya ng patago.


Nanlaki naman ang aking mga mata't agad na tinapos na sinara na ang window.


"Hindi ka ba uuwi ngayon anak?"


Text sa akin ni tatay, "Pasensya na po. Bukas nalang ako uuwi. Wala naman kaming pasok sa Lunes." reply ko't sinend na ito.


Ilang mga oras ang lumipas habang ako'y patapos na sa aking assignment ay may kumatok sa aking pinto.


Pagbukas ko nito ay bumungad sa akin ang isang camera, "Heeyy!" bungad sa akin ni Davis.


"Well this is unplanned." komento ko.


"Swerte na nandito ka, akala ko umuwi ka na ng probinsya," komento niya naman. "So? Ano meron?" tanong ko.


"I was hoping you could do another vid with me." request niya.


"Ano naman ngayon? Nung una nga hindi ka na nagpaalam sa akin na rinecord mo yung mga reactions ko tapos ngayon ano?" tanong ko.


"Chapstick Challenge." tugon niya.


"Huh?" tanong ko pabalik.


"Wait- hindi ba para sa---" pero pinutol niya ang aking pangungusap na reklamo, "Yes, for couples. Eh highly requested challenge 'to sa akin ng mga subscribers and they also said, they want to see you in a vid, kaya napunta sa chapstick challenge with Brent Zanders." paliwanag niya.


"No." tugon ko.


"I am not---" bago muli ako makapagreklamo ay, "Wait- you haven't had your first kiss yet have you?" tanong niya na nagpalaki ng aking mga mata.


"... --- No." sagot ko.


"Oh. Okay lang 'yan, hindi naman counted kapag ganito." tugon niya.


"Fine. One condition: two boxes of pizza." bigkas ko.


"Deal." tugon niya.


Nag-set-up na kami't nagsimula na siya mag-record.


"Hey you guys. So today I'll be doing the chapstick challenge with the movie blogger Brent Zanders." bigkas niya.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now