Mister Kontesero Part 5 (continuation)

1.5K 37 0
                                    

"... Sure ka ba sa nakita mo, anak?" tanong ni nanay.


"Oo 'nay... hindi ako pwedeng magkamali..." deklara ko't bumuntong-hininga si nanay. "Oh sige. Alam mo, kung ako sa'yo. Tadtarin mo yang babae na yan eh." sabi nanay. "Ha? Anong tadtarin?" tanong ko. "Edi ipaglaban mo si Rick! Desperada lang yung Elha na yan. Naku, nag-ta-take advantage lang siya kasi dalawa kayong lalake, meron siya na wala ka. At meron din ikaw na wala siya." paliwanag ni nanay.


"Ano naman yun?" tanong ko't tinuro ni nanay ang aking dibdib, "Ito. Maniwala ka, sure hindi naman talaga pagmamahal ang hanap ng babae na yun." bigkas ni nanay at ngumisi. Natawa naman ako ng kaonti't sumandal sa kanya, "... Salamat, 'nay." 


(A/N: Bes namern, iba talaga ang nanay mo!)


Pasukan...


"... Ken? Ano... kwinento sa akin ni kuya..." bigkas agad ni Syra sa akin ng nakatingin ako sa bintana. "... So? Ano masasabi mo?" tinanong ko. "... Sorry. Hindi... ano, hindi ko akalain na ganun ang mangyayari kaso-! Ano, sabi niya hindi naman siya sumama kay Elha sa mga kaibigan niya, hinanap ka niya... pero... sabi ko na hayaan ka nalang muna." paliwanag niya.


Napatingin ako sa kanya't binigyan ng malambot na ngiti, "... Salamat."


"May... maitutulong ba ako?" dagdag niyang tanong. "... Ano, kahit lunch nalang. Nakalimutan ko kasi wallet ko sa bahay..." sabi ko naman. "Sige! Mamaya ah!" sabi niya.


Dumating ang lunch...


"Tara, Ken." pag-aaya ni Syra at lumabas na kami ng classroom at nagtungo sa cafeteria para bumili ng lunch. Pagkatapos namin bumili ay nagtungo na kami kaagad sa classroom. "Syra!" sigaw ni Dayl, kaklase namin. "Kuya mo 'to diba?" tanong niya sabay pakita ng isang post sa facebook.


Pinakita rin ito sa akin ni Dayl at nakita ko si Rick at Elha sa picture, katulad ito ng ginagawa nilang pose sa shooting nung isang araw...


"Ah ano- sige, mamaya nalang Dayl ah." sabi ni Syra. "Ay- sige sige." sabi niya't umalis na habang ako naman ay unti-unting nawawalan ng gana. "... Wrong timing pa naman..." komento ni Syra at napatingin siya sa akin. "Kain ka na... baka makatulog ka sa klase mamaya." pag-aalala niya't kumain na ako.


Matapos ang school...


"Ingat ka pauwi ah." pagpapaalam ni Syra at umalis na.


Habang naglalakad ako pauwi, dumaan ako sa park para mas umikli ang aking ruta pauwi, pero hindi ko inaakalang makikita ko dun si Rick na naka-upo lamang mag-isa nakatingin sa lupa. "..." Napahinto ako't nakita niya akong tumingin sa kanya.


Bigla-bigla akong tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo, pero isang hakbang pa lamang ay naramdaman ko na kaagad ang kanyang paghawak sa aking braso at pinigilan ako sabay sabi ng, "Ken!"


Hindi ako makawala sa kanyang paghawak at, "Bitawan mo nga ako!" banat ko ng tumalikod ako, sinusubukang makawala. "Ken, please, mag-usap tayo." bigkas niya. "Ano!? Ano pag-uusapan natin ha? Na kayo na ni Elha?!" tanongko.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now