Homophobic Turn On Part 1

1.6K 23 1
                                    

Gagawin ko ang lahat para sa pera, sa hirap ng buhay, kahit katawan ko pa ang kapalit nito. Ang katawan ko ang tanging aking magagamit upang makuha ang aking mga kinakailangan. Walang naka-aalam ng aking sikreto.


Ako si Leven, pero kilala ako sa aking pangalan bilang callboy na Roan.


Kahit ang aking mga kaklase ay hindi nakaka-alam nito pati na rin ang aking mga yumaong mga magulang.


"Leven! Ayun, buti naabutan kita." bungad sa akin ng aking kaklase na si Kian.


"Hm? Bakit?" tanong ko naman.


"Diba sabi mo naghahanap ka ng matutuluyan? Meron akong kilala, pinsan ko. Kaso... isa lang ang kondisyon." bigkas niya naman.


"Ano naman yun?" tanong ko muli.


"Um--- homophobic siya." tugon ni Kian.


"Ahh... sa bagay kailangan ko rin naman na ng kahati... ---sige, kaya ko namang magpaka-peke sa kanya." bigkas ko.


"Talaga ba? Sige! Sabihan ko siya! Bukas bibisitahin natin siya, okay lang ba?" tanong niya.


"Oo naman. Basta usapang pera... sana mas malaki na yung maiambag niya." paki-usap ko.


"Try ko kausapin." ang huli niyang pananalita bago ako nagpatuloy at nagpaalam sa kanya para umuwi na. Pagdating sa bahay ni Aling Tilya, "Oh iho, kain ka na." bungad niya.


"Salamat po." bigkas ko naman at nakisabay na sa pagkain.


"Nga po pala... may... balak na po akong maglayas." bigkas ko kaagad.


Natahimik si Aling Tilya at sinabi, "Bakit?" tanong niya.


"... Malaking abala po ako sa inyo... sobra sobra na yung binibigay niyo sa akin." bigkas ko naman.


"Ano ka ba... pangako ko sa mga magulang mo na aalagaan kita hanggang sa malaki ka na." paliwanag niya.


"Eh malaki na po ako. 19 na ako. At tsaka, halos kaonti nalang nakakain ng mga anak ninyo dahil nakaka-abala pa ako." paliwanag ko naman.


"Eh saan ka naman tutungo?" tanong niya.


"May nahanap po yung kaklase ko, yung pinsan niya raw po eh naghahanap ng kahati, mas maganda na simula dun magsisikap ako, kukuha ng trabaho habang nag-aaral. Para... hindi naman kayo lagi ang nagbabayad ng pang-aral ko..." paliwanag ko muli.


Ilang mga saglit tumagal ang aming katahimikan at narinig ko siyang bumuntong hininga, "Ikaw bahala... basta kapag wala kang matakbuhan... bukas ang aming mga palad para tanggapin ka..." bigkas niya't nagpatuloy na kaming kumain.


Kinabukasan ay pagkatapos ng klase ay aming nakausap ang pinsan ni Kian na si Klaus.


Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now