Lost and Found Part 2

1.4K 22 1
                                    

"Labas kako tayo, tayong dalawa lang." pag-ulit niya.


"... L-labas...?" tanong ko muli.


"Oo nga, talaga." deklara ni Christian.


"Rod, tanggapin mo na." sabi ni Sammy sabay binigyan ako ng malambot na ngiti.


"...O-oh sige..." sagot ko naman.


Nakita ko kaagad ang kanyang maliwanag na ngiti na nagmula sa kanyang mga labi. Ilang saglit pa ay tumitig naman siya sa aking sugat at sinabi, "Sorry talaga ah..." at yung ngiti niya ay unti-unting lumambot ang ngiti niya, nag-aalala talaga siya.


"Wala 'to..." sabi ko kahit may ilang kagat ng sakit pa akong nararamdaman. "Tara, ano- hatid na kita sa dorm mo." bigkas ni Christian.


"Ay, hindi na, okay lang- malapit lang naman yung dorm ko dito." paliwanag ko pero biglang sumipot sina Sammy at sinabi, "Wag na, bes. Hayaan mo na si Christian na maghatid sa'yo. Baka mamaya kung ano pa makasalubong mo eh sa kondisyon mong 'yan, hindi mo madedepensahan sarili mo." paliwanag niya.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Sige na nga..."


Bitbit ni Christian ang aking bag habang ako naman ay naglalakad, hawak ang aking bisig. Ilang minuto ang lumipas sa katahimikan naming dalawa ay nakarating ako sa aking dorm.


Lumingon ako sa kanya't kinuha ko na ang bag ko, "Sure ka okay ka na rito? Pede ko naman siguro ako na magpasok ng gamit mo." insist niya.


"Hindi na, magreregeister ka pa as visitor kung ganun, at tska late na, baka kung tumambay ka pa eh maabutan ka ng visitor's curfew." bigkas ko.


"Oh sige. Roderick..." tawag niya pagtalikod ko kaya't lumingon ako muli sa kanya.


"... Salamat." nang marinig ko ito, biglang nag-init ang mukha ko sa nakita ko. Ewan ko ba pero para bang nagwapuhan ako sa mukha niya nung nakangiti siya. "W-walang anuman." pautal kong sabi at pumasok na sa aking dorm.


Pinagbuksan ako ni manang guard at sinabi niya, "Swerte niyo naman, sir." komento niya. "A-ay- ano po... ka-school ko lang po yun." sabi ko naman.


"Talaga, sir?" at tumawa ng kaonti si manang guard. "Si ate talaga... sige, goodnight." sabi ko't nag-goodnight din siya sa akin.


Pagpunta ko sa aking kwarto ay napansin ko na nagdudugo kaagad ang aking sugat kaya agad-agad kong tinanggal ang patch ng dahan-dahan at hinugasan ang aking sugat bago ito gamutin muli.


Mahapdi, masakit, pero kailangan. Tiniis ko yung sakit na nararamdaman ko sa aking bisig hanggang sa nakapaglagay ako ng panibagong patch dito. Mukhang kakailanganin ko ang maraming patch para mabalutan itong sugat.


Sumunod na araw...


"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now