The Poet & Athlete Part 1

1.8K 31 1
                                    

Habang nagpapahinga kami ng tatlo kong kapwa-athlete sa isang gazeebo ng isang umaga...


"Ala ka pa rin nagagawa?" tanong ni Tiana sa akin. "Ala pa..." sagot ko naman.


"Performance Task yun, project, bes. Kailangan yun." paliwanag niya.


"Eh hindi naman ako magaling sa Literature eh!" sabi ko naman.


"Edi magpatulong ka." suggestion niya.


"Kanino naman ako magpapatulong?" tanong ko sa kanya.


"Ba't hindi kaya kay Castro?" tanong naman ni Lado, na kapwa-athlete ko.


"Para namang kilala ko siya. Well- oo kilala ko siya, pero hindi personal." paliwanag ko.


"Ako na bahala, kaklase ko naman siya eh." sabi ni Lado.


"Eh, nakakahiya naman..." sabi ko.


"Edi ako nalang. Hindi naman siguro tatanggi yun kapag inutusan." sabi ni Tiana.


"Wow... nagsalita na talaga ang Vice President ng St. Aedan..." at napabuntong-hininga ako matapos ko itong sabihin.


"Eh ano ba balak mo?" tanong ni Tiana.


"Basta na... tadhana nalang kung may tutulong o wala." sabi ko't tumayo na't nagpatuloy na kami sa aming pag-jogging.


Habang nag-jo-jogging ay tumalikod ako habang ginagawa ko ito't sinabi, "Ilang ikot pa ba?" tanong ko.


"Mga dalawa o tatlo nalang, siguro. Eh mag-sh-shower pa tayo. Eto naman kasing isang 'to, mabagal maligo." bigkas ni Tiana sabay tingin kay Lado. "Bakit ba? Sarap kaya ng malamig na tubig sa umaga, lalo na kapag pawis ka." komento ni Lado.


Ilang hakbang ko pa ay agad akong natumba ng maramdaman ko ang pagbangga ko sa isang pigura na nasa aking likod. Bumagsak kaming parehas sa simentadong daan at napa-ibabaw ako sa kung sino man ang nasagasaan ko.


Nang binuksan ko ang aking mga mata, nakita ko ang mga nanlalaki na mga mata ng isang nakasalamin na nilalang, "Ah-!" nahudyat akong umalis at tumayo kaagad, "S-sorry!" sigaw kong patawad at tinulungan ko siyang tumayo.


Pero hindi niya tinanggap ang aking kamay at tuluyang nakayuko habang kinukuha ang nahulog niyang gamit. Ilang saglit pa ay agad siyang umalis mula sa aming tatlo.


"S-sino yun...?" tanong ko naman.


"Si Castro." sabi ni Lado.


"S-siya yung..." at ipinagpatuloy ni Lado ang aking pangungusap, "Ang kilalang poet ng St. Aedan High. From 2D, Ezekiel Castro." sabi ni Lado.


"Maraming nagkaka-crush dun, eh ba naman ang mukha eh akala mo pang-korean novela." komento ni Tiana.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now