Para Sa PeTa Part 2

1.7K 33 0
                                    

Dumating ang weekend...


Nasa campus kami nag-practice, dun kami sa likod ng library, meron dun na parang garden, think of UST's lover's lane, parang ganun kaso mas maliit yung amin and cement ang upuan instead na kahoy.


"Good, maaga naman pala tayo lahat. Sige, guys, 50% of our grade nakasalalay dito, let's make this the best we've got. Ang pambato nalang talaga natin is yung kissing scene." banggit ni Faith at napatingin sa amin ni River.


"Sige, gagalingan namin." bigkas niya't nanlaki naman ang mga mata ko. "Sige, expected ang kissing scene na bongga sa performance ah, let's not do it here malamang." sabi ni Faith at sumang-ayon na lamang kami.


Nagsimula ang practice...


"More emotions, Hel ah!" paalala ni Faith habang nag-eeksena kami nila Walton at ang tatlong babae sa bullying scene.


"Okay, then next, yung line mo Walton na aalis ka na kasi may practice ka pa and then tatakbo na si Hel sa rooftop tapos nakita siya ni River and hahabulin, lights, camera, action!" bigkas ni Faith at nagsimula na ang eksena namin. 


Ilang mga minuto pa...


"... and cut! Nice one guys!" at natapos ang play. "Okay, comments: Shiela, Marie, at Yla, more emotions ah, yung talagang nandidiri kayo sa kanya, pero syempre wag masyadong madala sa pamububully, parang ilabas niyo nalang galit niyo sa mga bagay bagay kay Hel, pero wag ituring punching bag." bigkas ni Faith.


Tumawa silang tatlo at sinabi, "Sige sige!" at napatingin sa akin, "Walang punching bag!" komento ko naman.


"Ikaw rin Den, dapat mas galit ka pa." komento ni Faith. "Tapos... River, lakasan mo lang ng kaonti yung boses mo and wag ka mahihiya na sabihin yung lines mo dun sa overnight scene at tsaka rooftop scene." bigkas ni Faith at tumango si River.


"Yung sa'yo, Hel... nasabi ko na rin naman kanina, siguro mas linawan mo nalang muna yung lines mo para mas maintindihan ng mga audience natin, yun lang." at tumango ako.


"Okay! 20-minute break! Kung gusto niyo bumili ng pagkain bumili na kayo or tubig, mag-washroom na. We'll meet back at around... 10:15!" bigkas ni Faith at ilan sa amin ang mga umalis para bumili.


Lumapit sa akin si Faith at sinabi, "Hel, pakibantayan muna gamit ko ah, mag-wa-washroom lang ako." sabi niya. "Ako rin." sabi ni Yla.


Naiwan kaming dalawa ni River sa upuan habang kumakain ako ng sandwich siya naman ay nagbabasa ng script. Ang awkward ng nangyayari ngayon, tahimik lamang kami't hindi nag-uusap, mga simoy ng hangin lamang ang naririnig at ang ilang mga salita mula sa ibang mga bahagi ng likod ng library, pero maraming puno ang nakaharang sa amin.


"... Hel." tawag niya.


"Wala naman masyadong dumadaan... gusto mo... practice-in natin?" tanong niya. "Alin?" tanong ko. "Yung eksena natin, sa rooftop." sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko, "Pero- hindi pa ako nag-to-tooth brush." sabi ko naman.

Z.E.L. Short Stories Vol. 3 [COMPLETE]Where stories live. Discover now