Chapter 1: The Encounter

858 53 42
                                    

Celine POV

I am at this place again. Ano ba ang lugar na 'to? Paalis na sana ako ng may marinig akong boses.

"Where is she again?" tanong ng isang lalaki.

"I can't find her here at the Mansion young Master."

"That stupid girl."

I went out to see who are talking. Omo! Siya 'yong lalaking nasa panaginip ko rin noong isang araw. Siya 'yong humahabol sa akin. Papatayin niya ba ako? Ano ba kasi itong napasok ko?

"At last I found you wife," nakatingin siya sa kinaroroonan ko.

"W-wife?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Yes. You are my wife. Saan ka na naman ba nanggaling?" nakatingin siya sa akin. Ako ba ang tinatawag niyang wife?

"Did you just call me your wife?" tanong ko sa kanya dahil hindi talaga ako makapaniwala.

"Yes. Halika na. Gawan mo ako ulit ng cookies," hinawakan niya ang kamay ko papunta sa kusina ng bahay niya.

Ulit? Anong sinasabi niya? Nakakainis! Nasaan ba ako? Ano ba ang sinasabi ng lalaking 'to?

Wake up Hannah!

Napapikit ako sa narinig ko. Pagmulat ko'y nakita ko si Kaye. Ang bestfriend ko. Panaginip? Isang panaginip lang ang lahat?

"Lagi na lang. Lagi na lang kitang ginigising. Teka, bakit may tsokolate ka sa pisngi? Pati ba sa pagtulog kumakain ka Hannah?" nakabusangot na naman ang mukha niya. Tulad noong isang araw.

"Wag ka ngang maingay!"

Inayos ko na ang tulugan ko.

"Magbihis ka na. May pasok pa tayo. Wag ka nang maligo," tila naiinis na siya.

"Baliw!"

Pumunta na agad ako ng banyo. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Tsokolate nga. Paano napunta sa mukha ko 'yon? Isang panaginip lang 'yon 'di ba?

Papunta kami ng eskwelahan pero naiisip ko pa rin ang panaginip na iyon. He called me his wife. Parang totoo. Pero mag-isip ka nga Hannah Celine. Ang panaginip ay panaginip lang.

"Kanina pa kita kinakausap. Para ka namang tanga Hannah," napatingin ako kay Kaye.

"Ha?"

"Alam mo ba dadalaw dito ang anak ng may ari ng university," sa pagkakaalam ko hindi rito nag-aaralang anak ng may-ari ng G.U.

"A-anak?"

"Ano nga ba ulit ang pangalan no'n?"

"Charence. Charence Angelo Galvan ang pangalan ko," napalingon kaming dalawa ni Kaye.

S-siya?!

S-siya ang anak ng may-ari ng Galvan University?

"I really hate people talking about me. Why don't you just study? Since that was what you supposed to do at school," umalis siya agad pagkatapos niyang sabihing mag-aral na lamang kami ni Kaye.

Naiinis ako. Pero bakit? Tama naman siya 'di ba? Dapat mag-aral na lang kami. Pero bakit ba siya nakikialam? Haaay! Ano ba ang nangyayari sa akin? Naaalala ko na naman tuloy ang tumatawag sa akin ng wife. Bakit hindi ko maalala ang mukha niya?

"Moment kleng? Halika na baka malate tayo."

Kahit gusto kong mag-aral hindi ko magawa. Pilit kong inaalala kung sino ang nasa panaginip ko.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now