Chapter 2: The Hug and Kiss

438 50 24
                                    

Celine POV

Nilapitan ako ng bata at ibinigay niya sa akin ang bulaklak.

"Salamat!" nginitian ko ang batang nagtitinda at ngumiti rin naman siya.

"Sana po maging kayo ni Kuya Bait," ginulo ni Galvan ang buhok niya at tumawa.

Napatingin ako sa kanya. Bakit kahit nakatawa siya ang lungkot ng mga mata niya? o sadyang kung anu-ano na lang ang nakikita ko?

"Ano bang gagawin mo 'pag naging kami?" tanong niya sa bata na nagpagulat sa akin. Pinatulan niya talaga?

"Ililibre ko po kayong dalawa pero tinapay lang po ha!" napatawa ulit si Galvan sa tinuran ng bata.

"Sana nga. Sige na umuwi ka na at alagaan mong mabuti ang tatay mo."

"Sige po! Babye po! Salamat po sa inyo!" tumakbo palayo ang bata habang nakangiti.

"Hatid na kita. Akin na ang mga gamit mo," kinuha niya ang bag at mga librong dala ko at naunang maglakad. Ang sweet naman ni Galvan.

Nakarating kami ng bahay ng hindi nag-uusap. Nakakainis! May pa 'parte ng buhay ko pa' siyang nalalaman. Pero bakit naman parang naiinis ako? nag-eexpect ba ako? Tsk! Basta naiinis ako.

"Goodnight Miss Romero," nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "Mauna na ako, sleep well!"

Nakaalis na si Galvan pero tulala pa rin ako. Ano bang nangyayari sa akin? Hannah Celine umayos ka nga! Hinalikan ka lang sa pisngi parang nawala ka na agad sa sarili mo.

Pagkahiga ko sa kama naalala ko pa rin si Galvan. Ang bait niya at gentleman pero pareho lang sila ni Jayden. Hindi ko alam kung seryoso ba o trip lang. Ayokong umasa. Dalawa pa talaga sila ha?

Matutulog na sana ako nang bigla kong maalalang may panaginip pala akong iniiwasan. Pero hindi ko naman dapat pigilan ang pagtulog ko 'di ba? Ano bang gagawin ko?

*one message received*

From: Crush<3
Hoy bubwit! Magkita tayo sa panaginip. Labyu :*

Baliw talagang Jayden 'yon. Haaaaay! Sana nga siya nalang 'yong nasa panaginip ko. Malapit ng pumikit ang mga mata ko. Ibig sabihin matutulog na naman ako at magigising bilang ibang tao. Inisip ko na sana'y mahimbing akong makatulog. But...

"I missed you wife. Why are you always gone? Why you always left me alone?"

M-Mister? Ibig sabihin narito na naman ako. Pagkalingon ko'y nakita ko na naman ang lalaking asawa ko sa panaginip.

"I h-have to say this. I am n-not your w-wife. I don't even k-know you," sinusubukan ko siyang pakiusapan.

"You are doubting me again!"

"Wait! Bakit naman? Teka, alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"Of course I know. It's October 13."

"P-paano mo n-nalaman?"

"Wife we have a calendar. We are living our daily lives so why would I forget the date today?"

Alam niya kung anong petsa ngayon. Pero paano? Ibig sabihin nangyayari talaga ito? But it is just a dream. Sabi ni Prof part lang ito ng imagination ko. Ano ba namang imagination ang meron ka Hannah Celine.

"Panaginip lang ito. We are not married. It is just a dream," sabi ko sakanya. Sana maniwala siya.

"Don't ever say we're not married Mrs. Hannah Celine Galvan! Please believe me wife."

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now