Chapter 57: The Hospital Accident

142 10 0
                                    

Galvan POV

Biglang nagkagulo sa labas ng room ni Celine kaya lumabas ako.

"What happened?" tanong ko sa nurse na napadaan.

"Nagkasunog po sa east," dali dali siyang umalis.

I dialed my dad's number. Thanks God he answered the call.

"Dad where are you? Nagkasunog daw sa east."

I am worried dahil malapit yon sa office niya.

"Yed. I am here. We are helping the other patients. Inaapula na ang apoy dito sa ward," I sighed.

Afterall, he is a doctor. He wants to help. After the call, pumasok na ulit ako at nag paalam kay Kaye na siya muna ang magbantay kay Celine.

Malaki ang GMH. Nasa west kami kaya malayo kami. Pag dating ko roon ay naapula na nga talaga ang apoy. Lumapit ako kay dad. He looked very sad.

Ngayon lang naman kasi ito nangyari sa amin.

"Nailigtas namin ang iba. Ang dalawa nasa ICU ngayon," mahirap kapag may mga ganitong insidente. Maaari kasing ipasara ang GMH.

Tumulong ako kila ni Dad. Ipinatawag sila kaya ako na ang pumunta sa ICU.

Pero nagulat ako nang makita si Kristell.

Why.. why is she here?!

"Kristell?" napalingon siya sa akin.

She's crying. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"R-renz... s-si K-kristen... kasama s-siya... k-kasama siya sa s-sunog," para akong nabuhusan ng yelo sa narinig ko.

Natigilan ako. Wala akong maisagot kay Kristell. Hindi ako makapag isip ng maayos.

"Just p-pray. Magiging maayos din si Kristen," kahit ako'y kinakabahan. Hindi ko lubos maisip. Sobrang bilis ng pangyayari.

Ilang oras din kaming naghintay. Pagkatapos ay lumabas ang daddy nila Kristell.

"Dad!" lumapit si Kristell kay Tito. "H-how is s-she?"

Nakita ko ang sunod sunod na pagtulo ng luha ni Tito. Kinabahan ako.

"S-she...s-she didn't m-make it... m-maraming dugo ang n-nawala sa k-kanya," napahagulgol si Kristell sa narinig. Maski ako'y napaluha.

Kristen...

Bakit... bakit nangyari 'to sayo?

"Dad! T-that's not true. P-please D-dad," I tried to calm her. "P-para saan y-yang papel D-dad?"

Doon ako napatingin sa papel na hawak ni Tito.

"I n-need you to sign this consent Charence," nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"W-what do you m-mean Dad? No! H-hindi ako papayag! Y-yes, I want Celine to l-live but not w-with Kristen's heart," naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Your s-sister decided long time ago Kristell. S-she signed and agreed to this. Wala na akong magagawa," nabago ang ekspresyon ni Kristell.

Naglakad siya paalis at naiwan kaming dalawa ni tito.

Hindi ko alam kung pipirma ba ako o hindi.

"I w-would be glad if y-you'll sign this. Wag mong isipin ang sinabi ni Kristell," ramdam kong sinseridad sa boses ni Tito.

Hindi ko namalayam ang sarili ko't napapirma ako. I'm so sorry Kristen.

Bumalik si Tito sa ICU. I saw the nurses rushed towards Celine's room.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now