Chapter 30: The Last Day

110 32 0
                                    

Celine POV

After ng stay namin sa campsite hindi na kami gaanong nag-uusap ni Jayden. Pati nga si Galvan hindi ko na rin nakakausap.

Nakakabored na dito sa bahay. Si Kaye palagi rin namang wala dahil lagi silang may lakad ni Em.

Si Kristen na naman kaya ang kasama ni Galvan? Hindi siguro. Hindi naman kasali si Kristen sa Student Government.

Ilang araw na ba mula ng umuwi kami? Mula kasi ng mangyari 'yong sa campsite hindi na masyadong nagtetext si Galvan sa akin.

Sila na kaya ni Kristen? Ano ba 'tong naiisip ko? Hays.

Puntahan ko kaya si Galvan sa school? Lagi kasi siyang nasa school. Ganoon siguro kapag President ka ng student body.

Nagbihis ako't nagpunta ng school. Pagkarating ko ng office wala siya doon. Saan naman kaya siya pumunta?

Sa mini forest kaya?

At last I found him. Nakasandal siya sa puno at nakapikit. Nilapitan ko siya. He really looks handsome. Nagulat ako ng minulat niya ang mga mata niya.

"Hannah Celine?"

Sobrang lapit ko sa kanya kaya lumayo ako ng konti.

"I knew your scent. What are you doing here?" alam niya pala ang pabango ko? Kaya pala napamulat siya agad.

"Gusto sana kitang dalawin," I smiled at him.

Parang kulang siya sa tulog. Dahil siguro sa mga gawain niya dito sa school. Next week kasi sports week na. Player pa siya ng table tennis.

"Sorry ha. Nagbakasyon kasi ang mga kasama ko kaya ako ang napag-iwanan ng mga gawain dito," tumayo na siya't nagsimulang naglakad.

"Tutulungan kita," tumigil siya't napatingin sakin.

"Wag na baka mapagod ka lang," ginulo niya ang buhok ko.

"Di ba sabi ko gusto kong sumali sa student government. Kahit assistant mo lang okay na ko roon," sabay kaming pumunta sa office.

"I don't want you to get tired," nagsimula na siyang mag type ng mga documents. Baka naman masira ang mata niya.

"Gusto ko sana talagang tumulong. Bibili na lang ako ng pagkain," paalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Yong... 'yong tungkol sa... 'yong tungkol sa sinabi ni Kristen. Sana wag mo nang isipin 'yon," he's so cute.

"Hindi ko naman iniisip 'yon."

Sa totoo lang iniisip ko pa rin 'yon. Pero panatag naman ako sa nararamdaman ni Galvan.

Hindi nga lang ako panatag kay Kristen. Kaya ba sinabi niya kay Jayden na friends lang sila dahil si Galvan ang gusto niya?

Dalawang sandwich tsaka bottled water nalang ang binili ko.

"Celine!"

Speaking of. Bakit nandito siya? Sana sa kabilang convenient na lang ako bumili. Bakit ba ang malas ko't nagtagpo na naman ang landas namin?

"Kristen..."

"Alam mo ba kung nasaan si Chan?" bakit sa akin niya hinahanap? Hanapan ba ako ng nawawala? Bakit niya naman hinahanap? Hindi naman siya girlfriend ah!

Haaaaay... Bakit ba ako nagkakaganito? Gusto ko nga talaga siguro si Galvan.

"Hindi e. Bakit?" she smiled at me.

'Yong smile na di mo sana gugustuhing makita. Bakit ba napakacreepy ng babaeng 'to?

"E para kanino yang dala mo? Pabalik ka ng school 'di ba? Magkasama kayo ni Chan?" do something Celine. Say something.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now