Chapter 40: Sticky Note

106 10 0
                                    

Celine POV

May pasok kami ngayon. I want to talk to Galvan. Kailangan naming magkabati.

Hinintay ko siya sa gate pero hindi siya dumating.

"Celine!"

Papalapit si Jayden sa akin. Kasama niya sila Kristen, Kristell, at Em. Wala si Galvan.

"J-jayden.. okay ka na ba?" si Kristell lang ata at Jayden ang nakangiti sa akin.

"Papasok ba ako kung hindi. Hindi mo kasama si Kaye?" hinanap pa ng mata niya si Kaye.

"H-hindi e."

"Mauna na ko sa inyo. I still have to do something," paalam ni Kristen. Pero alam ko sa Spades lang ang pagpapaalam niyang yon.

"I'll look for Kaye," umalis rin si Em.

Galit talaga sila.

"Nag-away ba kayo?" tanong ni Jayden. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hahayaan ko nalang.

"Don't worry hindi naman ganoon sila Kristen and Em. They will not ignore you for a long time," nginitian pa ko ni Kristell.

Hindi niya siguro alam ang tungkol sa nangyari sa miniforest. Pati si Jayden hindi rin alam.

"The t-truth is... n-nag away kami ni G-galvan," sumeryoso si Kristell. Magagalit na rin ata siya.

"Anong pinag-awayan niyo?" she is looking at me like I have done a big mistake.

Napayuko ako. Sabagay sila ang magkakaibigan. Bakit ko ba ipinagpipilitan ang sarili ko ulit? Diba nga magawa ko na silang iwasan noon.

"Mauna na ko," paalis na sana ako pero pinigilan ako ni Kristell.

"Whatever it is makakaya mo rin yan. Loosen up but don't give up," she smiled at me.

Pumasok ako sa klase namin pero wala akong maintindihan.

After ng klase namin agad akong pumunta sa room nila ni Galvan. Malapit na rin matapos ang klase nila.

Pag labas niya nginitian ko siya pero nilampasan niya lang ako ulit tulad ng ginawa niya sa hospital. Hinabol siya't hinarangan.

"Wait! I need to talk to you," ngayon nakatingin na siya sa akin.

"For?" natigilan ako sa sinabi niya. Ang cold ng treatment niya sa'kin.

"W-what do you m-mean?" kinakabahan ako.

"I'm asking you kung para saan ang sasabihin mo. If it's not important can I left already?"

Mas lalo pa akong natigilan sa sinabi niya. Wala akong nasabi hanggang sa makaalis na siya. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko nagawa.

Bumalik nalang ako sa room. Kahit pa lunch break ngayon. Nawalan na ako ng gana.

Kailangan bago matapos ang araw na 'to magbati na kami ni Galvan. I have to think of ways.

"Akala ko pa naman magla-lunch ka. Nandoon pa naman si Renz," napalingon ako kay Kaye na kakapasok lang ng pinto.

"Talaga? Nandoon pa ba siya? Sinong kasama niya? Nandoon ba ang Spades? Nakakain na ba siya?"

"Hanep! Unang una sa lahat hindi ako artista para magtanong ka na para bang ikaw si boy Abunda. Pangalawa, napakaobvious ng mga sagot sa tanong mo," umupo siya sa tabi ko at nagbasa ng libro.

"Nasaan si Galvan ngayon?"

Ibinaba niya ang libro sa desk niya at tinaasan ako ng kilay. Kontrabida talaga ang babaeng 'to.

MIDNIGHT KISS Season IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora