Chapter 6: The Date

281 47 0
                                    

Galvan POV

"Wow white roses para kanino 'yan Doc?" tanong ni Nurse Kim.

Kakatapos lang namin mag-usap ni Daddy. And now, I am going to Hannah Celine.

"I'm always telling to just call me Charence or just Renz. I'm still on the process on becoming one. Saka mo na ko tawaging Doctor 'pag nagawa ko na talaga," sab i ko naman kay Nurse Kim.

"Doon rin naman papunta. So para kanino nga 'yang flowers?" mapanuksong wika ni Nurse Kim.

"Para kay Miss Romero," tugon ko sa kanya nang nakangiti.

"Ah 'yong kasama niyo kanina Doc? Pumapag-ibig na si Doc ah. Goodluck sa inyo!"

Naghintay ako sa gate ng University. By five pm out na rin naman nila Hannah Celine so I'll just wait for her.

"Galvan!"

"For you," napangiti siya sa roses na bigay ko.

"Nag-abala ka pa. Thank you. Favorite ko pa naman 'to."

"Tara na?"

Sa amusement park ko siya dinala. Alam ko magugustuhan niya rito. They said this is the happiest place in the world.

But I think the most happiest place in the world is the place next to your beloved.

Sana masiyahan si Celine dito.

I hope.



Celine POV

Sabi na ko na nga ba. Pafall talaga si Galvan. Ang cute talaga ng white roses. It was really my favorite flower

"Dinner muna tayo?"

Ikaw ang bahala sa ganyan Galvan. Ikaw kaya ang nag-aya. Pumunta kami sa simpleng restaurant lang. Hindi naman ako maarte. Maganda lang ako pero hindi ako choosy.

"What's your order maam/sir?" tanong ng waiter sa akin.

"Anong gusto Hannah Celine?" tanong ni Galvan.

Parang puro gulay ang sa nasa menu. Paano ako kakain nito? Kakasabi ko lang na hindi ako choosy pero pagdating kasi sa gulay nagiging choosy ako.

"We'll just have this one."

Napatingin ako sa menu. May chicken curry rin pala at fish fillet akala ko talaga gugulay na naman ako. I'm not in the mood to have veggies for dinner. Baka sumama pa ang tiyan ko mahirap na.

"Pwedeng magtanong? Paano mo nalaman na favorite ko ang curry tsaka fillet? Last time binigyan mo rin ako," tanong ko.

"I don't know na favorite mo 'yon. Actually, it was also my favorite. But I don't know when did I started eating curry and fillet," sagot niya.

Akala ko pa naman stalker ko siya kaya alam niya. Napakaassumera mo kasi Hannah Celine. Ika nga 'taste your own medicine'.

"May common pala tayo. Bagay talaga tayo," score na naman ako kay Galvan.

"Really? Baka magkapatid talaga tayo," sabay tawa.

Ayan na naman 'yang kapatid na 'yan. Nawala tuloy ang ngiti ko sa sinabi niya. Parang napapadalas na ang pang-aasar niya sa akin. Okay sana kung itong asaran na 'to mahulog sa pag-iibigan.

"Gusto mo siguro akong maging kapatid Galvan 'no?" tanong ko kay Galvan.

"Nope. I want you to be my wife," kung may iniinom lang ako siguro nabugahan ko na siya.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon