Chapter 51: The Wedding

128 12 0
                                    

Celines POV

March 28, 2014

Galvan's Graduation

I'm so happy for him. Matutupad niya na ang mga pangarap niya. Before their marching pumunta muna ako ng canteen.

"Celine.."

Kristen?

Bakit nandito pa siya? Tulad sabay kasi ang graduation nila ni Galvan. Si Jayden kasi nagshift kaya hindi sila sabay.

"Can I talk to you?"

Pumunta kami sa isang bakanteng classroom.

"Mika talked to me," si Mika? Ang kapatid ni Galvan? "Sabi niya gusto ng Kuya niyang mag proceed sa Notre Dame."

"W-what do you mean?"

Naguluhan ako sa sinasabi niya.

"Hindi niya gagawin yon dahil sayo. Dahil nag aalala siya sayo."

I know Galvan is really smart. Noon pa man bilib na ako sa katalinuhan niya.

Pero bakit kailangang sa ibang bansa pa siya mag aaral?

"He even chose you four years ago sana naman hayaan mo na siya ngayon," mas lalo akong naguluhan sa pinagsasasabi ni Kristen.

"Pwede bang diretsuhin mo nalang?"

"Wala siyang planong dito mag aral ng pre med niya. Pero nang makilala ka niya noong high school he gave up his opportunity to study in Australia," ibig niyang sabihin?

"Lahat ng subjects na kinuha niya dito accredited ng Notre Dame. Pero hanggang pre-med lang. Kailangang doon na siya magproceed ng pag dodoktor niya," napapikit ako sa sobrang gulo ng isip ko.

Bakit hindi ko alam yon? Akala ko gusto niyang dito makapagtapos.

"Kaya nakikiusap kami sayo. Let him do his plans. He supposed to take his admission test tomorrow. Nakakuha na rin ang family niya ng ticket. Desisyon niya nalang ang hinihintay. I hope mapag isipan mong mabuti," pagkatapos sabihin yon ni Kristen ay umalis na siya.

Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko muna inisip yon at bumalik na kila Kaye.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka," tumango lang ako.

Gulong gulo talaga kasi ang isip ko ngayon.

"K-kung... kung gusto ni Em na mag aral sa ibang bansa, okay lang ba sayo?" napatingin siya sa akin.

Napabuntong hininga siya bago sumagot.

"Sa totoo lang hindi ko gusto. Ayoko ng LDR. Pero kasi kung gusto niya yon sino ba naman ako para pigilan siya? I want him to choose what makes him happy. Bakit mo naitanong?"

"H-ha? Naisip ko lang," nanatili akong nakatingin sa mga graduates.

"Ayon si Galvan!"

Papunta sana kami kay Galvan ng bigla akong mahilo.

Galvan POV

Kakatapos lang ng program. Nakita ko ang paglapit nina Celine sa akin. I smiled at her but she fainted.

"Celine!" sigaw ni Kaye.

Agad ko silang nilapitan at binuhat si Celine.

Dinala namin siya sa GMH. What happened to her?

Buti nalang at naroon si Tito Kristoff.

"What happened to her?" tanong ko kay Kaye nang dinala si Celine sa ER.

"H-hindi ko a-alam.B-bigla nalang siyang h-hinimatay," she is crying.

Maybe because she treats Celine as her own sister.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon