Special Chapter: The Spades

242 14 0
                                    

Kaye POV

"Kuya and Celine shouldn't remember their past," sabi ni Mika. Kahit pa tutol ako wala akong nagawa.

Sobrang hirap na magkunwaring wala kang alam. Naaawa ako kina Renz at Celine.

"From now on, wala na ang Spades," lahat kami napatingin kay Kristell.

"Bakit kailangang idamay ang Spades?" tanong naman ni Jayden.

"Mahal ka ni Kristen pero nagkagusto ka kay Celine," seryosong pahayag ni Kristell.

Natahimik kaming lahat. Hindi namin iniexpect na aabot dito ang Spades.

"That's your choice," napatingin kami kay Em. "I'll have my own choice. Kung gusto niyong bumuwag then do it."

"Em..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"I agree with Em," pagsang-ayon naman ni Jayden.

Walang salitang iniwan sila ni Kristell at Mika bago umalis. Naiwan naman kami nina Em at Jayden.

Nagiguilty ako. Kung hindi na lang sana kami lumapit ni Celine sa Spades sana hindi nagkaganito. Alam kong magiging mahirap kung mananatili kami ni Em.

"Don't ever do something stupid Kaye," napayuko ako sa sinabi ni Em. "I know what are you thinking. We'll stay together."

"Pero kasi Em-"

"Em is right Kaye. Wag mong akuin lahat. It's my fault. Labas kayo sa kung ano man ang problema-"

"Em!"

Hindi ko inaasahang susuntukin ni Em si Jayden.

"Mabuti at alam mo. Sana naisip mo yan bago mo ginago si Renz. Tara na Kaye," umalis na rin kami ni Em.

Maski ako nahihirapan sa sitwasyon namin. Pumunta kami ng park.

Tahimik lang si Em. Minsan gusto kong mabasa ang iniisip niya.

"Mali ba ako?" napatingin ako kay Em. "Una si Kristen ngayon naman sila Renz, Mika, at Kristell. Alam ko ang lahat pero nanatili akong tahimik. H-hindi ako nakialam. Kung sa umpisa sana p-pinigilan ko na sila. S-sana hindi umabot sa ganito."

Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni Em. Nasasanay kasi ako na parang wala siyang problema. Na sobrang gaan sa pakiramdam pag siya ang kasama ko.

"I'm sorry," hindi ko alam kung paano mapapagaan ang nararamdaman niya.

Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Doon ko napansing may tumutulong luha na mula sa mga mata niya. Pinigilan ko sarili kong hindi mapaluha.

"Kung nandito lang sana si Kristen. Hindi niya hahayaang magkaganito ang Spades," tama siya.

Kahit pa magalit ang Spades kay Kristen gagawin niya talaga ang lahat wag lang mabuwag ang Spades. Para siyang tali na nagpapanatili sa Spades.

Sana maging maayos ang lahat kahit wala na sila Renz.

Sana maging okay si Celine.

Jayden POV

Alam kong mali ang nagawa ko pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko.

I love Celine. At ayokong pigilan ulit ang sarili ko. Ayokong mawala ulit ang mahal ko dahil lang sa sarili kong kagagawan. Kahit pa mali.

Pumunta ako sa libingan ni Kristen. Sa tingin ko'y kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

Alam ko sobrang mali. Pero minahal ko Celine dahil nakikita ko sa kanya si Kristen. Siguro dahil na kay Celine ang puso ni Kristen.

MIDNIGHT KISS Season IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora