Chapter 10: The Girl

242 41 0
                                    

Celine POV

Nandito kami sa likod ng rest house. Walang imikan. Nakatulog na nga ata sila Kaye. Nahihiya ako kay Galvan. I kissed him earlier. Nakakahiya!

Kahit pa totoong si Galvan nakita ko sa library. Hindi pa rin maja-justify ang paghalik ko sa kanya kanina. Kahit na siya ang humalik sa akin do'n sa library.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang siya 'yong tinawag kong Midnight Phantom do'n.

"Bakit mo 'ko hinalikan sa library?" buti na lang naitanong ko pa.

Pero kinakabahan talaga ko. Hindi pa niya ako kilala noong time na 'yon. I badly need his reason.

Dahil sa halik na 'yon nagkakaroon ako ng panaginip tungkol kay Mister. Kung anu-anong naiisip ko.

"Because you're scared."

Loading...............

Loading..........

Loading.....

Iyon lang ang dahilan niya?

Dahil sa takot ako?

Edi manonood na ko ngayon mismo ng horror para mahalikan mo ulit. Baliw pa lang Galvan 'to e. Nanghahalik ng taong takot. Magpinsan nga talaga sila ni maw.

"Iyon ang dahilan mo?"

"I have some effects of taking pills. I'm nauseous that night. And you are partly at fault."

At talagang kasalanan ko pang nawala ang first kiss ko ha?

"Paano ko naman naging kasalanan 'yon?" patawa minsan si Galvan.

"Because you're too beautiful that I can't get hold of myself not to kiss you."

Solid State to Liquid State

My heart's melting!

'Because you're too beautiful that I can't get hold of myself not to kiss you.'

Bakit kailangan niya pang sabihin sa'kin 'yan?! Hundreds per second naman tuloy ang heart beat ko. Napatakip na lang ako ng mukha.

"Bakit kailangan mo pang sabihin 'yan? Gusto mo ba akong atakihin sa puso?" tumawa lang siya sa sinabi ko.

"What did I do? Sinagot ko lang naman ang tanong mo. Pati nga ang paghalik ko sayo sa hospital-"

Tinakpan ko 'yong bunganga niya baka ano namang sabihin niya. Ginulo niya naman ang buhok ko. Kaya inalis ko na ang kamay ko. Sabay ayos ng buhok ko. Wala talagang magawa 'to.

"Wag ka kasing maganda. You're too good in making people fall for you. Take responsibility. Be my girl," tumayo na siya at naglakad papasok ng bahay.

Anong responsibility? Talagang baliw na ang Galvan na 'yon. Magiging doctor pa ba talaga 'yon? Sumunod ako sa kanya. Seryoso ba siya?

"What do you mean Galvan?"

"Goodnight Celine," he just kissed me at pumasok na ng room nila.

Anong ibig niyang sabihin?




Kaye POV

I looked at Hannah. May iba talaga sa kanya ngayon. Natatawa talaga ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung nakatulog ba 'to.

"Wag mo nga akong tawanan!"

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now