Chapter 33: The Fight for Love

126 9 0
                                    

Celine POV

Thank you talaga kay Jayden at nawala ang inis ko kay Kristen.

'Yong 'My one and only you' pala ang kakantahin niya.

Nagsimula na siyang kumanta. He is looking at Kristen. He really want to show his love for Kristen.

"Ang galing talaga ni Jayden. Ang ganda ng boses niya," sabi ni Kaye.

Napangiti na lang ako.

"Kristen!" tawag ni Galvan.

Hindi ko namalayan ang pagtayo niya at pag-alis niya. Sinundan siya ni Galvan. Paika-ika pa naman siya. Napatayo na rin ako at sinundan sila sa labas.

"Where are you going?!" ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Galvan.

"Let me go Chan. May pupuntahan lang ako."

Kristen's.....Kristen's crying?

"Aalis ka nang ganyan ang paa mo? Sige nga? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Paano kung mapahamak ka?!"

He really cared for Kristen.

"Nasa isip ko pa rin ng mga sinabi ni Jayden sa akin Chan. He chose Celine over me, his best friend," she's still crying. "He changed Chan. He hated me."

Galvan hugged her. Tumalikod ako. Ayokong makita silang magkayakap.

"Stop crying..."

"Chan promised me. Kahit anong mangyari you will still be with me. Huwag mo kong iwan Chan," napapikit na lang ako.

Bakit ba hindi ko magawang umalis? Bakit nananatili pa rin ako dito? Ayokong marinig ang sagot ni Galvan.

Paalis na sana ako....

"I'll never leave you Kristen."

Hindi mo....... hindi mo iiwan si Kristen?

Paano 'pag naging tayo?

Magiging tayo pa ba?

Gusto kong maglakad pabalik ng hall pero hindi ko magawa. Parang hindi ko magalaw ang sarili ko. Pesteng luha 'to bakit ba ayaw tumigil.

Kaya ko pa.

"Celine! Where's Kristen? Wait! Are you crying?" gusto ko sanang pigilan si Jayden pero huli na.

Nakita niya na ang yakapan nila Galvan at Kristen. At katulad ko nga he's hurt.

More than my pain.

Because he is too in love with Kristen.

"Tara."

Dinala niya ako sa parking lot.

"Sakay na," may lisensya ba siya. Dala niya kasi ang motor niya. "Sasama ka ba o hindi? I have my student license."

Saan niya ba ako dadalhin? Pauwi 'to sa amin a.

"Ihahatid mo ko?"

Lumiko siya. So hindi sa bahay?

"We're here."

Sa bahay niya pala kami pupunta. Sana sinabi niya nalang. Kinabahan pa ko tuloy.

"Nga pala Jayden natapos mo ba ang kanta?" he looked at me and smiled.

"Yes. I finished the song bago ako sumunod sa inyo," dumiretso siya sa kusina.

Nagpaiwan ako dito sa sala. Talagang gusto nga niya si Kristell. Nakaframe kasi ang picture nila dito sa sala.

With my first love.

Ang swerte ni Kristen. She has the Spades. Mahal siya ni Jayden. Best friend siya ni Galvan.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon