Chapter 13: The Lie

234 42 0
                                    

Celine POV

Papunta ako ngayon ng Avila Corp. Buti na lang at maagap ako. Interview ko kasi ngayon do'n. Sana matanggap nga talaga ako. Internship na kasi namin this sem.

Sigurado magagalit talaga si Pres. Practice namin ngayon pero ngayon rin kasi ang pag-apply ko sa Avila. Mahirap na kung mahuli ako for internship. Ayoko namang mapag-iwanan.

Marami kaming nakaupo sa bench. Naghihintay na tawagin ang numero. Nakakakaba kasi panel interview siya. Panigurado marami rin dito ang mga deserving at siguradong desidido sa pagtatrabaho sa Avila.

Dream company ko kasi ang Avila. Gusto ko dito magtrabaho.

"124, 125, 126, 127 pasok na po," buti na lang pasok pa ang 127.

Ako kasi 'yong number 127. Nakaupo na kami sa harap ng mag-iinterview namin at isa sa kanila ay ang CEO. Siya siguro 'yong naka glasses sa gitna. Nakita ko na rin kasi siya sa isang magazine cover.

Mayaman kasi talaga ang pamilya Avila. Ang gwapo pa ng kaisa-isang anak nila. Swerte ko at magtatrabaho ako para sa gwapong CEO ng Avila Corp.

"Please introduce your selves first," sabi ng isang babae sa panel.

Nauna si Miss 124. Grabe ang litanya niya para namang dito na talaga siya magtatrabaho. Napatango pa ang panel sa kanya. Kakainggit.

Pagkatapos si Mr. 125 naman. Mula siya sa isang sikat na university at ang dami niya pa lang mga sinalihang extracurricular.

Grabe ako ata ang pinakaloser sa amin. Ako lang ata ang galing sa GU.

"Ikaw na miss," sabi sa akin ni Miss 126.

Umayos muna ako ng tayo bago nagpakilala.

"I'm Hannah Celine Romero from Galvan University. I am taking-"

"Romero?" tanong ni Mr. CEO.

Tumigil sa pagsusulat si Mr. CEO at napatingin sa akin. May mali ba sa pagpapakilala ko? Baka sabihin niyang get out. Kailangan ko na atang maghanap ng ibang company.

"So you are this busy that you can't fetch me at the airport," napalingon kami sa biglag pumasok ng conference.

Who is she?

"Mikaela? What are you doing here?" tanong ni Mr. CEO.

Tumayo ang katabi ni CEO at ibinigay ang seat sa babaeng dumating. Isa rin ba siya sa stakeholder ng Avila?

"I'm here to help you with the interview. What's the 18% share if I won't do my part? Let's talk later hon," napatingin sa akin 'yong Mikaela.

Napakunot-noo siya. Kinilabutan ako sa masamng tingin na ipinukol niya sa akin.

"Hannah Celine Romero?" tanong no'ng Mikaela.

"Yes maam,"

I didn't get it when she chuckled. Kilala ba niya ako? Or is she insulting me? Ako na lang kaya mismo ang umalis dito?

"So you're here for an internship. What a small world indeed. Anyway, what's with you that Avila would need?"

Gusto kong maiyak sa pagtanong niya. Bakit ako agad? Hindi man lang ako nakapagready. Mag-isip ka Celine. 'Wag kang papatalo sa kaba.

Breathe in.

Breathe out.

"This will serve as my training but I strongly believe that I am much more capable in giving significant contribution that will be surely beneficial for the company's growth. My contribution will surely place company at top in the market. As, I am reliable, loyal, extremely hardworking, and strongly capable in understanding any process and making decisions with minimum supervisions, I can ensure you that I will always give the first priority to my responsibilities," mukhang nasiyahan naman si Mr. CEO sa isinagot ko.

MIDNIGHT KISS Season IOnde histórias criam vida. Descubra agora