Chapter 22: The First Encounter

184 36 0
                                    

 Celine POV

August 8, 2008

Galvan University

Happy Birthday self!

Happy aish... Hays! Masaya ba 'tong pinatransfer ako nina mommy at daddy? Pinatapos lang nila ang first quarter. Ilang taon na akong nag-aaral do'n sa dati kong school. Marami na akong mga naging kaibigan do'n. Sobrang sayang lang kasi talaga.

Never mind. Be positive. Magiging okay ka Hannah Celine. Tiwala lang. Walang mangyayaring masama sa iyo. Kaya mo ya-

"Mag-ingat ka nga!" inis kong sigaw.

Biglang kasing may nakabangga sa akin. Muntik pa akong madapa sa pagiging careless niya. Kakainis!

"You're beautiful..." napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin.

A-anong sinabi n-niya?

B-beautiful?

Maluwag ba ang tornilyo niya? Ano bang pinagsasasabi niya? Ni hindi ko nga siya kilala tapos sasabihan niya pa ako ng maganda pagkatapos niya akong banggain.

"Mister alam kong maganda ako pero pwede bang magsorry ka naman?" angil ko pa sa kanya.

Akala niya makakalimutan ko ang atraso niya dahil lang sa 'beautiful'. At mukhang hindi pa talaga siya nadala. Ngumiti pa talaga siya sa akin.

Napatingin ako sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin. Ang gwapo niya. Ang ganda ng ngiti niya.

"We just met but you already want me to be your husband?" bigla akong napaisip sa tinuran niya.

Husband?

May sinabi ba akong... Hays! Namisinterpret niya ba 'yong pagtawag ko sa kanya ng 'Mister'. Talaga nga namang may sapak ang lalaking 'to.

"I'm Charence Angelo Galvan and you are?" inilahad niya sa 'kin ang kamay niya.

Aba't nagpakilala pa. Hindi porket gwapo siya hindi na siya magsosorry. Unang araw ko rito sa Galvan University nasira nang dahil sa kanya. At sa birthday ko pa talaga.

"Sige 'wag ka na lang magsorry," naglakad na 'ko palayo sa kanya.

Ang gwapo niya talaga. Kailangan kong lumayo baka makipagkilala pa 'ko sa kanya't makalimutan ko ang atraso niya.

"Good morning Prenz!" sabay-sabay na sabi ng mga babaeng clown.

Nasobrahan sa make up ata ang mga estudyante rito? Ano bang school 'to? Talaga bang school 'to o salon? Buti na lang at nandito si Kaye ko.

"Good morning!" nakangiti pa niyang bati sa mga bumati sa kanya.

Wow! Famous pala 'tong may saltik na 'to. Iba talaga ang nagagawa ng visuals. Saan ba 'yong room ko? Kainis namang Kaye 'yon e. Sabi nang sabay kami.

"What building? Ihahatid kita," hindi ko napansing nakasunod pala siya sa akin.

Pero bakit ba hindi pa rin siya nagsosorry? Pinagtitripan niya ba ako? Hindi kaya bully siya rito sa school?

Hinarap ko siya at tinignan ng masama.

"Hindi ka ba magsosorry?"

He just smiled at ako naman konting-konti na lang mahuhulog na talaga. Bakit ba siya ngumiti? Hindi ba niya nararamdamang naiinis ako?

"I'm sorry Hannah Celine," nagulat ako sa sinabi niya.

Bakit niya alam ang pangalan ko?

MIDNIGHT KISS Season IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora