Chapter 21: The Memories

195 37 0
                                    

Celine POV

Napakunot-noo ako sa sinabi ni maw. Anong operasyon? Noong naaksidente ako?

"Anong operasyon?"

Sabihin mo na maw ang totoo please. Sabihin mo na sa akin ang tungkol sa nakaraan ko.

"Noong naaksidente ka 'di ba humingi ka ng ice cream kahit na putlang putla ka na," umiwas siya ng tingin.

Totoo ba ang sinasabi mo maw? Bakit 'di ko maalala 'yon? May nangyari ba talagang gano'n? Bakit hindi ko matandaan? Hindi kaya... nagsisinungaling ka sa akin maw?

"Gusto kong magsabi ka sa akin ng totoo maw. M-minahal ba... b k-kita noon?" hindi ko alam bakit iyon ang tinanong sa kanya at hindi 'yong kung siya ba si Mister. "Wag mo na pa lang sagutin!"

Bigla akong kinabahan sa maaaring isagot niya. At isa pa nakakahiya! Bakit mo ba siya tinatanong ng ganoon? Baliw ka na talaga Hannah Celine.

"Hindi ko rin alam," he sounds sad.

Ikaw ba si Mister maw? Ikaw ba ang asawa ko? Ikaw ba ang nasa mga panaginip ko? Nahihirapan na ako. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

After naming kumain ng ice cream bumalik na kami sa hotel. Isang room lang nga talaga kami. Ano na lang ang iisipin ni Galvan kung malalaman niya ang tungkol dito.

"Celine..." I looked at maw. "Pwede bang 'wag mo nang isipin ang nangyari noon? Pwede bang kalimutan mo na lang 'yon?"

Gusto ko rin naman maw. Gusto kong makalimutan ang nangyari noon. Pero wala akong magawa. Napapanaginipan ko ang mga nangyari. Gabi-gabi para akong nalulunod sa isang panaginip na hindi ko alam kung totoo ba.

Nagulat ako ng yakapin niya ako. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Bakit ganito ang reaksyon ko kay maw? This is the first time I feel something with his hugs. Dahil ba sa siya si Mister?

"Gusto ko rin naman kalimutan maw pero hindi ko magawang hindi isipin 'yon."

"Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo Celine. Pero hindi maganda ang mga nangyari noon. Sana makalimutan mo 'yon," mas lalong humigpit ang yakap niya.

Mister...

"Room service," nakahinga ako ng maluwag nang dumating ang pinadeliver naming dinner.

Mas lalo lang naging awkward ang sitwasyon namin. Dahil sa sinabi niya hindi man lang ako makaimik. Nahihiya akong kausapin siya. Magkasama kaming kumakain pero ni hindi man lang kami nag-uusap.

"I'll take a shower," kakatapos niya lang kumain pero maliligo agad siya.

He definitely avoided me.

"S-sige."

Ilang minuto pagkatapos niyang pumuntang banyo pumunta ako sa veranda. Gusto kong magpahangin.

Si Galvan nga pala. I checked my phone if he called or even just messaged me pero wala akong natanggap. Galit pa rin ba siya? Pero ako nga rin dapat magalit dahil magkasama sila ni Kristell.

Hays! I can only find my memory if I'm with Jayden. He is my key. I'm so sorry Galvan. Things are just too complicated.

"Kailangan mo ba talagang maalala 'yon?" hindi ko napansin ang paglapit ni maw. Hindi siya nakatingin sa akin.

"Hangga't hindi ko naaalala 'yon para akong nakakulong. Marami akong tanong na walang kasagutan. Maraming nangyayari sa aking hindi ko maintindihan."

At may mga panaginip akong hindi ko alam kung totoo...

"Sa tingin mo ba sasaya ka kung maaalala mo ang mga alaalang 'yon?" natigilan ako sa tanong niya.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now