Chapter 44: The KrisDen

99 10 0
                                    

Celine POV

"Ang totoo niyan Celine, may gusto sana kasi akong sabihin," napatingin ako kay Jayden. Sobrang seryoso niya.

"Tungkol saan?" kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"About Kristen and... Renz."

Parang huminto ang heartbeat ko dahil sa sinabi ni Jayden.

Kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin niya.

"A-anong tungkol sa kanila?"

"They are my friends," nakangiting sagot ni Jayden.

???????

"Sobrang seryoso mo talaga," nagloload pa sa isip ko ang pinagsasasabi niya.

"Ako ba... Ako ba Jayden pinaglololoko mo?!" sigaw ko sa kanya. Buti na lang konti lang ang tao sa convenient.

"Relax.. Hahaha.. ang seryoso mo naman kasi. May sasabihin naman talaga ako sayo tungkol sa kanila. Pero order ka muna," inis akong tumayo. Kumuha muna ako ng chips at pumunta sa counter.

Pagbalik ko kinuha agad ni Jayden ang ice cream sakin.

"Ano na?" tanong ko agad sa kanya.

"She told me about Renz," binuksan niya 'yong chips. "She said she thinks Renz likes her too."

Sinabi niya 'yon? Gusto ko sanang mainis pero naalala ko ang sinabi ni Galvan.

"I doubt that. Hindi siya gusto ni Galvan," malakas na tumawa si Jayden.

"Kampanteng kampante ka a. Sabagay hindi ko rin naman hahayaang magustuhan siya ni Renz."

"Bakit?"

"Anong bakit?" balik na tanong niya.

"Bakit ayaw mong hayaang magustuhan siya ni Galvan?"

"Hahaha. Iniisip mo bang gusto kita?" tumawa ulit siya.

"Sira!" paano napunta roon ang usapan?

"I like Kristen remember? Bakit ikaw ba hahayaan mong magustuhan ni Renz si Kristen?"

After naming kumain sa convenient hinatid na ako ni Jayden sa bahay.

Jayden POV

I went to school early. Sakto namang nandoon si Kristen.

"Magandang umaga Kristen," nakangiting bati ko sa kanya bago umupo sa tabi niya.

"Mas maganda pa ako sa umaga," sabi niya habang busy sa pag babasa.

"Gusto mo ng Stick O. Imagination mo ang limit. Hahaha," ibinaba niya ang libro saka tumingin sakin.

"First, hindi imagination ang ganda ko. Second, krim stix yon hindi Stick O," sabi niya sakin.

Akala ko pa naman Stick O 'yon. Krimstix pala yon?

"Nagbago na pala?" inirapan niya ako sabay basa ulit.

"Hindi ka naman mas maganda sa umaga," kahit nagbabasa siya alam kong nakikinig siya. "Pero mas maganda pag naging akin ka."

She closed the book she's reading. Pagkatapos ay hinampas sa ulo ko. Sama talaga ng babaeng 'to.

"Isa pang kakaganyan dadalhin na talaga kita sa mental," naiirita niyang sabi kaya natawa ako.

"Oo na wifey. Masyado namang mainit ang ulo mo," tiningnan niya ulit ako ng masama.

"Oo nga. Lagi na lang kayo nag-aaway ng asawa mo," sabi ni Renz na bagong dating.

"Pati ba naman ikaw Chan! Kayo talagang dalawa," natawa kaming dalawa ni Renz.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon