Chapter 17: The Maze Feeling

164 41 0
                                    

Celine POV

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman. Patuloy lang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit sa dibdib ng sinabi ni Galvan. He just said we should broke up but why am I too hurt about it?

"Sabi ko naman 'di ba 'wag kang iiyak Celine," hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni maw. "Kung alam ko lang na magkakaganito edi sana hindi kita hinayaan kay Renz."

Niyakap niya ako pero patuloy lang ako sa pag iyak. Hinatid ako ni maw sa bahay. Masyadong blangko ang isip ko ngayon at tanging pag-iyak lang ang magagawa ko. Sa sobrang iyak ko'y nakatulog na ako.

"Mister tapatin mo nga ako, ano bang nagawa ko at nagkakaganyan ka?"

Hanggang sa sitwasyong 'to napapanaginipan ko pa rin si Mister. Why am I dreaming of him again?

"Not now Celine," pumasok si Mister sa kwarto at nilock pa niya ang pinto.

"Kung hindi mo 'to bubuksan hinding-hindi na ko babalik dito," binuksan naman ni Mister ang pinto pero nakatingin lang siya ng masama sa akin.

"Then go. I'd rather have no one than have someone who would left me anytime she want," hinawakan ko ang kamay ni Mister.

"Ano ba talaga ang nagawa ko? Bakit ba ang cold mo sa akin?" nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"Sabi ko naman 'di ba 'wag kang iiyak Celine. It's just your heart," niyakap ako ni Mister.

"Hannah Celine!"

Nagising ako bigla sa boses ni Kaye.

"You are crying... Ano bang nangyayari sayo Celine na kahit sa pagtulog mo umiiyak ka?" napahawak ako sa pisngi ko.

Totoo ngang may mga tumulong luha sa pisngi ko. Dahil ba ito kay Mister sa panaginip ko o dahil ba kay Galvan? Paano ko ba sasagutin ang tanong mo Kaye dahil sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot.

"Ano na?"

Napapikit na lang ako't napaisip ng mabuti. Si Kaye lang ang pwede kong mapagkakatiwalaan tungkol sa relasyon namin ni Galvan. I know she would understand me.

"Galvan is really my... my boyfriend. But he b-broke up with m-me last night."

"Teka lang. A-anong sinabi mo? K-kayo ni Renz?" nauutal na tanong ni Kaye.

Kabigla bigla ba na kami ni Galvan? Pero sa ekspresyon ni Kaye mukhang hindi 'yong relasyon namin ni Galvan ang ikinabigla niya. Hindi kaya may alam siya tungkol sa pakikipaghiwalay ni Galvan sa akin?

"May alam ka ba Kaye?" bigla siyang natigilan sa tanong ko.

"You should have stayed away from him Hannah Celine," seryosong tugon ni Kaye.

Anong ibig mong sabihin? Anong meron kay Galvan na hindi ako dapat mapalapit sa kanya?

Galvan POV

Gaya ng inaasahan pinuntahan nga ako ni Jayden. Mukhang alam niya na ang tungkol sa amin ni Celine at nangyari kani-kanina lang.

"What now?"

"Why did you make her cry?" kalmadong tanong sa akin ni Jayden.

"What do you want me to do? Should I stay with her longer? I can't love her. She's into someone else. Ikaw ang kailangan ni Celine hindi ako," seryosong turan ko.

I want to cut this conversation with him. Ayoko nang mapunta pa kung saan ang usapang 'to.

"Akala ko noon ka lang g*go Renz. Hanggang ngayon pala. Huwag mong pagsisisihan ang ginawa mong 'to," umalis na siya.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now