Chapter 53: The Jealous Mister

124 11 0
                                    

Celine POV

Kanina pa ako hindi mapakali dahil kay Mister. Mula ng dumating sila Jayden sobrang tahimik niya.

"Sa tingin ko wala sa mood ang hubby mo. Nag away ba kayo?" akala ko ako lang. Napansin din pala ni Kaye.

"Hindi naman. Yon nga rin ang iniisip ko. Ang seryoso niya ngayon," concentrate talaga siya sa pagtipa sa laptop niya.

Baka siguro busy lang talaga siya.

"Bubwit bisita rin kami bakit si Kaye lang kinakausap mo," pagmamaktol ni Jayden.

"Hahahahaha Bestfriend nga kasi Bestfriend," natatawang sabi ni Kaye.

"Curious na talaga ako sa Bubwit na yan ah," sabi naman ni Kristell.

"Ewan ko sa kanya. Saan niya napulot yan," inirapan ko si Jayden.

"Pasalamat ka nga bubwit lang. Paano pa kaya kung dugyot ang itawag ko sayo?" natawa siya pagkatapos sabihin yon kaya pinaghahampas ko siya ng unan.

"Maw rin naman ang tawag mo sakin ah. Sa gwapo kong 'to tatawagin mong halimaw," pagyayabang ni Jayden.

Natawa nalang kami.

"Mauna na kami. May pupuntahan pa kasi kami," pagpapaalam ni Em.

"Aalis na lang rin kami. Thanks sa food Celine," sabi naman ni Kristell.

Pag alis nila nilapitan ko si Galvan. At niyakap ko siya.

But I didn't expect what he did.

Tumayo siya at umakyat sa kwarto.

Nagulat ako sa ginawa niya. Nakaramdam ako ng hiya. I feel rejected. Ganoon ba siya ka busy para hindi ako pansinin?

Sa sobrang sama ng loob ko sa guest room ako dumiretso. Humiga ako't nakatalikod sa pinto.

Ano bang kasalanan ko sa kanya? Kung ganoon din lang pala sana hindi na siya umuwi.

Hindi niya pa pinansin ang Spades kanina.

Nakapaglunch na kami pero wala pa rin kaming kibuan. Nakakainis siya! Ayoko ng ganito.

Ni hindi niya man lang ako pinansin.

Ang sama sama niya. Naiiyak na ko.

"Wife."

Napalingon ako.

"Are you okay?"

Anong klaseng tanong yan? Sobrang sama ng loob ko. Pero ayoko rin namang matapos ang araw na to na magkaaway tayo.

"Ha? Oo naman. Okay lang ako."
malungkot ang mga mata niya.

Ano ba kasing nangyari sa kanya? Tumulo ang mga luha niya't lumapit sa akin. He hugged me.

"I don't want to lose you wife. Please don't leave me. I love you so much," patuloy lang siya sa pag-iyak. Niyakap ko rin siya.

Hindi ko alam pero parang ang sakit na makita siyang umiiyak. Kahit pa hindi niya man lang ako kinausap o pinansin kanina.

"Oo Mister. Hindi kita iiwan," I really meant it. Ayokong iwan siya. "Let's have a date Mister."

Gusto kong maging okay kami. I love him. Ayokong nag aaway kami. Ayokong hindi kami nagpapansinan. Ayokong hindi kami nag uusap.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita ko siyang nakatingin sa hawak niyang cellphone. Nagriring pero hindi niya sinasagot.

"Bakit hindi mo sinasagot?"

MIDNIGHT KISS Season Iحيث تعيش القصص. اكتشف الآن