Chapter 24: The One and Only You

141 34 0
                                    

Celine POV

Tatlong buwan din ang lumipas bago ko nakasanayan ang GU lalo na ang pag-uugali ng mga estudyante rito. Ibang-iba kasi talaga ang inaasta nila kung ikukumpara sa Saint Joseph School. Namimiss ko na nga ang iba kong kaibigan. Nakiusap ako kay mommy na bumalik sa dati kong school pero ayaw niya.

Lalo kong nakikilala si Galvan a.k.a Mister President at lalo rin akong natatakot. Marami siyang ginagawa para sa akin. Sobrang sweet niya kahit pa nasa loob kami ng campus. Kahit na pinagtitinginan na kami parang wala lang sa kanya. His nice gesture doesn't fade that's why I eventually liked him. How can I like him this fast?

Tatlong buwan pa lang kaming magkakilala. Tatlong buwan niya pa lang akong kinukulit pero hindi ko magawang hindi mahulog sa kanya.

"Alam mo Celine kung may asthma lang ako siguro ngayon patay na ako," nagpatulong kasi ako sa kanyang ilagay ang mga stufftoy sa bakanteng room dito sa bahay.

"Sorry na."

Bigay kasi ni Galvan ang mga stuff toys na 'to. Ayoko rin naman sanang tanggapin pero ayoko namang tanggihan siya. Day after my birthday hindi niya nga talaga ako kinulit tulad ng ipinangako niya but after that day doon naman siya nagsimulang kulitin ulit ako. He gives me flowers, chocolates, stuff toys at kung ano pa.

Kahit pa umayaw akong ligawan niya ako itinuloy niya pa rin. Kaya wala na rin akong nagawa kundi tanggapin ang mga binibigay niya. He is not only nice to me but with Kaye as well. Parang magkaibigan na nga rin silang dalawa.

Paunti-unti nagugustuhan ko siya. Paunti-unti nagiging interesado ako sa kanya. I'm just scared that one day this 'like' might change to 'love'.

Kristen POV

Masyadong magulo sa bahay kaya kay Renz muna ako makikitambay. Hindi ko rin naman mahagilap si Jayden kaya no choice. Paniguradong nasa university si Renz kaya agad naman akong pumunta sa student government office but he wasn't there.

Cookery room.

Tama. Mukhang nagbebake naman ang corny na lalaking 'yon.

"You know what Chan? You're so corny and old school. Sa akin hindi ka naman ganyan. Pwede ba sakin mo na lang ibigay ang mga 'yan," pangungulit ko sa kanya.

He is baking cookies. I really liked the way he is making those cookies. Full of love. He never did that to me and that feels so odd. I'm wondering what he really feels for Celine.

Yes, I could see how in love he is with Celine but that 'love at first sight' is a bit unbelievable. He is acting weird. I never fall in love at first sight kaya ayokong maniwala.

"Nah. You can't have it. It's only for my Hannah Celine," he smiled.

So gusto niya talaga ang babaeng 'yon?

"Bakit mo siya gusto?"

"Hmm...She is my first love and last love," nakangiting turan niya.

I told you Kristen never ask him again. You're going to have the same answer again and again. Sabagay ganoon rin naman ako sa gusto ko. The only different is I don't exert too much effort.

Celine POV

Totoo bang nakikita ko? Nakangiting papalapit sa akin si Kristen? Hindi naman kasi kami gaanong close at sa tingin ko hindi niya ako gusto. Sa lahat ng miyembro ng Spades siya kasi ang nakakailang kasama.

"Hi Celine! Pinabibigay ni Chan," napatingin ako sa dala niya.

Cookies?

"Nasaan siya?" tanong ko kaagad sa kanya.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon