Chapter 4: The Dream

356 45 26
                                    

Celine POV

"HANNAH CELINE!"

"Aray!" nahulog ako sa kama dahil sa sigaw na 'yon. At panigurado si Kaye na naman 'to.

"Kahit kailan talaga Hannah Celine ang hirap mong gisingin. Mauna na ako ha! Bahala kang mapagalitan ni Prof."

"Sige. Mag-ingat ka!"

Tumayo ako at niyakap ang sarili ko. Ramdam ko pa rin ang yakap niya. Hindi ko alam kung bakit tumulo bigla ang luha ko. Sino ka ba talaga Mister?

Nagmadali ako papuntang university. Alas otso na baka malate ako. Napahinto ako bigla ng maalalang Miyerkules pala ngayon wala akong pasok sa umaga. Pumunta ako ng Mini Forest ng University at sumandal sa puno. Gusto kong magpahinga.

"Hannah Celine?"

Napamulat at nakita ko ang gwapong mukha ni Galvan. He is inches away na naman. Isang galaw ko lang magkakapart 2 ang kiss namin.

"A-anong ginagawa m-mo d-dito?

Naramdaman niya siguro na hindi ako komportable sa posisyon namin. Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko. Close ba kami? Parang komportableng komportable siya a!

"This is my resting place."

This is his resting place? Para naman siyang patay. Palalagyan ko nga next time ng 'rest in peace' dito. Hahaha... Ano bang 'tong iniisip ko?

"Akala ko sa hospital ka na naman?"

"Mmm."

"Di ba sa inyo 'tong University? Bakit sa iba ka pa nag-aaral?"

"Beautiful stalker. Dad wants us to finish our studies abroad. Ayoko namang biguin ang kagustuhan niya."

"Bakit nandito ka?" nakapikit lang siya habang kinakausap ko.

"Hmm. Bakasyon namin. At gusto rin naman ni Dad na bumisita ako rito. Kaya nga hindi kita nasundo sa hospital. Sinamahan ko si Dad. I'm sorry."

"W-wala yon. H-hindi ka naman o-obligadong sunduin ako," nakakainis ang lalaking 'to. Lagi na lang akong pinapakilig.

"Let me sleep."

Kulang ata siya sa tulog. Mukha siyang pagod na pagod. 'Pag ako naging girlfriend niya aalagaan ko siya ng mabuti. Ang gwapo niya. Ang pula ng labi niya. Hindi ako makapaniwalang nahalikan ko ang gwapong lalaking 'to.

"Stop staring. I can't sleep."

Paano niya nalamang tinitingnan ko siya?

Ilang sandali lang dinalaw na rin ako ng antok. Nakatulog na rin ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta nagising na lang ako nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Agad naman akong napamulat pero hindi si Galvan ang gumising sa akin at wala na rin siya sa tabi ko.

Iniwan niya talaga ako?

"Miss Hannah sorry po talaga. May pasok pa po kasi ako. Sana 'wag niyo pong sabihin kay Prenz na ginising ko po kayo," mukha siyang first year at nerdy.

Prenz? Si Galvan ba ang tinutukoy niya? Paalis na sana siya ng maalala kong may itatanong nga pala ako.

"Wait! Saan ba nagpunta si Galvan? Babalik pa ba siya?" para tuloy akong pathetic na girlfriend.

Girlfriend?

Ano raw?

"Pumunta po siya sa cafeteria. Lunch time na po kasi. Ang sabi niya lang sa akin bantayan daw po kayo."

MIDNIGHT KISS Season IOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz