Chapter 16: The Pageant

195 44 1
                                    

Celine POV

Nakakakaba talaga pagsumali sa ganito. Hindi ako sanay sa pagsali kasi sa mga ganitong contest. Kasi nga 'di ba maganda lang ako pero hindi pang-show off sa ibang tao.

"Kaya mo yan Hannah Celine. Fighting!" todo suporta talaga si Kaye.

Sinilip ko ang judges table. Wala pa roon si Galvan. Tanging ang isang judge lang at si Kristell ang naroon.

Bakit kaya kasali si Kristell sa judges? Hindi naman siya siguro inimbita ni Galvan.Kung pwede lang din sana mag-judge tatabi talaga ako kay Galvan ko.

May humawak sa wrist ko at humili sa akin. It's Maw! Kami na pala ang magpapakilala. Kahit kinakabahan kalmado akong rumampa kasama ni maw.

"Every King needs a Queen. Good evening everyone. I'm Jayden Chan Riego Galvan. 23," ako na ang susunod.

"We know what we are, but know not what we may be. I'm Hannah Celine Sedavia Romero. 22." tapos tingin kay maw tulad ng napagpraktisan.

"Representing Business Management Department!"

Hindi pa kami muna pinapabalik ng backstage. Kasi after production ipapakilala pa ang judges. Speaking of judges, isa nga pala sa judges ang boyfriend ko.

"Goodevening everyone. Welcome to Miss and Mister Galvan University 2018," panimulang bati ng MC.

"Our second judge is Miss GU 2014. She is a graduate of BS Fashion Design. She is famous for her works in L.A. Please welcome Miss Hailey Kristell Raymundo," dito pala siya nag-aral?

Kaya pala maswerteng nakaupo siya sa judges table. Akala ko pa naman si Galvan ang nag-appoint sa kanya magjudge. Kung siya talaga 'yon, bubunutin ko talaga lahat ng ngipin niya. Hindi na narinig ang pangalan ng isa pang judge.

"And our chief judge is Mr. GU 2013. He is a graduate of BS Medical Technology and currently earning his doctorate degree abroad. Please welcome. Mr. Charence Angelo Galvan," napatingin ako sa lalaking papalapit sa judges table.

What's with that look Galvan? Bakit napaka cold ng tingin niya? Sinalubong siya ni Kristell at hinalikan sa pisngi. Iniwas ko ang tingin ko.

Ano ba Hannah Celine? Magkaibigan lang sila. Tulad niyo ni maw. Wag kang magseselos. Baka masira mo ang pageant kung uunahin mo 'yang pagseselos mo.

Nag cue na 'yong choreographer na mag exit na kami. Kahit nasa back stage napapaisip ako kung paano ko gagawin ang pageant na 'to lalo na't judge pa ang boyfriend ko at Kristell na 'yon.

"Okay ka lang bubwit?" napatingin ako kay maw.

"Oo naman. Kinakabahan lang ng konti."

Sportswear na pala. Mag-iistart na lang hindi pa rin ako nakapag-ayos. Nagmoment moment ka pa kasi. Ayan tuloy nahuli ka.

Nagvolleyball attire ako tapos si maw naman nakabasketball attire. Isa-isa na kaming lumabas ng stage at nagpasiklaban sa rampahan.

Napansin kong nag-uusap sina Kristell at Galvan. Napangiti pa talaga siya. Bakit ganoon? Bakit kay Kristell ngumiti siya? Sa buong time na nasa stage ako bakit hindi man lang siya tumingin sa akin?

After namin rumampa for sportswear bumalik l=na kami sa backstage. Agad kong kinuha 'yong phone ko. I checked my inbox pero wala talagang text si Galvan. Okay lang ba siya?

"Kanina pa kita napapansin bubwit okay ka lang ba talaga?" naaawa tuloy ako kay maw. Baka matalo kami dahil sa akin.

"Okay lang talaga ako maw."

MIDNIGHT KISS Season IHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin