Chapter 60: The End

181 14 0
                                    

**END OF FLASHBASH**

Galvan POV

(Before Galvan gets to Laguna)

"Hannah Celine Romero is your wife. Both of you got into accident kaya pareho kayong nakalimot," wala talaga akong maalala.

The main reason na bumalik ako ng Pilipinas ay dahil sa mga napapanaginipan ko. I always dream of someone.

I take pills just to have a good sleep pero hindi ko talaga maiwasan maalala ang babaeng yon.

"Iyon lang ang nalaman ko Angelo. At ayoko na mangalap pa ng impormasyon. Naghihinala na ang kapatid mo. Ayokong mapahamak ang pinsan ko," napabuntung hininga si France.

"I'm sorry for causing you trouble. But just one last time France," napailing siya sa sinabi ko.

Inilagay ko sa mesa ang susing binigay sa akin ni Nurse Kim noon. Wala akong naaalala tungkol sa susi na yon.

"Just this one."

Sinuri niya ang susi. Tsaka nagtipa sa kanyang laptop.

"Scarlet Townhomes sa Sucol, Laguna. Wala ka bang maalala? Sabi ko naman sayo ibangga mo nalang yang ulo mo para may maalala ka," baling niya sa akin.

Wala talaga akong maalala. Tanging ang pigura lang ng babae sa panaginip ko ang naaalala ko.

"Pwede mo ba akong samahan?" pakiusap ko sa kanya.

"Pasensya na talaga Angelo pero hanggang dito nalang talaga ang magagawa ko," sabay kaming bumalik ni France sa Pilipinas.

Lingid sa kaalaman ng kapatid ko, pinsan ng boyfriend niyang si Sebastian Avila si France. Isang Avila si France ngunit ayaw niyang maipakilala siya sapagkat isa nga siyang Agent.

Hindi ko rin maaaring ikwento ang tungkol kay France dahil alam kong patatahimikin din nila si France tulad ng ginawa nila sa lahat ng kakilala ko.

Pero bakit hindi alam ni France na may asawa ako? Mula ng mag aral ako sa Notre Dame naging magkaibigan kami. Hindi ko ba nasabi sa kanya?

Ano bang meron sa nakaraan ko?

Seb POV

Umupo ako inupuan ni Renz kanina. Tinitigan ko si France pero wala talagang emosyon.

"What?" may halong inis na tanong niya.

"Ikaw ba may gusto kay Renz kaya mo siya tinutulungan?" tinawanan niya lang ako.

"Baka nakakalimutan mo ang trabaho ko. Kahit magkaibigan kami noon nagbabayad din naman siya. Big time pa," kung iisipin ang yaman niya na. Dahil may iniwan naman si Tito para sa kanya.

"Francine Sandoval Avila siguraduhin mo lang. Pangatawanan mo yang pagiging tomboy mo. Huwag ka munang lumablayp," nakatitig lang talaga siya sa akin.

Sabay kaming umuwi ni France nang maabutan namin si Mika.

"Mikaela?" palipat lipat ang tingin niya sa amin ni France.

Si France naman parang walang pakialam. Bato talaga ang puso ng tomboy na 'to.

Hindi ko kasi naipakilala si France sa kanya. Tanging alam niya lang ay may pinsan ako.

"What's the meaning of this?" alam ko iba ang iniisip ni Mikaela.

"Francine Sandoval Avila. PINSAN ni Sebastian," walang kapreno prenong sabi ni France.

Siguro naramdaman niya rin na parang nagseselos si Mika. Napatingin si Mika sa akin kaya napatingin ako sa ibang direksyon.

"Y-you are F-France Sandoval?" hindi makapaniwalang tanong ni Mika.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now