Chapter 26: The Vacation Day 1

141 32 0
                                    

Celine POV

Hindi ko alam na pwede rin pala akong matuwa ng ganito. I've never been this happy before. Ito ba 'yong sinasabi nilang abot langit na saya.

"Ang puso mo. Sobra naman ata ang ngiti mo te," napatingin ako kay Kaye.

Napansin pala niya. Sabagay masyado nga naman ata akong halata.

"Gusto ko... Gusto ko si Galvan," hinarap niya ako.

"Alam ko. Kasi hindi ka naman ngingiti ng ganyan kalapad dahil lang inimbita ka magbakasyon," walang kagana-ganang sabi niya. "Tama na ngang ngiti yan. Kakasuka."

Bakit ba siya ampalaya? Ganito rin naman sila si Em ha. Ngayon nga lang ako naging ganito. Sobrang bitter niya.

"Bakit ka nag-aayos ng gamit mo? May pupuntahan ka rin ba?"

Napansin ko kasing nag-eempake rin siya ng mga gamit niya.

"Oo. 'Di ba nga magbabakasyon tayo kasama ang Spades?" nakangisi pa niyang turan.

Kasama ang Spades?!

"Tayo? Kasama ang Spades?"

"Akala mo ba kayo lang ni Renz?" mapang-asar niyang tanong sabay tawa.

Bigla na lang nawala ng ngiti ko. Nahiga na lang ako couch dahil sa nalaman ko kay Kaye. Akala ko pa naman kaming dalawa lang. Hindi ko pa naman masyasdong kasundo silang lahat. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Galvan.

"Tungkol sa-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita agad.

"Susunduin na lang namin kayo mamaya. Nakapag-ayos ka na ba?"

Nakapag-ayos na at sobrang excited. Pero kanina 'yon. Kanina na akala ko kaming dalawa lang.

"Kasi... kasi ayaw kong sumama. Pwede bang kayo na lang?" nahihiyang sabi ko.

"Ayaw mo akong kasama?" malungkot na tanong niya.

"Hindi naman sa ayaw. Hindi ko kasi alam na kasama ang Spades," pagsabi ko ng totoo sa kanya.

Ano na lang kaya ang iisipin ng Spades 'pag narinig nila itong pinagsasabi ko? Maiinis siguro sila sa akin lalo na si Kristen.

"Gusto mo akong masolo?"

Siguro kung magkasama kami nito kanina pa siguro ngingiti-ngiti 'to.

"I mean-"

"I understand but I hope you could come," iniend call ko na lang pagkatapos kong marinig 'yon sa kanya.

Hindi naman sa ayaw ko sa Spades. Nakakaintimidate kasi silang kasama. Friendly sila pero iba pa rin ang samahan nila. Baka ma out of place lang ako. Hindi naman kasi ako sanay sa maraming kaibigan. Sayang naayos ko pa naman ang mga gamit ko. Magka camping kasi sana kami.

"Hi Hannah ni Renz," hindi ko man lang namalayan ang pagpasok ni Jayden.

Hindi ko alam may pagkaakyat bahay pala siya. Paano kaya napunta 'to rito?

"Nasaan sila Galvan?" tanong ko agad sa kanya.

Dala niya na kasi ang mga gamit niya. Baka nandito na sila Galvan.

"Malapit lang naman ang bahay ko rito kaya pumunta na lang ako rito. Nasaan na ang gamit mo?" nakangiti pa niyang saad.

"Hindi raw siya sasama," bumaba na si Kaye.

MIDNIGHT KISS Season IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora