Chapter 2

2.9K 102 1
                                    

THE PROPHECY




Aria's POV





Bigla nalang akong dinala ng mga paa ko sa loob ng tore na ito, hindi ko alam kung bakit ba ako tumatakbo sa madilim na palisyo na ito. Ano bang nangyayari? Tumigil ano sa pag takbo at huminga ako ng malalim. Lumingon ako sa likuran ko, pero wala naman akong makita dahil sa sobrang dilim. Daig ko pa ang nabulag, napabuntong hininga ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod, tumingin ako sa aking kamay at nakita kong may dala akong susi. Nagsimula ulit akong maglakad sa palagay ko malapit na ako sa dulo ng pasilyong ito. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Natigilan ako sa paglalakad ng maaninag ng aking mga mata ang isang napakalaking pinto. Napapaligiran ito ng bulaklak na rosas, kulay pula. Lumapit pa ako sa pinto, at nakita kong naka padlock ito. Tumingin ako sa hawak kong susi. Ano ang nasa loob ng kwartong ito?





"Wag... wag mong buksan."




Ipinasok ko ang susi sa padlock, bumagsak ito sa sahig. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at-





"WAG!" I opened my eyes.







"Hey, okay ka lang? Nagsasalita ka habang natutulog." She looked at me, frowned.





"Mary?" Inilibot ko ang mata ko, nasa kwarto ako. Pero kanina nasa loob ako ng tore na 'yon. Ano bang nangyari?





"Ayos ka lang ba? Nananaginip ka ba?"





"Okay lang ako. Teka, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya, naguguluhan siyang tumingin sa akin. Bakit? May mali ba?





"Hinintay kita sa cafeteria, ang tagal mo kaya. Tapos may inutos pa sa akin si Mother Superior, pag balik ko sa cafeteria wala kapa rin kaya pinuntahan kita dito." Paliwanag niya.




Tumingin ako sa orasan sa mini table sa gilid ng kama ko. 4:40PM na. Ano bang klaseng panaginip 'yon? Bakit ako nananaginip ng ganon? Yung tore, at yung malaking pinto para talaga siyang totoo. Saan nangyari 'yon? Imagination ko lang ba 'yon o totoong nangyari sakin? Naguguluhan ako.






"Hoy, hindi ka naman nakikinig sakin eh." Napatingin ako kay Mary, halatang inis na siya. Huh? Ano daw ba 'yon?




"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.





"Ang sabi ko magready kana kasi may simba tayo ngayong 5PM. Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba talaga?"




"O-oo naman. Sorry, sige maliligo na muna ako." Tumayo na ako at kinuha ang damit namin pang simba sa loob ng cabinet.





"Una na ako ha? Sunod ka nalang. Sumunod ka ha!" Rinig kong sabi niya, hindi na ako nakasagot kasi lumabas na siya. Napabuntong hininga ako. Ano bang nangyayari sa akin?



Binilisan ko ang pagligo ko, hindi ko na inisip yung napanaginipan ko kasi baka ma-late ako, strikta pa naman ang Madre Superyora. Lumabas na ako. Sakto naman nakasalubong ko si Sister Jane.





"Good Afternoon po." I bowed as a sign of respect. Nginitian niya lang ako at tumuloy na siya sa paglalakad.




Pagkatapos ng misa sabay kaming bumalik ni Mary sa aming dormitoryo, habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mahilo. Bakit ganito? Napahawak ako sa aking sintido, ang sakit. Nahalata din siguro ni Mary ang kinikilos ko. Huminto siya at humarap sakin.






Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now