Chapter 33

677 16 2
                                    

A BULLET TO YOUR BRAIN



First Person's POV



Yeah, he's right. I'm a sinner and I deserved this. I closed my eyes, trying to remember everything I've done.

Till now, that day is still hunting me.


"At last, I am waiting for you. I am your death and you won't be reborn as a human again." He said bago ko maramdaman ang kanyang matatalim na kuko na nakadikit sa leeg ko.



I unconsciously smiled at him. Napuno nang pagtataka ang kanyang mukha.


"What are you doing? God must never hesitate. Kill me." Sagot ko sa kanya pero sinagot niya lang ako ng isang ngiti at pagkatapos yumuko siya sa akin habang hinahaplos ang aking buhok. Taka akong tumingin sa kaniya.


"Then, I will meet you at each cross roads." The only words he said before I saw his face.









"Is it true, then?" I asked as she's already expecting it. Inilapag niya ang isang itim na envelope sa aking table.


"Yes. I did some research about it and him. It's true." She answered.

"How is it even possible?" I asked, out of nowhere.


"I don't know. I wasn't there that day."


"But..." She paused. "You were there, aren't you?"

"I rejected my faith and now it is impossible for me to pass through the gates of Heaven." I smiled at her and she frowned.

"What are you saying?" She asked.



"What are you going to do?"






Aria's POV




"Aria, tulungan mo ako..." Isang malamig na boses ang dumampi sa aking mga tenga. Boses na para bang napakalapit lang sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Wala akong makita, tanging kadiliman lang ang bumabalot sa buong lugar. Isama mo pa ang malamig na hangin.



Nakakapangilabot.



Tumayo ako at sinubukang maglakad sa kadiliman. Sa aking bawat hakbang ay kasabay ng tunog ng pumapatak na tubig, na para bang ako'y nasa loob ng isang kweba. Hindi ko mapigilang kabahan pero pinagpatuloy ko pa rin ang aking paglalakad.

Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung may hangganan ba ang lugar na 'to.


"Aria." Isang mabilis na bulong ang parang dumaan sa aking gilid. Napalingon ako ngunit walang kahit na ano man sa paligid.



Napayakap ako sa aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng aking katawan. Rinig na rinig ko din ang malakas na tibok ng aking puso. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang aking mga mata at itinuloy ko ang aking paglalakad.


"Aria!" Napatigil ako. I slowly opened my eyes at may nakita akong isang pigura na nakatayo sa malayo. Isang pigura na parang tao. Tinignan ko ito at nanatili lang itong nakatayo at SA tingin ko ay nakatingin ito sa akin.




Wala na akong maisip na gawin, tanging ang malakas na tibok lang ng aking puso ang aking naririnig. Nanatili ito sa kanyang pwesto.




"Bakit mo ako iniwan, Aria?" Tanong ng boses sa aking likuran. Napalingon ako ngunit wala namang tao. Agad akong napatingin sa pigura na nasa harapan ko. Malayo pa din siya.



"Bakit mo ako kinalimutan?"


Napaatras ako sa kanyang itinanong.





"BAKIT?!" Sigaw nito at biglang tumakbo papunta sa akin. Isa syang babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng pang madreng kasuotan. Pag atras lang ang aking magawa, masyadong nangangatog ang aking mga tuhod.



Nakita ko ang mukha niya, meron siyang pulang mga mata at mga ngipin na matalim, puno din ng dugo ang kanyang mukha hanggang leeg. Tumalon siya sa akin at bumagsak kaming pareho sa sahig. Nakakatakot ang kanyang mukha, nakangiti ito at kitang kita ko ang dugo na lumalabas sa kanyang bibig.






"Wag..." Bulong ko sa kanya.


Hinawakan niya ng mahigpit ang aking leeg.



She smiled widely.




"WAG!!!" Sigaw ko.





"Aria? Anong nangyari?" Tinignan ko siya sa mata, bakas sa mukha niya ang labis na pag alala. Wala siyang sinayang na panahon at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Sinuklian ko naman ang kanyang ginawa. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.



Panaginip. Panaginip lang pala...


"Takot na takot ako..." Bulong ko sa kanya at mas lalo niya pang hinigpitan ang kanyang yakap. Napaka taksil ng aking mga luha. Naramdaman ko naman na umiiyak na pala ako sa kanyang balikat.



"Nandito na ako, hindi na ulit kita iiwan. Pangako." Mga salitang lalong nagpaiyak sa akin.

Hindi ko na alam kung paano na ako pag nawala ka. Natatakot ako, masyado kitang mahal.





Belle:
12-07-19
Happy Birthday to us Luke Peri.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now