Chapter 19

1K 39 0
                                    

THE ARCHER








Aria's POV





Nabaling ang paningin ko sa ibabaw ng mini table, parang may kung anong nakalagay 'don. Tumayo ako at kinuha ito, rosas. Pulang rosas. Pero... teka. Wala naman 'to kanina dito, hindi ba? Pag tingin ko sa bintana nakita ko siya sa labas, yung lalaki kanina. Nakatingin siya sa akin, napa atras ako at dali dali akong lumabas ng kwarto. Tumakbo ako pababa ng mansyon habang dala ang rosas pero hindi ko alam kung bakit patuloy sa pagkirot ang ulo ko. Ang sakit, bakit ganito? Pagkalabas ko ng mansyon pumunta agad ako sa parte kung saan nakita ko siya pero wala ng tao 'don.







S-sino ba 'yon?



Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar pero wala na siya, puro puno at halaman nalang ang nakikita ko. Ngayon palang ako nakaramdam ng pagod, napahawak din ako sa sintido ko dahil sa patuloy na pagkirot nito. Natigilan ako ng may biglang humawak sa balikat ko.



"Milady? Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako, isang batang lalaki ang nakita ko. Magkasing laki kami pero mas bata siya. T-teka, sino ba 'to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kulay brown ang buhok niya at may dala siyang kahon.






"S-sino ka?" Tanong ko.





"Ako po si Leo, ayos ka lang po ba?" Tanong niyang muli pero hindi ko siya sinagot, tumingin muli ako sa lugar kung saan ko nakita 'yung lalaki kanina.



"Sino po ba ang hinahanap n'yo?" Tanong niyang muli.






"May nakita kasi akong lalaki 'don kanina." Sagot ko sabay turo sa lugar kung saan ko nakita 'yung lalaki kanina, tiningnan niya din ang tinuturo ko.



"Wala naman pong tao d'yan at tsaka po imposibleng naman pong may tao dyan dahil gubat na po ang nasa likod n'yan, at may bangin po sa dulo. Baka po namalik mata lang kayo." Namalik mata? Ng dalawang beses? Sigurado ako na 'yun din yung lalaking nakita ko sa hospital kanina, hindi ako pwedeng magkamali.



"Leo, nandyan kana pala. Nasaan na 'yung mga binili mo?" Tumingin kami kay Caitlyn na kakadating lang, nagulat siya ng makita niya ako.





"Opo, ate." Ate?




"Milady, ano pong ginagawa nyo sa labas? Pumasok na po kayo, mainit po dito." Tugon niya.


"Magkapatid kayo?" Tanong ko at sabay silang tumango, napagpasyahan na naming pumasok sa loob. Iba parin talaga ang pakiramdam ko, parang may kulang pero hindi ko alam kung ano 'yon. At sino ba yung lalaking 'yon? Napabuntong hininga nalang ako, lalo lang sumasakit ang ulo kapag iniisip ko 'yon.




Pagkalipas ng ilang oras, tinawag na ako para sa dinner. Sinuot ko din 'yung damit na nakalapag sa kama kanina. Dress siya, na kulay itim. Pagbaba ko, nakita ko na agad si Auntie na nakaupo sa kabisera. Kaming dalawa lang ang kumakain, sila Caitlyn at Leo naman ay taga serve lang ng mga pagkain. Hindi ba sila sasabay sa amin?





"Ang pamilyang Archer ay isa sa pinaka mayamang pamilya noon, at nagpatuloy pa ang yaman na 'yon sa mga sumunod pang henerasyon. Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon ng maging kalaban ng ating pamilya ang pamilya ng mga Ainsworth. Ang kinamumuhian kong pamilya."

Napatingin ako sa kanya, kitang kita ko ang galit at poot sa mga mata niya. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang magsalita.


"Sa kagustuhan nilang matalo ang pamilya natin gumawa sila ng mga paraan para mapabagsak tayo. At isa na 'don ang pagsunog sa mansyong 'to. Taong 1998 noong ipinanganak ka ng kapatid kong si Victoria. Habang ako naman ay nasa Paris dahil nag aaral pa ako noon'g mga panahong 'yon. Isang linggo pagkatapos mong ipanganak napagpasyahan kong umuwi para makita ka, ngunit ibang bagay na ang tumambad sa akin pagdating ko. Naabutan ko ang buong mansyon na nasusunog na, namatay sa sunog na 'yon ang mga magulang mo. Ang pinakamamahal kong kapatid at ang pinakamamahal niya. Ang akala ko ay namatay ka din katulad nila, pero hindi ko alam na itinago ka pala nila. Noong isang linggo ko lang nalaman na dinala ka nila sa pamilya ng mga Van Tassel, sa loob ng kumbento. Duon ka nila pinalaki, nalaman kong hindi pala nila iniba ang iyong pangalan ngunit ginawa nilang Laxamana ang iyong apelyido, noon'g babawiin na kita nagulat nalang ako sa balitang biglang isinara ang kumbentong 'yon. Dahil may mga pagpatay nga daw na nangyayari sa loob 'non. Natakot ako ng sobra, akala ko tuluyan ka nang nawala sa akin. Pero mabuti na lamang at ligtas ka, hinanap kita at nakita na lamang kita sa hospital. Wala kang malay, dalawang linggo kitang binantayan 'don."

At tumingin siya sa akin, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam ko na ngayon ang lahat. Pero bakit ganito? Bakit parang may kulang?





"Paano ako napunta sa hospital na 'yon?" Wala sa sarili kong tanong, bigla siyang natigilan sa tinanong ko.





"Ang sabi lang sa akin ay may isang lalaking nagdala sa'yo sa hospital na 'yon." Sagot niya.




Lalaki? Sinong lalaki?




"Sino ang lalaking 'yon? Anong itsura niya? Nakita mo ba siya?" Tanong kong muli.







"Hindi ko siya kilala, at hindi ko siya nakita. Wala kang kasama noon'g madatnan kita." Tumingin ako sa kanya at sakto nakatingin din siya sa akin. Hindi kaya yung lalaking 'yon ang nagdala sakin sa hospital? Kung ganon, bakit hindi ko siya maalala? Kahit mukha niya hindi ko matandaan. Napahawak muli ako sa aking sintido, tuwing maiisip kita bigla na lamang sumasakit ang ulo ko.





Sino ka ba?







Pagkatapos namin'g maghapunan ay bumalik na ako sa aking silid, hindi na rin masyadong sumasakit ang ulo ko. Kitang kita ko ang buwan mula dito, liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa silid ko. Humiga na ako sa kama ko, ramdam ko na ang pagbigat ng mga mata ko.












Alam kong tulog ako, pero bakit ganito? Bakit nararamdaman ko pa ang nasa paligid ko? Naririnig ko ang malakas na hangin mula sa labas. Ano bang nangyayari sa akin? Natigilan ako ng biglang gumalaw ang gilid ng kama ko, parang may umakyat sa tabi ko. Kasunod nito ang pagbigat ng pakiramdam ko, parang may yumakap sa akin mula sa likod. S-sino ba 'to? Ramdam na ramdam ko ang paghinga nya malapit sa tenga ko. Bakit ganito? Parang pamilyar sa akin ang yakap na 'to, ang sarap sa pakiramdam. Parang pamilyar talaga pero hindi ko maalala, hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko, narinig ko siyang bumuntong hininga. Napangiti ako.



And everything went black.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now