Chapter 16

1.1K 34 0
                                    

DECISION





Aria's POV








A week after...




Pagkatapos ng malagim na nangyari sa kumbento, tuluyan na itong ipinasara ng gobyerno, binigyan din ng maayos na libing ang mga namatay at ang mga bangkay na nasa loob ng gusaling bato. Ang mga natirang estudyante naman ay kasalukuyang dumadaan sa mga pagsusuri bago ibalik sa mga magulang nila. Sa konting panahon na lumipas napaka daming nangyari sa lugar na ito, saksi din ito sa mga karumal dumal na mga pagpatay. Maraming dugo ang dumanak sa buong lugar, at maraming buhay din ang nawala. Ngunit, kahit papaano ay maswerte ako, dahil isa ako sa mga nakaligtas. Ang lugar kung saan ako lumaki at ang lugar na tinuring kong tahanan ko ay isasara na ng tuluyan. Sa hindi kalayuan, sa mismong hardin ng Madre Superyora nabaling ang aking atensyon. Ang lugar na pinagmulan ng lahat ng kasamaan sa lugar na 'to. Hindi maling maghangad ng mas mataas na kapangyarihan pero dapat sa tamang paraan at wala ka dapat natatapakan na ibang tao, pero hindi. Kabaligtaran 'yon ng nangyari sa lugar na ito, naging masyado silang uhaw sa kapangyarihan at hinamak nila pati ang buhay ng ibang tao makamit lamang nila ang kanilang hangarin.




Pinanuod ko kung paano isara ang kumbento. Wala pa raw silang plano sa kumbento pero ipinasara na agad ito ng gobyerno para maiwasan ang mga pagpatay. Ang tahimik ng buong lugar, nandito ako ngayon sa harapan ng gate ng kumbento. Kitang kita ko mula dito ang hardin ng Madre Superyora, tanaw parin hanggang dito ang mga rosas na nakatanim sa kanyang hardin. Nabaling ang paningin ko sa aming dormitoryo, may napansin akong babaeng nakatayo 'don, o baka naman namalikmata lang ako?





"May problema ba?" Tanong sakin ni Katarina, nakapako parin ang paningin ko sa building ng aming dormitoryo. Hindi ako pwedeng magkamali, may babaeng nakatayo 'don kanina.



"Ah, wala naman. Namalik mata lang siguro ako." Sagot ko habang nakatingin sa lugar na 'yon.





Malik mata nga lang ba?



Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, hindi ko pa din nakikita ang kaliwang mata ko. Tinakpan ito ni Luke, wala daw dapat makakita ng mata kong ito, maliban sa kanya. Kaya ang kanang mata ko lang ako ginagamit ko ngayon. Pero kahit ganon malinaw parin ang paningin ko, hindi ako pwedeng magkamali, may tao pa sa loob ng kumbento.




Pero, sino?





"Tara na, bumalik na tayo sa bahay." Aya ni Luke sa amin, naglakad na ako papunta sa kanya ngunit bigla akong natigilan ng makita ko ang isang babaeng may mahabang buhok na naglalakad sa pasilyo ng aming dormitoryo. Suot niya ang puti naming uniporme pang simba. I looked at her, naglalakad lamang siya sa pasilyo ng bigla siyang mawala na parang bula.





I-Imposible...






"Aria, may problema ba?" Tanong ni Luke sa akin, nasa tabi ko na pala siya. Hindi ko man lang namalayan. Umiling-iling ako, hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami. Hindi parin ako mapakali sa nakita ko, kaya lumingon akong muli at nakita ko siyang nakatingin sa akin, ang babaeng 'yon. Napapikit ako, at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Luke, napatingin naman siya sa akin.





"Nanginginig ka, ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong niya, pero nanatiling nakayuko ang ulo ko hanggang sa makarating kami sa bahay na tinutuluyan namin ngayon, 'yung bahay sa gitna ng kagubatan.





Kasama namin sa bahay na 'yon si Katarina pero babalik na din naman siya bukas sa kanila, pansamantala muna kaming maninirahan 'don hanggang hindi ko nahahanap ang tunay kong pamilya. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Parang may nakalimutan ako ngunit hindi ko maalala kung ano 'yon.













Third Person's POV








Sa kalagitnaan ng gabi naabutan ni Katarina si Luke na nakaupo sa harap ng bahay habang nakatingin sa kawalan, mukhang malalim ang iniisip nito.





Pumunta siya sa pwesto nito, "Bakit hindi ka pa natutulog? Bukas na ang alis mo diba?" Nagulat siya sa biglang tanong ni Luke.




"Ikaw? Bakit hindi kapa natutulog?" Tanong muli nito sa kanya, medyo napatawa si Luke sa narinig niya.


"Tanong din ang sagot mo sa tanong ko." Natatawa nitong sabi, umupo si Katarina sa kanyang tabi.


"May problema ba?" Napatingin siya rito.



"Naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko." Nakayukong tugon nito.



"Bakit? Pwede mong sabihin sa akin, makikinig ako." Nakangiti niyang sagot. Tumingin sa kanya si Luke at medyo napangiti ito at nagsimula na itong mag kwento sa kanya.












"A-Ano?" Naguguluhang tanong ni Katarina sa kanya.




"Kailangan kong lumayo, para sa kanya. Dahil una sa lahat hindi naman kami magkapareho, hindi ako tao. At isa pa, kailangan din n'yang bumalik sa totoong mundo dahil may pamilya na naghihintay sa kanya... At balang araw makakahanap din siya ng taong magmamahal sa kanya." Nakayukong tugon ni Luke.



"Hindi ba't mahal mo siya? Bakit kailangan mong lumayo? At isa pa, kontektado na kayong dalawa. Hawak mo siya, hawak mo ang kaluluwa niya." Napabuntong hininga na lamang si Luke sa sinabi ni Katarina.




"Mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya nga gagawin ko 'to para sa kanya. Kung saan siya mas magiging okay, at mangyayari lang 'yon kapag nawala ako sa buhay niya." Pilit na ngiting tugon nito.




"Kung mahal mo talaga siya, hindi mo siya iiwan." Seryosong sagot ni Katarina.




"At isa pa, kaya kong ibalik sa kanya ang kaluluwa niya, ayokong habambuhay na nakatali siya sa akin, sa isang katulad ko." Napayuko muli ito, hanggang sa unti unti nang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.




"Hindi mo kailangan gawin 'yun, Luke."







Hindi nila alam na ang taong pinag uusapan nila ay nakikinig lamang sa likod ng pinto. Tahimik lamang itong bumalik sa kanyang silid.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now