Chapter 9

1.6K 50 0
                                    

KATARINA








Aria's POV




Pumasok na ako sa aming classroom at umupo na ako sa pwesto ko, hanggang ngayon hawak ko pa rin ang noo ko na nauntog. Pumasok na din ang aming guro at may kasama siyang isang babae. Nakatali ang mahabang buhok nito at may dala siyang mahaba at payat na parang kahoy pero kulay itim. Teka, siya 'yung nakabungguan ko kagabi.






"Good morning everyone, let me introduce your new classmate, Miss Katarina Li." Pagpapakilala ng aming guro.





Katarina Li?





Nakita ko siyang ngumiti, tumingin ito sa akin. Pinaupo siya nang aming guro sa bakanteng upuan sa tabi ko mismo at nagsimula na siyang magturo, sa kalagitnaan ng aming klase narinig kong nagsalita si Katarina, hindi ko alam kung sinong kausap niya. Pero ako lang naman ang nandito sa bandang dulo, siguro ako 'yon.





"Alam mo, may kakaiba sa'yo." Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya, pero hindi siya nakatingin sa akin. Kapansin-pansin ang bagay na nasa likod niya, yung kulay itim na parang lalagyan ng kung ano.






"Kung ako sa'yo lumayo ka sa demonyo." Sambit niyang muli, nagulat ako sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakatingin na sa akin.



Sino ba ang babaeng 'to?





"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Bumalik ang tingin niya sa kanyang notebook, nakita kong may dino drawing siya 'don, parang isang babae ngunit may sungay ito. Akala ko nakikinig siya sa aming guro pero nag do drawing lang pala siya.





"Alam mo kung anong sinasabi ko." Sagot niyang muli. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako.





"Umuulit lang ang mga nangyari sa nakaraan, lumayo kana sa demonyo kung ayaw mong pati ikaw madamay."







Isang malakas na sigaw ang umalingasaw sa buong lugar. Natigilan kaming lahat, mga sigaw ito ng mga kapwa naming estudyante. Lumabas ang mga kapwa ko estudyante para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Anong nangyayari? Tumingin ako sa kanya, nakatingin lamang siya sa akin. Tumango siya at sumunod ako sa kanya palabas ng classroom. Nakita namin ang mga estudyante na halatang takot na takot sa nangyari. Ano bang nangyari? Tumakbo si Katarina pababa, sumunod naman ako sa kanya. Bumungad sa amin ang isang katawan na nakabigte sa puno, nakatali ang leeg nito at naaagnas na ang kanyang mukha at katawan. Nakasuot ito ng mahaba at puting tela na may bahid na ng dugo. Wala itong saplot sa paa. S-sino ang naglagay ng katawan na 'yan dyan?







"Sinasabi ko na nga ba." Rinig kong sambit ni Katarina.




Nangyayari na ang ano? Inilibot ko ang aking mga mata, isang babaeng nakatayo sa dulo ang nakita ko. Pinagmamasdan lamang niya ang naagnas na katawang ito na parang wala lang sa kanya, at nakita ko na din siyang umalis. Takot na takot ang mga estudyante sa mga nangyari ngayong araw, pinabalik kaming lahat sa aming mga dormitoryo. Nalaman namin na isa palang madre na guro rin namin ang nakabigte sa puno na iyon. Si Sister Jane. Pero bakit? Pinalabas nilang muli na suicide ang pagkamatay ni Sister Jane. Pero, hindi ako kumbinsido. May nagtali sa kanya sa punong iyon. Ngunit sino? Katulad ng nurse, naaagnas din ang kanyang mukha. Nakakapagtaka, may itinatago ba sila sa amin? Pero ano?




Lumabas ako para magpahangin, habang naglalakad ako sa pasilyo nakita ko si Katarina sa ibaba. Anong ginagawa niya? Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng gate ng garden ni Madre Superyora.




Bakit siya nandito?







"Alam kong may tinatago sila sa atin, at sa tingin ko nahahalata mo na rin ito." Lumingon siya sa akin, tumabi ako sa kanya. Nasa harapan kami ngayon ng garden ng Madre Superyora. Tinignan ko siya, nakatingin sya sa pinaka dulo nito, ang gusaling gawa sa bato.




"Alam mo ba kung ano ang nasa loob ng gusaling 'yan? Nakapasok kana ba dyan?" Tanong niya sa akin.



"Hindi ko rin alam, hindi pa ako nakakapasok dyan." Sagot ko.



"May ipapakita ako sayo. Alam mo ba kung anong nasa loob nito?" Napatingin ako nang bigla niyang kuhanin ang naka sabit sa likod niya.





Hinarap niya ito at ipinakita niya sa akin. Isang espada, katana. May krus na pendant sa pinakahawakan nito. Pinahawak niya ito sa akin, mabigat pala.



Grabe, paano niya natatagalan na dalhin 'to araw araw?






"Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya.





"Katarina Li, sinanay ako ng mga matatandang Padre na pumatay ng Demonyo. Nandito ako para tulungan ka. Dahil kagaya nga ng sinabi ko sa'yo kanina, umuulit lang ang mga nangyari sa nakaraan."







"P-paanong umuulit? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan ako.





"Malalaman mo rin pero hindi pa ngayon, malapit ng dumating ang araw ng paghatol. Kaya dapat mag iingat ka palagi. Dahil ikaw, ikaw ang kailangan nila." Kinabahan ako sa sinabi niya.




A-ako?




Bakit ako? Hindi ko siya maintindihan.





Nanlaki ang mata naming dalawa ng dahan dahang bumukas ang pinto ng gusali, humanap kami ng matataguan. Nagtago kami sa likod ng mga halaman. Nakita kong lumabas mula sa pinto si Lucy. Hindi ako pwedeng magkamali, si Lucy 'yon. Anong ginagawa niya? May dala dala siya sa kanyang kamay. Parang rosas na pula. Hinagis niya ito sa bukana ng garden at naglakad na siya palayo. Nang malayo na siya, lumabas na kaming dalawa at lumapit sa bukana ng garden. Nakita ko ang hinagis niya kanina. Hindi ito pulang rosas, puting rosas ito na nakabalot sa dugo. Dugo nga ba? Hinawakan ko ang rosas, tinitigan ko ito. Dugo nga talaga. Pero paano? Ano bang ginagawa nila sa loob ng gusaling 'yon?





"May ginagawa sila sa loob ng gusaling 'yon, kailangan natin'g makapasok 'don." Sambit ni Katarina habang nakatingin sa gusali, tumayo ako at tumabi sa kanyang kinatatayuan.






"May ginagawa sila sa loob ng gusaling 'yan at kung ano man 'yon nakakasigurado ako na napakasama nito." Napatingin ako sa sinabi niya, at tumingin akong muli sa gusali. Ano nga ba talaga ang tinatago nila sa amin? Ang mga sunod sunod na pagkamatay, ano ang ibig sabihin 'non? At bakit nakakapasok si Lucy sa loob ng gusaling 'yan? Hindi lang 'yan basta pahingaan ng Madre Superyora dahil may inililihim sila sa amin, at kailangan naming malaman iyon.





Kailangan kong malaman kung ano ba ang nangyari sa nakaraan, kailangan kong mag imbestiga sa mga kakaibang nangyayari loob ng kumbentong ito. Ang mga pagpatay, posibleng may dahilan ang mga pagkamatay nila. May pumatay sa kanila, ngunit sino? Sino ang may pakana nang lahat ng ito? Sino ang nag umpisa? Ang gulo, pero isa lang ang malinaw sa ngayon. Marami pang mangyayaring kakaiba, marami pang patayan na magaganap.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now