Chapter 6

2.2K 79 2
                                    

CHAMBER OF DEATH




Aria's POV




Mula sa aking kinakatayuan, rinig na rinig ko ang mga pagdaing. Tumingin ako sa aking paligid, hinanap ko kung saan nagmumula ang mga pagdaing na aking naririnig, luminga ako ngunit wala akong makita, napakadilim. Ipinikit ko ang aking mga mata, rinig na rinig ko parin ang mga hinanaing. Saan ba nagmumula iyon?





"Tama na po!"





Isang boses ang aking narinig. Iminulat ko ang aking mga mata, at natigilan ako sa aking nakita. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Parang isang lumang kumbento, katulad ng kumbento namin pero wala pa itong mga estraktura.






"Napaka walang kwenta mo talaga!"




"Tama na po..." Pagmamaka-awa niya.






Isang matandang madre ang dumating at may kinakaladkad siyang batang babae. Kung titingnan nasa walong gulang pa lamang ang batang babaeng ito. Nakasuot siya ng mahaba at puting saya. Ano bang nangyayari dito? Pinagbuhatan niya ng kamay ang bata, sinampal niya ito sa magkabila nitong pisngi, dumudugo na rin ang labi nito.




"Wala kang pagsasabihan sa mga nakita mo sa loob ng aking silid. Naiintindihan mo ba, Evelyn?" Saad niya bata habang hawak niya ang isang braso nito. Nakatingin lamang sa kanya ang batang babae, duguan dulot ng pananakit niya.






Evelyn? Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon...





"Sa susunod na makita kitang pumasok sa aking silid hindi lang iyan ang matitikman mo!" Banta niya sa batang babae habang hawak niya ang mukha nito.





"Malalaman nilang lahat ang lihim mo! At ang lahat ng kademonyohang ginagawa mo sa loob ng kumbentong ito!" Sagot sa kanya ng batang babae.






Anong lihim? Mas lalo pang hinigpitan ng matandang madre ang pagkakahawak niya sa mukha nang bata. Inilapit niya ito sa kanyang mukha.





"Wag na wag mo akong kakalabanin, Evelyn. Dahil may kalalagyan ka sakin, tandaan mo yan." Pagbabanta niyang muli.






Ngumiti ang batang babae sa kanya, "Hindi ako natatakot sa'yo." Tugon nito, pagbubuhatan niya sanang muli ng kamay ang batang babae ngunit natigilan siya.






Dahan dahan siyang tumingin sa kinakatayuan ko. N-nakikita niya ako? Nanlaki ang mga mata ko. Tinuro niya ako kasabay ng pagdilim ng paligid, nag iba ang kanyang itsura, may lumabas na dugo sa kanyang bibig at sa kanyang mata. Parang may pwersa na tumulak sa akin ng malakas at tumama ang aking likod sa pader. Nakita ko siyang papalapit sa akin, ang sama nang kanyang tingin. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay, alam kong sasampalin niya ako. Pumikit ako.








"Wag!" Tangi kong sigaw, bago ako tuluyang malaglag sa aking kama. Ang sakit ng pagkakabagsak ko, una mukha. Pagtingin ko sa paligid ko, walang tao. Ako lang mag-isa ang nandito. Umupo ako sa sahig sa gilid ng aking kama. Nanaginip nanaman ako ng kung ano. Napabuntong hininga ako bago ako tuluyang tumayo. Saan kaya pumunta si Mary? Talagang 'yong babaeng 'yon, napaka gala masyado. Daig pa si dora.





Pumunta ako sa tapat ng bintana para ayusin ang kurtina nang biglang bumigat ang aking likuran. Nakita ko na lang siya na nakayakap sa akin mula sa likod, napabalikwas ako sa gulat. At halatang nagulat siya sa reaksyon ko.





Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now