Chapter 3

2.5K 96 1
                                    

RE: BIRTH





Aria's POV






Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, bakit ganon? Parang may pumipigil sa paghinga ko, iminulat ko ang dalawang mata ko. N-nasaan ako? Bakit ang dilim? Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar, puro itim lang ang nakikita ko. Huminga ako ng malalim, tumingin ako sa ibabaw ko. Mula sa dilim, unti-unting lumabas ang isang kamay. Kamay siya ng babae, sigurado ako. A-ano 'to? Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong abutin ang kamay na iyon. Napatingin ako kamay ko, pinigilan ko ang pagtaas nito gamit ang isa ko pang kamay. Pero bakit ganon? Parang may ibang kumokontrol sa akin. Habang papalapit ang kamay ko sa kamay na 'yon, nahihirapan akong huminga. W-wag...



Ang sikip, ang hirap huminga.




T-tama na...





Binabawi ko ang kamay ko ngunit hindi ko magawa, mula sa dilim hinila ako ng kamay na iyon at tumambad sa akin ang mukha ng isang nakakatakot na babae.








"AHHH!!!" Napatayo ako sa pagkakahiga.







"Aria! Anong nangyari?" Naguguluhang tanong sakin ni Mary. Lumapit siya sakin, wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak. Yumakap ako sa kanya sa sobrang takot. Hanggang ngayon nanginginig pa din ako sa takot.






"Nanaginip ka nanaman ba?" Tumango ako pero umiiyak pa din ako sa balikat nya. Ayoko na, ayoko ng maulit pa 'yon. Nakakatakot, hindi ko kaya.




"Napapadalas na 'yan ha?" Hindi parin ako makasagot. Nangangatog ang mga tuhod ko hanggang ngayon.





"Panaginip lang 'yun. Tahan na." Sabi niya kasabay ng paghaplos niya sa likod at buhok ko. Bumitaw na ako sa yakap ko sa kanya.





"Salamat, Mary." Pilit na ngiti kong sabi.




"Maligo kana muna, baka ma-late tayo."





Tumango nalang ako sa sinabi niya at tumayo na rin naman siya, inayos nya na rin ang mga gamit niya. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko, inayos ko na din ang mga gamit ko. Gusto ko ng makalimutan yung napanaginipan ko, ayoko ng maalala pa 'yon. Kasalukuyan akong nag aayos ng aking sarili nang bigla siyang lumapit sa akin.





"Aria, bakit nakakalat to?" Nanlaki ang dalawang mata ko sa inaabot niya sakin.





"I-ilayo mo sakin 'yan!" Natatakot kong sabi. Pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi, hinagis ko nga pala 'yan.




"Huh? Kung ayaw mo na dyan, isoli mo na ulit sa library." Inabot niya sakin, nanginginig kong kinuha ang libro. Agad agad ko itong inilagay sa loob ng bag ko.




Magkasabay kaming naglalakad ni Mary sa hallway. Aaminin ko, hanggang ngayon nangangatog pa din ang mga tuhod ko. Hindi maalis sa isipan ko ang napanaginipan ko. Nakakatakot, sobrang nakakatakot. Tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, ang mukha ng babaeng 'yon ang nakikita ko. Napakapit ako sa pader habang umaakyat sa hagdan, ang hirap pala umakyat kapag ganito. Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ganito? Ang bigat ng pakiramdam ko.





Ano bang nangyayari sakin?





Napayuko ako, at isa pang buntong hininga. Kulang lang siguro ang tulog ko, tama. Mula sa kinatatayuan ko, saglit na dumilim ang gilid ko. Parang kung may anong bagay na bumagsak. Ang sumunod na narinig ko ay ang mga sigaw ng kapwa ko estudyante.




Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now