Chapter 20

1K 37 0
                                    

THE FALLEN






Luke's POV



Tama lang naman siguro ang naging desisyon ko na tanggalan siya ng ala ala, diba? Para hindi naman sa kanya 'yon, para makalimutan niya ang mga nasasalimuot na nangyari sa kanya sa loob ng kumbento, at syempre para makalimutan niya ako. Dalawang linggo na simula noon'g mawala siya sa akin. Oo, palagi ko s'yang binabantayan. Ako rin ang naglalagay ng rosas sa tabi niya, ako rin ang gumawa ng paraan para makita siya muli ng nag iisa nalang n'yang kamag anak. Hindi ko alam na ganito pala kahirap 'yon, ganito pala ang pakiramdam ng malayo ka sa babaeng mahal mo.




Ang sakit.


Sa loob ng dalawang linggo na wala s'yang malay palagi akong nasa tabi niya. Sinulit ko ang mga panahon na 'yon para makasama siya kasi alam ko na darating din ang panahon na 'to na hindi ko na siya mahahawakan. Ang saya ko noon'g nagising siya pero labis din akong nasaktan. Nasaktan sa katotohanan na hindi na ako kilala ng babaeng mahal ko. Ilang araw akong nakuntento sa pagtingin sa kanya mula sa malayo, hindi naman niya ako nakikita. Pero natigilan ako kanina, nakita niya ako. Hindi lang isang beses, kundi dalawang beses. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko noon'g tumingin siya sa akin. Nakita ko s'yang tumakbo kaya nagtago ako agad. Gusto ko siyang makasama pero ayokong makita niya ako. Maliban sa hindi niya ako naaalala baka matakot siya sa akin. Ang sakit, bakit ganito?



Noon'g kinagabihan hindi ako mapakali, gusto ko siyang makita. Nagdalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Pero gano'on siguro talaga kapag mahal mo, hindi mo matitiis kaya pinuntahan ko siya agad. Nakita ko siya, nakahiga na siya sa kanyang kama. Pinagmasdan ko siya saglit, pero hindi na siya gumagalaw. Tulog na siguro. Dahan dahan akong lumapit sa umakyat sa kama niya, nakapikit na ang mga mata niya.



Nakatagilid siyang matulog kaya hindi ako nahirapan na yakapin siya mula sa kanyang likod. Ang bango ng kanyang buhok, rinig na rinig ko ang paghinga niya. Napangiti ako pero natigilan ako nang bigla n'yang hawakan ang kamay kong kasalukuyang nakayakap sa bewang niya. Kinabahan agad ako, baka kasi gising pa siya at baka bigla s'yang humarap sa akin. Ilang segundo ako naghintay, inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling lumingon siya pero pag tingin ko mahimbing na s'yang natutulog. Nakahinga ako ng maluwag kasunod ng pag ngiti ko.




Pinakaba mo pa ako.


Ang bilis ng oras, mag uumaga na agad. Hindi ako natulog, tinitigan ko lang ang mukha niya buong magdamag. Kulang pa ang mga oras na 'yon para kabisaduhin ang bawat detalye sa mukha ng babaeng mahal ko. Bago pa sumikat ang araw, napagpasyahan ko ng umalis. Pero bago 'yon hinalikan ko muna siya sa kanyang noo. Tulog parin siya hanggang ngayon.





"Aalis na ako." Bulong ko sa tenga niya, medyo gumalaw siya kaya lumabas na rin ako. Baka makita niya pa ako.



Bumalik na agad ako sa bahay na tinutuluyan ko, pero natigilan ako nang may makita akong babaeng nakatayo sa harap ng pintuan. Teka, parang kilala ko ang babaeng 'yon ah. Lumapit ako sa kanya, para makita siya. Tama nga ako.





"Anong ginagawa mo dito, Katarina?" Tanong ko sa kanya, napalingon siya halatang nagulat siya nang makita niya ako. Ang aga naman nito bumisita.




"Gusto ko lang sanang makita si Aria, tulog pa ba siya? Ang aga mo naman nag gagala sa labas. Saan kaba galing?" Sunod sunod na tanong niya.





"Hindi na siya dito nakatira, galing ako sa kanila. Binantayan ko s'ya buong magdamag, at tsaka... Ah, wala. Sa kanila kana lang pumunta. Sige, pasok na ako-" Hindi pa ako nakakapasok bigla niya akong hinawakan sa braso ko, napatingin ako sa kanya.




"Bakit?" Tanong niya, napayuko nalang ako. Hindi ko siya sinagot, papasok na sana ulit ako pero lalong higpit ang hawak niya sa braso ko. I looked at her, nakatingin din siya sa akin.


"Ginawa mo kahit kapalit 'non ang buhay mo, nababaliw kana ba?!" Hindi ako makasagot, hindi ko kayang sumagot.





"Ibinalik mo ang kaluluwa niya kapalit ng kaluluwa mo? Bakit mo ginawa 'yon?!" Pasigaw na tanong niya sa akin.


"Bitawan mo ako, hindi kita binuhay para pakiealaman ang mga desisyon ko." Mahinhin kong sagot, natigilan siya sa sinabi ko.




"Baliw kana." Tanging naging tugon nito, napatawa ako ng bahagya.




"Siguro nga, siguro nga tama ka na nababaliw na ako. Ano bang masama sa ginawa ko? Wala naman di'ba? Para naman 'yon sa babaeng mahal ko. At isa pa, wala na rin namang mababago eh, nagawa ko na. Nangyari na. Kaya pwede ba, umalis kana lang. Hindi ko kailangan ng opinyon mo sa mga magiging desisyon ko." Dagdag ko pa, naramdaman ko ang unti unting pagluwag ng kapit n'ya sa braso ko. Tinignan ko siya, nakayuko lamang siya.


"Umalis kana." Utos ko, papasok na sana ako sa pinto nang bigla siyang tumingin sa akin.




"Sasabihin ko sa kanya ang lahat." Natigilan ako sa paghakbang sa narinig ko. Nilingon ko sya.


"Kahit sabihin mo pa sa kanya, hindi s'ya maniniwala sa'yo. Dahil hindi naman na niya ako kilala, burado na ako sa isipan niya. Kung ako sayo, wag kana lang mag abala, magsasayang ka lang ng oras." Tugon ko, bago ako pumasok sa loob. Napasandal na lang ako sa pintuan, narinig kong umalis na siya. Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad papuntang kwarto.




Nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla na akong nakaramdam ng hilo, nanlabo bigla ang paningin ko. Bakit ganito? Napahawak ako sa sintido ko sa sobrang sakit. Argh. Ano bang nangyayari sakin? Napaupo ako sa sahig habang hawak hawak ang sintido kong kumikirot. Ramdam na ramdam ko ang matinding pagkirot nito, kasabay ng pagsakit ng likuran ko.


"Argh!" Hinaing ko, parang kinukuha ang lakas ko. Ang hirap huminga at ang sakit ng katawan ko. "Tama na, tama na..." Napaluhod ako at kinapa ko ang likod ko, parang isa isang binabali ang mga buto ko. B-bakit ganito?




"TAMA NA!!" Sigaw ko, kitang kita ko sa sahig ang napakaraming dugo na lumabas mula sa likod ko. Parang may sumisipsip ng lahat ng dugo sa aking katawan. Unti-unti ng nauubos ang lakas ko pero patuloy parin ang paglabas ng napakaraming dugo sa katawan ko. Natigilan ako ng maramdaman kong umaagos ang lahat ng dugo ko papunta sa harapan ko. Napatingin ako sa isang malaking salamin sa gilid ko. Natigilan ako sa nakita ko. Kitang kita ang repleksyon nito mula sa salamin. Nanlaki ang dalawang mata ko.




Imposible...


Anong ginagawa mo dito?




"Ama?" Paos kong tawag sa kanya. Nakita ko itong ngumiti sa akin. Anong ginagawa mo dito, Ama?




"Masakit ba?" Tanong nito. Napakadilim at napakalalim ng boses niya Napaka lamig at nakakatakot. Napayuko ako, unti unting pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


Muli akong tumingin sa mga pula n'yang mata. Tila ba nanghahamak ang mga tingin nito. Naglakad siya papunta sa akin.



"Tinatanggap mo na ba ako?" Tanong niya muli. "O tatalikuran mo pa 'rin ako?" Dagdag pa niya. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Ramdam ko ang malamig niyang kamay na humahaplos sa aking buhok.


"Tandaan mo, ako at ikaw ay iisa."


Bulong niya sa aking tenga bago niya ako sipain dahilan para mapadapa ako sa sahig. Mula sa repleksyon ng salamin nakita ko siyang pumasok sa aking likuran kasabay ng paglabas ng aking mga pakpak.



"Aria..."

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now