Chapter 36

338 13 3
                                    

UNUSUAL



Luke's POV


Halos kalahating araw ng hindi lumalabas ng kwarto si Aria. Pagkatapos ng pag uusap kanina dumiretso na agad siya sa kanyang kwarto. Bumalik naman si Tita sa Hospital dahil may meeting pa siya. Nandito ako ngayon sa library. Iniisip ko kung paano ako makakatulog sa kanya. I looked at the window beside me. Fuck, it's raining. Ang lakas ng ulan. I sighed.

Natigilan ako nang may marinig akong babaeng umiiyak. Lumabas ako at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Aria. Mula dito sa pinto ay rinig na rinig ang kanyang pag-hagulgol.


Nakaramdam ako bigla ng pagkirot sa aking puso. Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko syang nakahiga patagilid habang nakayakap sa malaki n'yang unan. Naglakad ako papalapit sa kanya at tumayo ako sa harapan kung saan sya nakaharap.


Dahan dahan nyang inalis ang unan na yakap niya para tingnan kung sinong nasa harapan niya. Basang basa ang punda ng kanyang unan. Maski ang kanyang buhok at bangs at basa dahil sa luha at ang mata nyang halos mamaga na kakaiyak.


“Anong ginagawa mo dito?” Sinisipong tanong niya. “Umalis ka nga.” Dagdag niya pa sabay takip ulit ng unan.


Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa gilid ng kanyang kama. Mukhang lalo ata syang nagalit nung nakita ako?


“Bakit ka ba umiiyak?” Tanong ko.


“Pake mo. Umalis kana.” Pagtataboy niya sa akin. Napailing ako. I smiled at her kahit hindi niya ako nakikita. I placed my left hand sa kanyang buhok at hinaplos ko ito.


I could hear her sobbing. Umiyak ulit siya, pero this time hikbi nalang ang naririnig ko.


“Tell me what's wrong.” I asked, “Baby.” I added. Still hindi pa rin niya ako pinapansin. Dahan dahan kong inalis yung unan sa niya.


I saw her face pero bigla siyang yumuko lalo. Fuck.


Wala akong choice, tinayo ko siya at inupo ko siya. Still no response from her, nakayuko lang talaga siya.



“Natatakot ka ba?” I asked her, dahan dahan nyang iniangat ang kanyang ulo. Tumingin ito sa akin. Inalis ko ang mga buhok na nakadikit sa mukha niya at pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.


“Sobrang natatakot ako...” She said, finally. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakaharap ko na yung taong rason kung bakit ako nawalan ng mga magulang...” Umiiyak niyang sabi. Nakayuko lamang siya sa harapan ko, patak pa rin ng patak ang mga luha niya.

“Natatakot ako Luke...” Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. “Hindi ko ata kaya...”


Ang sakit sa loob ko na hindi ko man lang maibsan yung takot na nararamdaman niya. Hindi ko man lang sya matulungan. Wala din kasi akong kwenta.


“Hindi na ako papayag na may mangyari pang masama sayo. Hinding hindi kana nila masasaktan ulit. Pangako.” Bulong ko sa kanya, humiwalay sya sa yakap ko at saka nagpunas ng luha. Dahan dahan kong inalis ang kamay nya at pinalit ko ang mga kamay ko sa pisngi niya.


Natigilan ako ng tumingin siya sa mga mata ko. Hinawakan niya ang pisngi ko pababa sa mga labi ko. Dahan dahan niya akong hinila pahiga sa kanya. She kissed me pagkatapos tinitigan niya ako sa mga mata ko.


“I love you.” Fuck.


Napunta ang mga kamay niya sa buhok ko at hinaplos niya ito. It gives me chills. Nasa ibabaw pa rin niya ako. Hindi ko alam kung nabibigatan na ba sya or what.


“How can a demon like you named Luke? I mean... your name is in the Bible...” She asked while staring at my eyes.

“I don't know, baby.” I smirked and kissed her torridly.


I was preoccupied by our kissing, hindi ko namalayan na natanggal ko na ang pang ibabaw na suot niya. I stopped. I looked at her, hingal na hingal siya. Kaagad akong tumayo at napatingin siya sa akin.


“Why?” She asked.

“S-sorry, baby...” Umiwas ako ng tingin sa kanya. Fuck, I'm turning red.

Nakita ko sa peripheral vision ko na kaagad syang nagtakip ng kumot. Pulang pula din ang mukha niya.

“What are you staring at?!” She shouted. Ang sakit sa tenga.


“It’s your fault. You tempted me.” I glared at her and she glared back.

“Aba!” She shouted again. Bumaba ako sa kama niya and I smirked at her.

“Ikaw ah, baby. Porke't umuulan.” Inis syang tumingin sa akin sabay bato ng unan. Nakaiwas naman ako.

“Sige na, sige na, lalabas na po ako. Sorry po.” I surrendered. Lumapit ako sa kanya sabay abot sa kanya nung unang binato nya sa sakin.

Pagkalapit ko hinila niya ako sa may kanang braso at hinalikan akong muli. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, at pagkatapos nakaramdam nalang ako ng mahapdi sa labi ko.


She bites me. What the fuck.


Napa atras ako sa ginawa nya. Napahawak ako sa labi ko at may konting dugo ito. I looked at her but she pouts at me.


“I love you.” She smiles. Hays.


“I love you more.” I replied habang hawak ang labi kong dumudugo. She gestures byebye while smiling. Napailing nalang ako habang papalabas ng kwarto niya.





Grabe, ang hirap pasayahin ng babaeng mahal mo kailangan pang may dumugo sayo. Ang hapdi, potek. Pero worth it naman kasi tumigil na siya sa pag iyak at nakita ko na ulit yung mga ngiti niya. Napailing nalang ulit ako habang naglalakad sa pasilyo.




Pero potek, ang hapdi talaga.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now