Chapter 5

2.2K 76 6
                                    

TWISTED




Aria's POV





Saan ba siya galing? At bakit may galos siya sa kanyang mukha at leeg? Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mga labi niya. Teka, ano? Ano ba 'tong ginagawa ko? Para naman akong ewan. I touched his forehead, and damn. Sobrang init niya, kaya naman pala nawalan ng malay, sobrang taas pala ng lagnat niya. Tumayo ako at kumuha ako ng mga panlinis ng sugat sa may cabinet, pagbalik ko sinimulan ko siyang gamutin. Dahan dahan kong dinadampi ang bulak na may betadine sa mga galos niya. May sugat din sa gilid ng kanyang labi, ang nipis naman ng mga labi nito at ang haba ng kanyang pilikmata. Matangos din ang kanyang ilong, at medyo magulo ang kanyang buhok, sobrang itim na buhok. Mukha lang siyang normal na lalaki, hindi naman siya katulad nung nasa libro na nabasa ko. Nilagyan ko ng band aid ang mga sugat niya at naglagay na din ako ng gamot para ipainom sa kanya kapag nagising na siya.





An hour passed.






Tinignan ko siya pero nakapikit parin ang mga mata niya. Siya nga ba? Siya nga ba yung batang tinutukoy sa libro na 'yon? Pero paano? Mahigit isang daang taon na nung nangyari 'yon, imposible naman na hanggang ngayon bata parin siya at hindi siya tumanda. Naguguluhan na ako, hays. Hindi ko na talaga alam kung ano ang paniniwalaan ko.


Naramdaman kong medyo gumalaw ang kama kaya tiningnan ko ulit siya, unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. He blinked twice tapos tumingin siya sakin, mukha lang siyang normal. Parang isang normal na lalaki na nakipag sapakan. Parang ganon lang talaga siya, napangiti ako sa loob loob ko. Pinipilit niyang umupo pero hindi niya magawa kaya't inalalayan ko siya. Mainit parin siya pero hindi na katulad ng kanina, umupo ako ng maayos at kinuha ko ang mga gamot na niready ko kanina para sa kanya. Iniabot ko ito sa kanya pero tinitigan niya lamang ako.




Napaka inosente naman niya, hays.





"Ano ang mga 'yan?" Tanong niya.




"Gamot, inumin mo para gumaling kana."




Ang seryoso ng tingin niya sa akin, napatawa ako. Akala niya siguro kung ano na 'tong hawak ko. Nakatingin lamang siya sa hawak kong gamot, pinagmamasdan niya ito.





"Inumin mo na." Tinignan niyang muli ako bago niya ito kuhanin sa kamay ko. I looked at his lips, hindi na masyadong maputla. Siguro, bumaba na din ang lagnat niya. Mukha siyang bata, bata na walang kamuang muang. Tinitigan lamang niya ang binigay kong gamot.




"Hindi ka gagaling kapag tinitigan mo 'yan, inumin mo na." Sinunod niya naman ang sinabi ko, kumunot ang noo niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin.





"Bakit ganon ang lasa?" Reklamo niya habang nakakunot ang noo, hindi ko napigilan ang sarili ko at tumawa ako ng malakas. Anong klaseng mukha 'yan? Halata naman na nainis siya sa ginawa ko. Ang cute niya, grabe. Wait, ano? Hindi siya cute, erase erase. Tumayo na ako at isinoli ko ang baso sa lamesa.





"Salamat." Rinig kong sabi niya.






Napangiti ako, paglingon ko wala na siya. Huh? Saan na napunta 'yon? Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto ngunit wala na talaga siya. Pumunta ako sa may bintana at tiningnan ko kung nandoon ba siya pero wala na siya. Bakit siya umalis?








"Kamusta nang pakiramdam mo, iha?" I looked back, nandito na pala ang nurse.





"Maayos na po." Bumalik ako sa kama, at umupo. Napansin kong parang may hinahanap siya sa kanyang desk. Napatingin ako sa suot niyang bracelet na silver, ang ganda nito. Tiningnan ko ang kanyang ginagawa, may nilabas siyang mga papeles. Ano ang mga 'yon? Binasa niya ito, at ipinasok niya sa isang maliit na box na kulay itim.




"Gano'on ba? Sige, maaari ka ng bumalik sa iyong dormitoryo." Tugon niya. Pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa, halatang balisa siya. Ayos lang kaya siya? Medyo namumutla din ang mga labi niya, hindi naman siya ganiyan kanina bago siya lumabas. Itatanong ko ba? Napansin ko ang pangingitim ng kanyang leeg at parang nahihirapan siyang huminga. Anong nangyari sa kanya?



"Sige, mauna na ako." Paalam niya at dali dali siyang lumabas ng clinic. Hindi na ako nakasagot dahil tumakbo na siya palabas.





Napagpasyahan ko nang bumalik sa aking dormitoryo. Lumabas na ako at naglakad sa pasilyo. Ang tahimik ng buong lugar. Parang ako lang ang nandito, bakit ganon? Napabuntong hininga ako at tinuloy ko na ang aking paglalakad. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit umalis si Luke kanina, hindi man lang nagpaalam sa akin, nakakainis. Saan kaya pumunta 'yon? Bahala siya, matanda na siya. Matanda? Oo, sobrang tanda na nya. Kaya na niya ang sarili niya. Kumunot ang noo ko habang naglalakad hanggang sa makarating ako sa aking dormitoryo. Naabutan ko si Mary na nakahiga sa kanyang kama, nagulat siya sa aking pagdating.






"Nandito kana pala, pinuntahan pa kita sa clinic kanina pero tulog kapa nung dumating ako. Ano bang nangyari sayo kahapon? Bakit nakita kana lang nila sa harap ng gate na walang malay? Ayos kana ba talaga?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.





"Hindi ko din alam eh, wala akong maalala, at oo, okay na ako." Palusot ko. Tinignan ko siya, nakakunot ang kanyang noo at nakanguso siya sa akin. Hindi siguro siya naniniwala sa sinabi ko.





"Sige, sabi mo eh." Tugon niya, natawa naman ako sa inasta niya. Bumalik na siya sa kanyang kama at umupo doon, gano'on din ang aking ginawa.






Humiga ako sa aking kama, kailangan kong magpahinga. Nitong mga nakaraang araw palagi nalang akong kulang sa tulog, tumingin ako sa kisame. Naramdaman ko ng unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata, hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now