Chapter 14

1.1K 39 1
                                    

CORE




Luke's POV




Malapit na mag gabi ng maisipan kong pumunta sa kumbento, hindi pa ako masyadong nakakalapit pero may nakita na akong isang tao malapit sa bukana ng kagubatan. At kung hindi ako nagkakamali kilala ko ang taong 'yon. Katarina Li, nagtaka ako ng makita ko siyang wala ng buhay at may nakatusok na malaking espada sa kanyang katawan. Umaagos pa din ang kanyang dugo sa damuhan. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ko ang patalim na nakatusok sa kanyang katawan. Hiniga ko siya sa damuhan, ang putla putla na niya. Pero tumitibok pa din ang puso niya ngunit mahina na lamang.




Sinong gumawa sa kanya nito? Hinawakan ko ang parte kung saan siya may sugat at hindi nagtagal humilom na rin ito ngunit hindi pa rin siya gumigising.



Dahil ba sa dugong nawala sa kanya? Siguro nga. Sinugatan ko ang aking kamay at ipinatak ko sa kanyang bibig ang dugo ko. Alam ko na ang mangyayari pag nalagyan siyang dugo ko.




"Hindi ka pa pwedeng mamatay." Sambit ko kasabay ng paghawak ko sa kanyang kamay. Ilang segundo pa ang lumipas idinilat niya ang mga mata niya, kasabay ng pagkumbulsyon ng kanyang katawan. Rinig na rinig ko ang pag iyak niya, kitang kita ko din ang pagbabago sa kanya. Mula sa itim na mata unti unti itong naging pula katulad ng sa akin. Nang medyo maayos na siya binitawan ko na ang kamay niya, tumingin siya sa akin.





"Ikaw? A-anong ginawa mo sakin?" Tinulungan ko siya para makaupo siya, halatang nagtataka siya kung paano muli siyang nabuhay.




"Binigyan kita ng dugo ko, simula ngayon magkatulad na tayo. Hindi kana din mamamatay kagaya ko. Sabihin mo sino ang gumawa sa'yo niyan?" Tanong ko.





"Si Lucy, kagaya mo siya." Lucy?





"Sinasabi nya na sya ang nakakabata mong kapatid." Kapatid? Wala akong maalalang may kapatid ako.


"Nakakasigurado ako na hawak nila si Aria, silang dalawa ng Madre Superyora ang dahilan ng mga pagpatay sa loob ng kumbentong 'to. Si Aria ang kailangan nila para mapatay ka at si Aria din ang babae na sinasabi sa propesiya para mabuksan ang pinto papuntang impyerno... Sa napaka tagal na panahon ng pag aaral nila kung paano mabuksan ang daan papuntang impyerno hindi ko alam na magtatagumpay sila. Nakita nila ang isang itim na libro na nasa kwarto ni Aria. Isang diary ng isang sinaunang Padre... Isa sa mga Padre na nagkulong sa'yo... Ayon sa libro, mauulit muli ang nakatakdang propesiya... Ang pagpapakawala sa Kamatayan...” Natigilan ako sa narinig ko.




"Kailangan natin'g bawiin si Aria-" Hindi pa sya natatapos magsalita ng bigla kaming nakarinig ng sigaw ng isang babae, hindi ako pwedeng magkamali. Si Aria 'yon.




"Alam ko kung nasaan sila." Tumayo na siya at sumunod ako sa kanya.




Ilang sandali pa ay narating na namin ang sinasabi niyang lugar, ito 'raw ang hardin ng kanilang Madre Superyora at nasa loob daw ng gusaling bato si Aria at ang iba pang estudyante sa loob ng kumbento. Pumasok na kaming dalawa, ang dilim sa loob nito at sobrang baho ng amoy.






"Bakit ganito ang amoy dito?" Tanong ko.




"Dahil dito mismo nila tinatago ang mga bangkay ng mga napatay nila simula pa noon. Nag imbestiga akong mag-isa dito at nahuli ako ni Lucy kaya gusto niya akong patayin para hindi sumabog ang lihim nila." Tugon niya, narating namin ang dulo ng pasilyo at may isang paikot na hagdan kaming nakita, sa ibaba non doon lang may ilaw. Pagkababa namin, anim na pasilyo pa ang aming nakita, sa ibabaw nito may mga nakaukit na numero.



"Saan tayo papasok?" Tanong kong muli. Pumunta sa may pasilyo sa likuran namin at sinundan ko siya. Sa itaas ng pasilyo may nakaukit na Ⅳ walang liwanag sa pasilyong 'yon.



"Malakas ang pakiramdam ko na nandito sila, dahil dito ako nakakarinig ng mga pag-iyak." Nauna siyang pumasok sa akin at nakasunod lamang ako, habang papalapit kami lalo naming naririnig ang mga sinasabi niyang pag-iyak.




Ano bang meron sa lugar na 'to? Pagkadating namin sa dulo ng pasilyo isang napakalaking pinto ang tumambad sa amin. Binuksan namin ito at sinalubong kami ng isa pang pader, ngunit sa gilid nito ay may isa pang pasilyo. Nakita kong may liwanag sa dulo ng pasilyong 'yon kaya tumuloy kami. Habang dumadaan kami sa gilid ng pader rinig na rinig namin ng mas malinaw ang mga pag-iyak at ang mga hinanaing. Hindi pa kami nakakalapit may narinig na kaming dalawang boses na nag-uusap.








"Anong nangyari, Evelyn?!" Tumigil kami sa paglalakad ng marinig namin ang boses na 'yon.




"Hindi ko alam, Lucy. Pero may pumipigil sa akin makuha ang kaluluwa niya." Lucy? Napatingin ako kay Katarina, pansin kong lalong humigpit ang paghawak niya sa kanyang espada.



"Wala akong pakealam, Evelyn! Gawin mo ang lahat para mapa sa akin ang kaluluwa ng babaeng 'yan!" Rinig kong tugon ni Lucy.



"Ginawa ko naman na lahat-"




Hindi na natuloy ng Madre Superyora ang kanyang sasabihin ng biglang tumahimik si Lucy. Sandali silang tumahimik.





"Alam kong nandyan na kayo, magpakita na kayo. Kailan nyo balak lumabas?" Sambit niya kasabay ng pagtingin sa direksyon kung nasaan kami, naunang lumabas si Katarina, kasunod ako.





"Akalain mo, buhay ka pa pala." Natatawa niyang sabi. Nabaling ang paningin ko sa babaeng walang malay na nakahiga sa ibabaw ng bato, si Aria. Naka kadena din ang kanyang mga paa at kamay. Pupuntahan ko sana siya pero isang boses ang pumigil sa akin.





"Ariton." Ariton? Napatingin ako sa tinawag nya sa akin.




"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin, Kuya? Agad mong pupuntahan ang babae mo." Nakatingin niyang sambit sa akin. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.




"Hindi kita kilala at wala akong kapatid." Sagot ko pero tumawa siya. Naglakad lakad siya papunta sa gilid kung saan may mga espada na nakasalansan. Kumuha siya ng isa doon.




"Ayon sa libro, may walong anak ang ating magaling na ama. Karamihan sa atin ay anak nya sa mga mortal na makasalanan, tulad ng ating mga Ina. Alam mo ba na lason ang dugo ko para sayo? Ang dugo lang nating magkakapatid ang maaaring pumatay sa atin. Ngayon, kuya... handa kana bang mamatay?"



Nakangiti niyang sambit, dahan dahan niyang idinikit ang kanyang daliri sa espada hanggang sa idiin niya ito, kitang kita ko ang pag-agos ng dugo niya sa buong espada hanggang sa dulo. Iniabot sakin ni Katarina ang kanyang espada, idiniin ko din ang isa kong daliri dito. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at ang labis na kasiyahan.




“Mas mahalaga pa ba ang babaeng 'to kesa sa akin na kapatid mo?” Tanong niya.


“Lucy, ayoko sa lahat 'yung walang preno ang bibig.” Sagot ko na nagpabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.



"Katarina, pakawalan mo siya sa mga kadenang 'yan. Ako na ang bahala sa babaeng 'to." Tumango naman siya sa sinabi ko at pumunta sa pwesto kung nasaan si Aria.





"Evelyn! Pigilan mo ang babaeng 'yan!" Utos ni Lucy sa Superyora, sumunod naman ito. Tumingin ako sa kanya, nakangiti lamang siya sa akin.




"Pagsisisihan mo habang buhay na kinalaban mo ako, Ariton." She glared at me, at bigla nalang syang sumugod ng mabilis. Dugo laban sa dugo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng laban na ito. Pero para sayo, Aria, kaya kong magbuwis ng buhay.






Pero wala sa plano ko ang mamatay.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon