Chapter 34

594 13 2
                                    

L'ENFER, C'EST LES AUTRES.”-
Jean Paul Sartre



Aria's POV





Pity, It’s looks like your luck has come to an end, Aria.”



Paulit ulit na nag e-echo sa utak ko ang boses na niya. Hindi mawala sa isipan ko ang boses ng babaeng 'yon at ang mga salitang sinabi niya sa akin.



Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi ko lubos naisip kung sino pa ang taong may galit sa akin. Hindi ko rin maisip kung ano pang gusto nila. Imposible naman na kampon siya ni Lucy at Evelyn dahil mga patay na sila.



Napahawak ako ng mahigpit sa mga kamay ni Luke dahilan para mapatingin siya sa akin.



“Bakit?” Tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.


“Hindi kaya dahil totoo kong pagkatao kaya gusto nila akong patayin?” Tanong ko sa kanya na ikina iling ng kanyang ulo.


“Paano mo naman nasabi? Hindi ka pa naman naipapakilala sa publiko na isa kang Archer at Laxamana pa rin ang gamit mong apelyido sa University.” May punto siya. Pero...


“Pero bakit may gusto pa ring pumatay sa akin?” Naguguluhan na ako. Ang hirap, hindi ko kilala ang kalaban namin.


“Ayun nga din ang iniisip ko, baby...”
  May inabot siya sa akin na letter.



“May lalaking nagbigay sa akin niyan kagabi. Buksan mo.” Dagdag pa nito.



Nakasulat ang mga katagang, “I know your weaknesses, demon.” Taka akong tumingin sa kanya.


“Nakilala mo ba 'yung lalaking nagbigay sayo nito? Baka may alam siya.”


“Siya yung nasa Auction. Estudyante lang din siya.”


“Paano nila nalaman na...” Tumingin siya sa mga mata ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at huminga ako ng malalim.


Bakas sa mga mata niya lubos na pag alala. Napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa mga kamay niya.


“Aria.” Rinig kong banggit niya sa pangalan ko, naramdaman ko nalang na nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.


“Patawarin mo ako. Naging mahina na naman ako at napabayaan kita. Galit na galit ako sa sarili ko...” His hands formed into fists.


“Patawarin mo ako...” Naramdaman kong inalis niya ang kanang kamay niya at inilagay ito sa pisngi ko.



I can't utter a word. Tinitigan niya ang kaliwang mata ko sabay haplos sa aking kaliwang pisngi.

.
“Akin ka lang.” Saad nito na nagpatalon sa puso ko. He smirked and kissed my forehead.



Shocked, that's me.



Papatayin ko lahat ng manakit sayo.” He whispered to my ear bago siya tumayo at humarap sa akin.




Fuck... Why are you doing this?



Ang dami kong gustong sabihin sayo, ang dami kong gustong gawin kasama ka. I looked at him and I can tell just by looking at his crimson eyes, he's angry.



“I love you.” I said, tipid siyang ngumiti sa akin pero sumeryoso ulit ang mukha niya. Kinuha niya sa harapan ko ang letter na ibinigay sa kanya sabay nilukot niya ito.





Devil's Bride: Volume 1 • 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon