Chapter 15

1.1K 38 0
                                    

PREY



Aria's POV





Nagising ako dahil sa ingay sa aking paligid, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa lalo na sa kaliwang mata ko.



Sobrang sakit, bakit ganito?


Hindi ko maimulat ng maayos ang kaliwang mata ko, ang kanang mata ko naman ay medyo malabo pa din. Ano bang nangyayari sa akin? Rinig na rinig ko ang mga bakal na nagtatama sa isa't-isa, ano bang meron?




"Bitawan mo ako, Evelyn!"



Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Katarina 'yon pero... paano?




"Aria!" Sigaw nito, iminulat ko ang dalawang mata ko. Nakita ko siya ngunit biglang kumirot ang kaliwang mata ko, sobrang sakit. Naramdaman ko na naman ang mainit na likido na lumalabas sa mata ko.



Hindi luha ngunit dugo.

Napahawak ako dito.



Napapikit ako sa sobrang sakit ngunit sa pag pikit kong 'yon hindi ko inasahan ang mga nakita ko. Mga kaluluwang itim na papalapit sa akin, mga gutom na kaluluwa na gusto akong kainin. Natigilan ako ng biglang may lumabas na kamay sa gilid ko kasabay din nito ang tunog ng nakalas na mga bakal.



Pagmulat ko, nakita ko siya. Hawak hawak na niya ako, pero natigilan siya ng makita niya ang mata ko. A-anong meron? Itinapat niya ang isa niyang kamay sa pisngi ko.




B-bakit? Kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Pero mas lalo akong natauhan ng makita ko ang isang matulis na bagay na papunta mismo sa kanyang likuran pero wala pang isang segundo ay napigilan niya ang pagtama nito sa amin.




"May aasikasuhin lang ako sandali, babalik ako." Bulong niya sa akin, pagkatapos ay bigla nalang siyang nawala na parang bula. Nakita ko na lamang na nakikipaglaban siya kay Lucy.





"Aria, ayos ka lang ba?" Napangiti ako ng makita ko si Katarina sa harapan ko ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay may bumaon ng patalim sa kanyang likod.




Nakita ko ang gumawa nito sa kanya, ang Madre Superyora.




"Patayin mo na ang babaeng 'yan, Evelyn!" Rinig kong sigaw ni Lucy. Tiningnan niya lang ako pero saglit siyang natigilan ng makita niya ang mga mata ko.




"Gawin mo na, Evelyn! Tapusin mo na siya para makuha natin ang kaluluwa niya!" Sambit muli ni Lucy pero hindi niya pinapakinggan ng Madre Superyora, nakatingin lang ito sa mga mata ko. Tumayo siya at dahan dahang umatras palayo sa akin.




"H-hindi ko alam kung anong nangyayari..." Nauutal na tugon ng Madre Superyora, nagtaka ako sa kanyang sinabi ganun din si Lucy. Nakatitig lang ito sa aking mga mata na labis ang pagkagulat.




"Ano bang pinagsasasabi mo dyan, Evelyn?! Tapusin mo na siya!" Utos niya habang nakikipaglaban kay Luke.




"H-hindi ko kayang patayin ang babaeng 'to, Lucy! Hindi ko ka-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may tumamang matulis na bagay sa kanyang katawan, kasabay ng pagdanak ng maraming dugo.




"Wala ka talagang kwenta, Evelyn! Ako na mismo ang papatay sa babaeng 'yan!"



Hindi pa siya nakakalapit sa akin ay may biglang humilaway ang kanyang ulo mula sa kanyang katawan. Bakas ang pagkagulat sa aming mga mukha. Isang demonyong may pulang mata ang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Lucy.




"Kagaya nga ng sinabi mo kanina, lason din ang dugo ko para sayo." Malamig na tugon nito, unti unting naging bato ang katawan ni Lucy habang ang ulo naman nito ay nakatingin sa akin, ngumiti ito at kinalaunan ay naging abo na lamang siya. Tulala akong nakatingin sa kawalan sa aking nasaksihan.




"A-Aria..." Napatingin ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin. Inaabot niya ang kamay ko kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ko ang babaeng nagpalaki at nag aruga sa akin na nasa ganyang estado. Kahit na naging masama siya, hindi parin mababago nito na siya ang itinuring kong parang totoo kong ina.




"N-nagsinungaling ako. Patawarin mo ako... H-Hindi ko alam kung paano pa ako haharap sayo, anak ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ako makagalaw.




"H-Hindi ko alam, pero simula ng pumasok ka sa lumang simbahan na 'yon naging konektado ang mga kaluluwa ninyong dalawa..." Paano nya nalaman ang tungkol sa lumang simbahan?



"Patawarin mo ako sa mga naging kasalanan at pagkululang ko sayo..." Pinipilit nyang abutin ang kaliwang pisngi ko.



"Ang ganda ng mata mo... Ang kontrata na magpapatunay na pag-aari ka nya talaga."


Ano bang meron sa mata ko?


"Poprotektahan ka niya kahit anong mangyari, maniwala ka sakin..." Nahihirapan niyang sabi, nabaling ang tingin ko sa taong tinutukoy niya.




"Tama na po, pakiusap... Wag ka ng magsalita..." Sambit ko pero ngumiti lamang siya sa akin, kahit na may lumalabas ng dugo sa kanyang bibig.




"A-Aria... hanapin mo ang totoo mong p-pamilya." Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi niya.



Kilala niya ang totoong pamilya ko?




"Hanapin mo sila..." Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. At naramdaman ko nalang na dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.



"Hindi... Mama? Mama!" Tawag ko sa kanya pero hindi na siya sumasagot, napayuko ako. Para akong nawalan ng lakas, patak din ng patak ang mga luha ko.





Wala na siya, iniwan na niya ako.




Napatingin ako sa nakatayo sa harapan ko, nakalahad ang kamay niya sa akin. May ilan ilang sugat siya sa kanyang mukha at katawan pero nakatayo pa din siya sa harapan ko.


"Tapos na, Aria." Nakangiti niyang sambit sa akin, tumango ako at hinawakan ko ang kamay niya. Tinulungan niya akong tumayo. Kaagad niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Hindi ko mapigilang umiyak ng malakas.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now