Chapter 21

911 27 0
                                    

BITTERSWEET & STRANGE




Aria's POV


I woke up by the sound of chirping birds. I yawned, umaga na pala. Tatayo na sana ako ng bigla kong maramdaman ang sakit sa tiyan ko. I sighed. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang nangyari kagabi. Dahan dahan na akong tumayo at dumiretso sa banyo para mag ayos ng aking sarili. Paglabas ko ng kwarto, I unconsciously smiled nung nakita ko siya.




He's facing the floor, he's wearing black again and his messy hair. Damn.

Halatang nagulat siya ng makita niya ang mga paa ko sa harapan niya.



I smiled widely, I can't help it. He's too innocent and cute at the same time.



"Gising kana pala, kamusta na pakiramdam mo?" He asked while scratching the back of his head. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin, napangiti ako sa loob loob ko.



What made you so shy, baby?




"Okay naman na ako. By the way, kanina ka pa ba dito?"



Napatingin siya sa tinanong ko. Finally, he looked at me pero binawi din niya agad. Hala?



"Ah, hindi. Ano, nakaready na ang pagkain mo." He said at nauna siyang naglakad. Hala, iwan daw ba ako? Hays.




What's with him?
I pouted my lips.




Pagdating ko sa dining area naka ready na ang pagkin. Teka, bakit ang dami ng mga ito? Anong meron? Napatingin ako kay Caitlyn na naglalagay pa ng isa pang pinggan.


"Caitlyn, anong meron? Bakit-"



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang doorbell. Kitang kita ko mula sa bintana ang pagbukas ng aming gate at ang pagpasok ng isang magarang sasakyan. Kumunot ang noo ko, hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko kung kanino ang sasakyan na 'yon. Agad na lumabas si Caitlyn para sunduin ang Amo niya.


It's been two weeks nung huli kitang nakita, Tita.


Hindi ko na pinansin ang pagdating niya at umupo na ako sa upuan ko. Sakto namang dumating si Luke na may dalang gatas at inilapag niya ito sa harapan ko. Ngunit, natigilan kaming lahat sa biglang malakas na pagbukas ng pintuan ng mansyon. Like, wtf! Iniluwa nito si Tita na hindi maipinta ang mukha. Lalo pang sumama ang tingin nito nang makita niya si Luke.


"Hi, Tita. Long time-"

Hindi ko pa natatapos ang pagbati ko ng agad siyang lumapit sa amin. Para siyang mangangagat sa aura niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya galit na galit?




"YOU!"



Galit na galit niyang sigaw. Nanlaki ang dalawang mata ko ng bigla niyang sampalin ng malakas si Luke. Napatayo ako sa kinauupuan ko, bakas ang pagkagulat sa mukha ni Luke.


"Ano bang problema mo?!"



Pasigaw na tanong ko sa kanya. Pumwesto ako sa harapan ni Luke. Kitang kita ko ang sobrang galit sa mga mata ni Tita. Ano bang nangyayari sa kanya? Napunta ang matalim niyang tingin sa akin pero hindi ako nagpatinag. Anong karapatan niyang saktang si Luke?! Kahit mas matanda siya sa akin at kahit kapatid siya ng ina ko hindi niya pwedeng kantiin si Luke. Ako ang makakalaban niya.




Devil's Bride: Volume 1 • 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu