Chapter 8

1.8K 53 0
                                    

RED


Aria's POV




Pumasok na ako sa daming kwarto at sinarado ko ang pinto. Ibinato ko ang bag ko sa kama at humarap ako sa salamin. Nagulat ako nang may bigla akong nakitang babae sa likod ko. Yung babae sa panaginip ko, nanlaki ang mata ko. Humarap ako sa aking likuran at nakita ko siya na nakatayo sa likod ko, sa tabi ng pintuan. Ang magandang babaeng 'yon ang nakita ko, humarap akong muli sa salamin at iba na ang nakita ko. Siya na. Teka, paano siya nakapasok dito ng hindi ko namamalayan?




"Anong ginagawa mo dito?!" Medyo pasigaw kong tanong sa kanya, halatang nagulat siya. Ito nanaman, nanginginig na naman ang mga kamay ko.




"Pasensya na, pinapatawag ka nang Madre Superyora sa akin, may sasabihin daw siya sa iyo. Sorry kung hindi ako kumatok, bukas na kasi ang pinto." Mahinhin niyang sagot sa akin. Teka, nakabukas? Ang alam ko sinara ko ang pinto pag pasok ko, paanong nakabukas?







"Anong pangalan mo?" Tanong ko.





"Lucy po." Sagot niya.



Lucy?






Tinitigan ko ang kanyang mukha, at pati sa kanyang mata. Ngayon ko lang siya nakita dito. Sino sya? Imposible naman na bago lamang siya rito. Tumingin din ito sa akin, napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya.






"Okay, tara na." Aya ko sa kanya pero tumango lang siya at lumabas na kami, nauna siyang naglakad kesa akin. Pinagmasdan ko siya, ang hinhin niya. Parang piluka ang kanyang buhok, kapag tiningnan mo para kang mabubulag sa sobrang itim nito.





Nang makarating kami sa harap ng silid ng Madre Superyora, kumatok siya sa pinto. Narinig ko naman ang tinig ng Madre Superyora kaya may pumasok na kaming dalawa sa loob ng silid. Naabutan namin siya na may inaayos sa isang kahon, yung kahon na inaayos ng nurse bago siya mamatay. Bakit nasa kaniya 'yan? Umupo kaming dalawa sa isang sofa malapit sa pinto, nakatingin lamang kami sa ginagawa niya. Bakit niya kaya ako ipinatawag? Nakita kong may inilabas siyang dalawa pang kahon, pero hindi katulad nung isa di hamak na mas maliit ito. Isang kulay pula at puting kahon. Para lang itong kahon ng kwintas kung tutuusin, agad niya itong itinago kasama ng mga papeles sa kanyang desk at tumingin siya sa aming dalawa.






"Mabuti naman at narito kana." Tugon niya habang nakatingin sa akin. Tumayo si Lucy at lumapit sa kanyang tabi, tumingin silang dalawa sa akin. Anong nangyayari?






"Siguro naman nakilala mo na si Lucy, siya ang bago mong makakasama sa paaralang ito. Gusto kong bantayan mo siya at ituro mo sa kanya ang mga dapat niyang gawin at malaman sa loob ng paaralang ito. Kung maaari lamang ay samahan mo siya palagi, dahil katulad mo dito rin siya lumaki sa loob ng kumbento na ito." Mahabang sabi sa akin ng Madre Superyora.





Naguguluhan ako. Kung totoo nga na dito lumaki si Lucy bakit kailangan ko pa siyang bantayan? Bakit kailangan ko pang ituro sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman? Bakit? Naguguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa. Ano ba ang gustong mangyari ni Madre Superyora?





"Sana naman ay maging magkaibigan kayo, dahil katulad mo anak din ang turing ko sa kanya. Dahil pinalaki ko rin siya katulad mo." Sabi niyang muli.





Anak? Pero paano? Ngayon ko lamang nakita ang babaeng 'yan, sa labing pitong taon ko dito sa loob ng kumbentong ito, ngayon ko lang siya nakita. Katulad ko din daw, anak din ang turing niya sa kaniya. Sa pagkakaalam ko kahit isang beses hindi siya naging isang ina sa akin, ni hindi nga siya pumapayag na tawagin ko siyang mama or nanay. Sino ba talaga si Lucy?






"Sige, maaari ka nang bumalik sa iyong silid. Ikaw rin Lucy, magpahinga kana." Tugon niya sa aming dalawa, tumayo na ako at akma na akong lalabas ng magsalitang bigla si Lucy.






"Sige po, mama." Natigilan ako sa paglabas ng marinig kong tinawag siyang mama ni Lucy. Bakit ganon? Bakit kapag ako hindi ko siya pwedeng tawaging mama? Bumuntong hininga ako at tsaka lumabas ako kaagad. Nakayuko akong naglakad palabas, hindi ko mapigilan ang mga luha na pumapatak sa mata ko.







Ang unfair naman ata, bakit ako hindi ko siya pwedeng tawaging mama o kahit nanay man lang, pero bakit si Lucy pwede. Hindi naman ata tama 'yun, diba? Tuwing pinupunasan ko ang mga luha ko lalo lang itong pumapatak. Naglakad ako ng nakayuko, hindi ko na rin makita ang dinadaanan ko sa ganitong mata. Natigilan ako ng mauntog ako sa isang matigas na bagay nang dahilan ng pagtumba ko, nakita ko din siya na natumba. Tumingin ako sa kanya halatang nainis siya sa pagkakabunggo ko sa kaniya, agad agad siyang tumayo. Pinunasan ko ang mga mata ko para makita ko siya. Isang babaeng, nakasuot din ng uniporme namin. Nakatali ang kanyang tuwid at mahabang buhok. Sino siya? Kumapit ako sa pader para makatayo ako, ang sama ng tingin niya sa akin.





"Bulag kaba ha?! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, bwisit." Iritadong sabi nito sa akin, mag so sorry sana ako pero naglakad na siya paalis. May kung anong dala siya sa kaniyang likuran. Kulay itim ito, mahaba at medyo payat. Ano 'yon?





Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad na rin ako pabalik sa aking dormitoryo. Pagpasok ko palang humiga agad ako sa aking kama, nakita ko si Mary mahimbing ng natutulog. Ang hapdi na ng mata ko, siguro dahil sa pag-iyak ko kanina. Bumigat nanaman ang pakiramdam ko. "Bakit ganon siya?" Tanong ko sa aking sarili, napabuntong hininga nalang ako. Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata, kailangan ko na sigurong magpahinga.








Alam kong nakita ko siya sa lugar na 'to. Inilibot ko ang mga mata ko para mahanap siya, nakita ko siya sa gitna ng maraming tao. I tried to call her pero hindi niya ako narinig. Lumapit ako para mapuntahan ko siya, sumiksik ako sa maraming tao para malapitan ko lamang siya. "Excuse me, makikiraan po." Pakiusap ko sa mga taong nakakasalubong ko. Nakikita ko na siya parang hinahanap niya din ako.




"Mama!" Sigaw ko sa kaniya at tumingin siya sa akin, umaliwalas ang kanyang mukha ng makita niya ako. Malapit na ako, malapit ko na siyang mapuntahan. Sumiksik pa ako para makalapit sa kanya, nang makarating ako sa kanya nakita ko siyang ngumiti. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang ngumiti.



"Aria..." Tawag niya sa pangalan ko, lalapit sana siya sa pwesto ko nang bigla siyang natigilan sa paglalakad. Bakit? Tumingin siya sa akin, nawala ang mga ngiti sa labi niya kasabay ng paglabas ng dugo sa kanyang bibig. A-anong nangyayari? Gusto ko siyang lapitan pero para akong nabato sa kinatatayuan ko. Bakit ganito? Tumingin ako sa paanan ko, nakita ko ang napakaraming dugo na umaagos sa sahig. Tumingin ako sa kaniya, inilahad niya ang kamay niya sa akin. Inabot ko ito, pero bakit ganon? Hindi ko kaya.







"Mama!" Tawag kong muli sa kaniya, ngumiti siya sa akin bago siya hatakin ng dalawang kamay mula sa dilim.






Wag... wag!





"Mama!" Sigaw ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig, ang sakit. Napaupo ako sa sahig sa gilid ng kama habang hawak ang ulo ko. Ano bang nangyari? Nananaginip na naman ba ako? Nakita ako ni Mary na nakaupo sa gilid. Kakalabas lamang niya ng banyo. Lumapit ito sa akin.








"Uy, okay ka lang?" Tanong niya.




"O-oo, ang liit kasi ng kama ko kaya ako nahulog. Pero okay lang ako." Dahan dahan akong tumayo habang inalalayan niya ako. Dumiretso na din ako sa loob ng banyo at naligo.




Pagkatapos kong maligo nakita ko siyang nag aayos na ng mga gamit niya. Nag ayos na din ako at sabay kaming pumasok. Medyo nahihilo pa ako sa pagkakabagsak ko kanina sa sahig, pakiramdam ko nagkabukol ata ako. Pumasok na ako sa aming classroom at umupo na ako sa pwesto ko, hanggang ngayon hawak ko pa rin ang noo ko na nauntog. Pumasok na din ang aming guro at may kasama siyang isang babae. Nakatali ang mahabang buhok nito at may dala siyang mahaba at payat na parang kahoy pero kulay itim. Teka, siya 'yung nakabungguan ko kagabi.






"Good morning everyone, let me introduce your new classmate, Miss Katarina Li." Pagpapakilala ng aming guro.





Katarina Li?

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now