Chapter 4

2.2K 83 1
                                    

LUKE PERI




Aria's POV




Isang napakalaking bilog na bakal na puno ng kadena ang nakita ko, at isang lalaki ang naka kadena sa gitna nito. Nakita ko siyang gumalaw, iniangat niya ang kanyang ulo. Tumingin siya sa akin.





"Ikaw?" Tanging sabi ko.





Ikaw yung lalaking tinutukoy sa libro diba?



Hindi ako maaaring magkamali. Siya 'yon, siya ang batang 'yon. T-totoo siya? Totoo ang lahat ng nasa libro na 'yon? Pero paano? Lagpas isang daang taon na 'yon, diba? Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa akin.






"Sino ka?" Rinig kong tanong niya.






"Ikaw nga... Luke Peri." Bulong ko.





Halatang nagulat siya sa sinabi ko, narinig niya ang bulong ko? Paano? Nagpumiglas siya sa mga kadenang nakagapos sa kanya. Hinatak niya ang mga ito hanggang sa matanggal, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakawala na siya, papatayin niya din ba ako? Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko. Tinanggal niya ang bakal na nakatakip sa kanyang bibig. Binagsak niya ito sa sahig, tumingin muli siya sa akin. Napapikit ako. Pag dilat ko nang aking mga mata nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ako sa aking leeg. Ang sama ng tingin niya sa akin, parang gusto niya akong patayin. Humigpit ang hawak niya sa leeg ko.




W-wag...





"H-hindi ako m-makahinga..."





Nahihirapan kong sabi, napahawak ano sa kamay niyang nakahawak sa leeg ko. Ito na ang katapusan ko, alam ko. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Galit, punong puno ng galit. Totoo nga ba siya? Pero paano? Panaginip lang ito, panaginip lang.






"Wag..." And everything went black.








I woke up by the sound of chirping birds. Anong nangyari? I slowly opened my eyes, puro puti lang ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Tumingin ako sa paligid ko, nasa clinic lang pala ako. Dahan-dahan akong tumayo sa kama para tingnan ang labas.





"Gising kana pala." Tiningnan ko siya, siya yung nurse na nagbabantay dito. Teka, ano bang nangyari sa akin? Wala akong maalala, Inalalayan niya ako para makaupo ako.





"Excuse me po, ano po bang nangyari sa akin at bakit po ako nandito?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa aking tabi at umupo sa aking gilid.





"Dinala ka dito ng mga madre, nakita ka daw kasi nila na walang malay sa harap ng kumbento." Natigilan ako.




Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano bang nangyari sa akin kahapon? Ang huli ko lang na naaalala ay naghahanap ako ng cr. Ano pa bang nangyari maliban 'don?






"Luke Peri..." Mahinang sabi ko.



Huh?




My heart palpitates abnormally. Natatandaan ko na. H-hindi panaginip 'yon? Yung tore, at yung lalaking may itim na buhok at pulang mata. Iniangat ko ang kamay ko para hawakan kung may bakas ba ako ng kamay niya sa leeg ko, kinapa ko ito pero wala. Nakakapagtaka, ang huli kong naaalala ay sinakal niya ako bago ako mawalan ng malay.






"May problema ba sa leeg mo, iha?" Tanong sakin ng nurse, umiling ako sa kanya.





"Pwede na po ba akong malakabas dito? May klase pa po kasi ako ngayon." Tanong ko.





"Walang pasok ngayon, dahil nga sa nangyari kahapon." Paliwanag niya. Oo nga pala, nagpakamatay nga pala si Sister Remi kahapon. Napayuko ako.





"Sige, maiwan na muna kita." Tumayo na siya at lumabas.






Tumingin ako sa bintana, naisip ko lang, paano ako nakabalik dito? Hindi nga ba panaginip yung nangyari sa akin kahapon? Naguguluhan ako, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Totoo nga ba? Baka naman humalo lang ang imahinasyon ko sa realidad kaya kung anu-ano ang nakikita ko. Una sa lahat, imposible naman na buhay pa ang batang 'yon. Napakatagal na noong nangyari ang mga nakasulat sa librong 'yon. Hindi ko na alam, kailangan ko lang sigurong magpahinga.






Tumayo ako at lumapit ako sa bintana. Pagkasilip ko sa bintana, may isang lalaking akong nakita, nakatayo ito sa labas. Napaurong ako sa takot, siya 'yon. Huminga ako ng malalim. Hindi, hindi totoo 'yon, imahinasyon ko lamang iyon. Dahan dahan muli akong lumapit sa bintana para tingnan ang lalaki pero wala na siya 'don. Namalik mata lang ba ako? Pero nakita ko siya kanina, nakatingin pa nga siya dito.




Bakit ganon? Ang gulo.







"Hinahanap mo ba ako?"




Isang malalim at malamig na boses ang narinig ko sa aking likuran, natigilan ako bigla. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at bigla nalang akong nanlamig, bumilis rin ang tibok ng aking puso.





"Aria."




Lalong bumilis ng tibok ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Paano niya ako nakilala? Dahan dahan akong humarap sa kanya, nakatingin lamang siya sa akin. Napansin ko ang mga sugat sa gilid ng kanyang pisngi, halatang sariwa pa ito at may bakas pa ng dugo. Anong nangyari sa kanya? Nakipag basag ulo ba siya? Imposible naman.




"Paano ka nakapasok dito? Nasa labas ka lang kanina, diba?" Tanong ko sa kanya.





Hindi niya sinagot ang tanong ko subalit nakatingin lamang siya sa akin. Naramdaman kong lumalapit siya, napaurong ako hanggang sa napasandal na ako sa pader. Tiningnan ko siya sa kanyang mata, ngumiti siya sa akin at bigla siyang nawalan ng malay. T-teka, anong nangyari sa kanya? Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, niyakap ko siya at tsaka ako naglakad papuntang kama. Ang bigat bigat ng lalaking 'to, dahan dahan ko siyang hiniga sa kama at pumunta ako sa pinto para ilock ang kwarto, pagbalik ko sa kanya, tinitigan ko siya.





Anong gagawin ko sa lalaking 'to?

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now