Chapter 7

2.3K 66 1
                                    

LUCY



Aria's POV







Habang papalapit ako sa gusali, lalo pang lumakas ang mga pagdaing na naririnig ko. Tama nga ako, sa gusali nga mismo ito nanggagaling. Pero bakit? Humawak ako sa gusali at idinikit ko ang mukha ko sa pader nito. Pumikit ako, pinakinggan ko ang mga daing sa loob. Pagmulat ng aking mata nagtaka ako kasi umaga na. Maliwanag na sa aking pwesto. A-anong nangyari? Mula sa pwesto ko nakita ko ang tatlong babae na papalapit papunta sa pwesto ko, nagtago ako sa gilid ng gusali. Mga madre sila, ang dalawang babae ay hawak hawak ang isang babae na nakatali ang kamay at nakapiring ang mga mata, naka tape din ang bibig nito. Anong gagawin nila? Nagtatawanan ang dalawang babae habang pumapasok sila sa loob ng gusali. A-ano 'yon? Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga hinaing at pagmakakaawa, sinasabayan ito ng napakalakas na tawa ng ibang tao sa loob ng gusali. Anong nangyayari sa loob? Idinikit ko pa ang tenga ko para marinig ko ang nangyayari sa loob ng biglang may humawak sa balikat ko. Nagising ako, at bumalik na sa dati ang lahat.






"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.






Ang Madre Superyora.



Napaatras ako nang makita ko siya sa, nakatingin lamang siya sa akin. Hindi ako makapag salita, pakiramdam ko umatras ang dila ko sa nangyari. Napayuko ako.





"Diba't kanina pa kita inutusan na pumitas ng mga bulaklak para sa akin? Bakit kapa nandito nang dis oras ng gabi?" Tanong niya sa akin. Gusto ko rin sanang itanong kung bakit siya nandito pero walang boses na lumalabas sa akin. Nakakatakot talaga siya.





"Kuhanin mo na ang mga napitas mong mga rosas at dalhin mo sa aking silid, pagkatapos non ay matulog kana. May aasikasuhin pa ako dito, at pakisabi na rin kay Sister Jane na mauna na siyang kumain ng hapunan. Sige, makakaalis kana." Dire-diretso niyang sabi.





"O-opo..." Naglakad na ako papunta sa mga pinitas kong rosas kanina, nakita ko siyang pumasok na sa loob ng gusali. Anong gagawin niya sa loob non? At tsaka bakit nandito pa siya ng ganitong oras? Napabuntong hininga ako, hindi ko dapat pinapakealaman ang buhay ng ibang tao. Tumayo na ako dala ang mga rosas na aking nakuha, lumabas na ako sa garden. Napakatahimik, tunog lang ng mga dahon ng puno ang maririnig mo, mga dahon na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tumingin ako sa langit, nagtatago ang buwan.




Sa hindi kalayuan, malapit sa bukana ng kagubatan may isang babae akong natanaw. Nakasuot ito ng mahaba at puting saya, nakatayo siya roon na warin'g may hinihintay. Medyo hindi ko siya maaninag dahil madilim na. Tinitigan ko siya, baka kasi namamalik mata na naman ako. Habang naglalakad ako nakatingin ako sa kanya. Ako lang ba, o sa tingin ko nakaharap talaga siya sa direksyon ko. Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan pa siya lalo. Hindi siya gumagalaw, nakatayo lamang siya 'don ng biglang humangin ng malakas dahilan para mapaupo ako.





"A-aray..." Daing ko, tumusok sa kamay ko ang mga tinik ng hawak kong mga rosas. Ano bang nangyari at bakit humangin ng malakas? Natigilan ako nang makakita ako ng mga paa na nakatayo sa harapan ko, nanlaki ang mga mata ko habang inaangat ko ang aking ulo. Isang babaeng may mahaba at itim na buhok at pulang mga mata ang nakatayo sa harapan ko. Nakakatakot siya, naramdaman kong lumalapit siya sa akin kaya napaurong ako mula sa aking pagkakaupo. Ang lakas ng tibok ng puso ko, ramdam ko ang malamig na pawis na lumalabas mula sa akin. Malapit na siya sa akin ngunit may isang napakatalim na bagay ang muntik ng tumama sa kanya, sa tingin ko ay isa itong mahabang bakal. Sa isang iglap bigla nalang siyang nawala, nanlambot ang aking mga tuhod. Parang nanghina akong bigla.





Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now