Chapter 35

231 9 0
                                    

SINNERS

Luke's POV



Kaagad kong nilukot ang litrato sa kamay ko at niyakap sya ng mahigpit. Wag kang mag-alala, wala ng makakapanakit sayo hanggang nandito ako. Ramdam ko ang ngiti niya nang hinalikan ko siya sa kanyang ulo. Tumingin ito sa akin ng nakangiti. Parang may tumusok na patalim sa dibdib ko nang makita ko siyang nakangiti sa akin, napayuko ako.

Hindi ko alam kung bakit pero... nakakaramdam ako ng takot. Takot na baka sa huli ay kainin ko ang aking sinabi. Takot na baka hindi ulit kita maprotektahan. Ayoko nang may mangyari pa ulit sayong masama.

Hindi ko kakayanin.


"Aria." Banggit ko sa pangalan niya.


"Hmm?" Nanatili akong nakayuko dahil nag-aalangan akong tumingin sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim.

"Akin ka lang." I stared at her eyes, ngumiti lang siya ulit at niyakap ako ng mahigpit.

Simula ngayon kailangan kong maging mas maingat. Hindi ko kilala kung sino ang kalaban namin at kung ano pa ang alam nila tungkol sa amin. Hindi ko rin lubos maisip kung paano nila nalaman na ako ay isang... At kung paano nila nakuha ang mga lumang litrato na 'to. Napakagat ako sa labi ko dahilan para magdugo ito.





"Ano pang hinihintay mo, Anak? Tanggapin mo na ako." Natigilan ako nang may malamig na hangin na bumulong sa aking tenga.


I closed my eyes and I saw someone infront of me. My father.

"Darating ang panahon at mawawala lahat ng mahalaga sayo at mauuna sya." I froze.





Aria's POV



Iniwan ko na muna si Luke sa library dahil masama 'raw niya ang kanyang pakiramdam at ayaw na niya muna ng kausap. Lumabas ako ng mansyon, balak ko sanang lumanghap ng sariwang hangin muka sa garden sa likod ng mansyon. Natigilan ako nang may nakita akong babaeng nakaupo sa swing. Anong ginagawa dito ni Caitlyn?

"Caitlyn?" Tawag ko rito, hindi ito lumingon. Hinawakan ko ito sa kanyang balikat at dahan dahan kong tinignan ang kanyang mukha.


"M-..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang bumuga siya ng napakaraming dugo. Napa atras ako, ramdam na ramdam ko ang mainit na dugo na ibinuga niya. Tumayo ito at ngumiti sa akin. Nakakalilabot ang kanyang ngiti. Naglakad siya papunta sa akin dahilan para lalo akong mapa atras at bigla nalang siyang tumakbo papunta sa akin. Napatakbo ako pabalik sa mansyon. Nakapikit akong tumakbo pabalik ng biglang...


"AHH!" I bumped into someone.

I opened my eyes at nakita ko si Tita na nakapamewang sa harapan ko.


"Hey, what happened to you? You look so pale." She asked, napalingon ako sa likuran ko at wala na ang humahabol sa akin.


"Hey, answer me." She said again. Bigla nalang akong nanghina at napakapit sa kanya. Sakto naman na dumating si Luke. Kaagad itong pumunta sa akin.


"Ayos ka lang ba? Bakit ka namumutla?" Alalang tanong nito. Tumingin siya sa paligid ng garden. Tinulungan niya akong tumayo at dinala niya ako sa may living room.



"Caitlyn, get some water, please." Utos ni Tita bago umupo sa tabi ko. Kaagad namang dumating si Caitlyn na may dalang tubig.

"Drink this." She said.

Hanggang ngayon dinig na dinig ko pa din ang bilis ng tibok ng puso ko. I tried to remember the face of that girl I saw pero bigo ako. Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking sintido.


"You didn't took your pills?" She asked out of nowhere.

"I-I forgot... I'm sorry." Inutusan naman niya si Caitlyn na kunin sa asking kwarto ang mga gamot ko at kaagad itong pinainom sa akin ni Luke. He held both of my hands para kumalma ako. I looked at him, he looked so worried.


"I'm sorry." Umiling siya sabay haplos sa buhok ko. Hanggang ngayon nag u-undergo pa 'rin ako ng psychotherapy. Nagkaroon ako ng Post-traumatic Stress Disorder dahil sa mga nangyari sa akin. Hanggang ngayon I can still see their faces nung araw na... Argh. My head...

I sighed. By the way, "Why are you here, Tita?" I asked her, may inabot siyang envelope na kulay indigo sa akin. Teka, kapareho nito yung natanggap namin kanina. Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang galit.

"The Ainsworths are invited. God, I hate those filthy shits." She grunts.

"Anong meron sa reunion na 'to, Tita?" Like asked her and umayos naman siya ng upo.

"I can't believe na sinama pa 'rin nila ang Ainsworth sa lintik na business gathering na 'yan. Napaka bobo talaga ng mga Robins, kahit kailan nalang. Ang tatanga grabe, gustong gusto talaga nilang nagpapa-alipin sa mga Ainsworth." Napahawak sya sa kanyang noo sa inis. I can feel her anger. Well, I can't blame her. The Ainsworth's killed her only sister and burned their house down.


"Pupunta ba tayo?" Tanong ko, tumingin sya sa akin ng may halong pag-alala.

"Don't you think it's a bad idea?" I looked at her curiosly. "Why?"

"Naiisip ko lang na masyado pang maaga para makilala ka nila. You know perfectly what they are capable of. Pinoprotektahan lang kita. Ayoko ng-" I grabbed both of her hands.


"I am ready." I said to her. Pero kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mata. She looked away.

"Are you sure?" She gripped my hands tightly. I gave her a smile as an answer. I am afraid, so afraid. Simula nung araw na nalaman ko ang katotohanan sa nangyari sa mga magulang ko hindi ko mapigilang hindi magalit sa pamilya na 'yon even though I didn't actually meet them. Hindi ko lubos maisip na nang dahil lang sa negosyo at inggit ay kaya nilang sumira ng buhay, kaya nilang pumatay. Nabaling ang paningin ko sa litrato ng mga magulang ko sa may pader.

"Pinapangako ko, hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman kung sinong myembro ng pamilya nila ang pumatay sa mga magulang ko." I said.

"Aria... I love you." She hugged me as tight as she could. "I can't lose you too..." She whispered.

"You won't." I hugged her back.


"Alright then, let's meet The Devils." She smiled, I nodded at her.

Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now