Chapter 38

143 8 0
                                    

CAGED ANIMAL
(PART I)



Luke’s POV


I woke up in an unfamiliar place, where everything is white.

Fuck, nasa langit na ba ako?


I saw a figure of a man, a black man with two horns. It seems like he's waiting for me to wake up.


“Sino ka? Anong ginawa mo sakin?” Tanong ko sa kanya. Natigilan ako ng bigla syang maglakad palayo, agad akong tumayo at naglakad papunta sa kanya. Diretso lang syang naglalakad palayo sa akin. Sino ba 'to?


Natigilan ako ng makita ko syang kainin ng liwanag at unti-unti s'yang nawala sa paningin ko. Kaagad akong tumakbo para masundan siya pero bumangga ako sa pader na gawa sa salamin. Sinubukan kong basagin ang nasabing salaming pader pero nabigo ako. Mula sa kinatatayuan ko sumilip ako sa kabilang bahagi nito.


Nakakapag taka, ang kabilang bahagi ng salamin ay isang gubat. Medyo pamilyar sa akin ang lugar na 'to. Para bang nakarating na ako rito pero hindi ko maalala. Napa atras ako ng biglang mawala ang gubat at napalitan ng repleksyon ng lalakeng itim na may sungay. Nakalabas ang mga pangil nito habang naka ngiti sa akin.

“Sino ka?” Tanong ko, ngumiti ito lalo at bahagyang umatras palayo, kasabay nito ang biglang pagsabog ng salamin na pader. Pag dilat ko ay nasa gubat na ako. Anong nangyari?


Lumingon ako sa paligid at nakita ko sa 'di kalayuan ang isang pamayanan. Makaluma ang kasuotan ng mga tao dito. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung nasaan ba ako at kung ano ang nangyari sa akin bago ako napunta sa lugar na ito.


“Kamusta?” Natigilan ako ng makarinig ako ng malaking boses mula sa likod ko. Humarap ako pero wala akong nakita.


“Sino ka at nasaan ako?” Tanong ko.


Bigla itong natawa ng bahagya, “Ako ay ikaw at nandito tayo kung saan ka nag mula.” Kung saan ako nag mula?


Natigilan ako at tumingin sa bumangga sa likuran ko, isang batang lalake na hanggang bewang ko. Nakatingin lang ito sa akin, isang batang may itim na buhok at pulang mga mata.


“Luke!” Isang babae ang lumapit sa kanya at niyakap sya. Unti-unting natanggal ang belo niya ng yakapin nya ang bata.


I frozed.


“Ina...” Mahinang sambit ko.



“Ayos ka lang ba, anak? Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?” Tanong nito habang sinusuri ang katawan ng kanyang anak. Nang masigurado n'yang walang galos o kahit anong sugat man lang ang kanyang anak bigla niya ulit itong niyakap.


Unti-unting lumabas ang mga luha nito sa kanyang mga mata. “Mahal na mahal kita, Luke ko. Patawarin mo ako, hindi man lang kita maprotektahan...” Bulong nito sa kanyang anak.


Niyakap nya muli ang kanyang anak at hinalikan nya ito sa noo. Binalot nya ito ng balabal at kanyang kinarga ang bata.


Tumalikod ako mula sa kanilang dalawa. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Pag mulat kong muli wala na ako sa gubat at madilim na din ang paligid. Napansin ko ang mga pulang liwanag na nagmumula sa pinaka hangganan ng gubat. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Parang may mali. Tumakbo ako papunta sa hangganan ng gubat. Ang lamig ng pawis na lumalabas sa akin. Ang pangyayaring 'to...


Hindi...


“PATAYIN ANG ANAK NG DEMONYO!”


Ang pangyayaring 'to...


Devil's Bride: Volume 1 • 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon