End of Book 1

1K 39 0
                                    

HIS BRIDE, THE DEVIL'S BRIDE.




Aria's POV



Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana. Pakiramdam ko ang haba ng naging tulog ko, may naramdaman akong parang nakahiga sa tabi ko pag lingon ko unan lang pala. Bakit ganito? Pakiramdam ko may nakayakap talaga sa akin kagabi hinawakan ko pa nga ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko eh. Pero bakit unan na 'to? Naabutan ko si Caitlyn na papasok ng kwarto ko habang may dala dalang damit, napangiti siya nang makita niya akong gising na.





"Good morning, milady. Nakahanda na po ang agahan n'yo." Bati niya.




"Good morning din. Ah, Caitlyn, may nakita ka bang lumabas sa kwarto ko kanina? Or may nakita ka bang katabi ko habang natutulog?" Sunod sunod kong tanong sa kanya halatang naguluhan s'ya sa mga sinabi ko.




"Wala naman po akong nakitang lumabas at mas lalo pong wala po kayong katabi, milady. Bakit po ba?" Tanong niya.




"Pakiramdam ko kasi may nakayakap sa akin kagabi habang natutulog ako. Pero hayaan mo na 'yon." Sagot ko, tumango naman siya. At inilapag na niya ang dala n'yang damit sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama ko.




"Siguro po, si Lady Victoria 'yung yumakap sa inyo kagabi, milady."


Si Mama? Ewan ko. Hindi ko nalang siya sinagot, lumabas na din siya at pumunta na ako sa banyo.




Paglabas ko sinalubong agad ako ni Leo, may dala s'yang painting. Ngumiti siya noon'g nakita niya ako. "Magandang umaga po." Bati niya, nginitian ko lang s'ya at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi pa ako nakakababa may isang babae na agad akong nakita, nakaupo s'ya sa sofa na parang may hinihintay. Teka, parang kilala ko 'yon ah.



"May bisita po kayo, milady. Kaibigan n'yo daw po siya." Tumango nalang ako sa sinabi ni Caitlyn, pagkatapos bumalik na muli siya sa kusina. Lumapit ako 'dun sa babaeng nakaupo, lumingon siya sa akin.




Katarina?



Tumayo siya agad ng makita niya ako at sinabulong niya agad ako ng yakap. Teka, paano ko siya naalala? Ang naalala ko lang ay dati ko s'yang kaklase 'duon sa loob ng kumbento. Pero, bakit ganito? Parang may kulang? Tiningnan niya ako, nakangiti siya.





"Kilala mo pa ako?" Tanong niya.




Ano daw?





"Katarina Li, tama? Kasama kita sa kumbento noon, di'ba?" Masaya siyang tumango sa tanong ko. Teka, bakit ko siya naaalala? At bakit ba siya nandito? Teka, paano NGA pala kami naging magkaibigan? Wala na akong ibang naaalala maliban 'don sa kasama ko siya sa kumbento.






"Si Luke, naaalala mo pa?" Natigilan ako sa tinanong niya.



S-sino daw? Napahawak ako sa noo ko dahil bigla itong kumirot, halatang nagulat siya sa naging reaksyon ko.





"H-hindi mo siya natatandaan?" Napatingin ako sa kanya, sino bang sinasabi niya?






Sino 'yung Luke na 'yon?
Argh, ang sakit.





Bakit ganito?





Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang kaliwang kamay ko at sinama ako palabas ng mansyon. Paglabas namin may isang kotse ang nag aabang sa amin at isinakay niya ako 'don. Hindi ako mapakali, ang tindi ng sakit ng ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Naramdaman ko nalang na umaandar na ang sasakyan. Napahawak ako sa kaliwang mata ko, parang dito napunta ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala na akong naririnig, ang sakit lamang sa kaliwang mata ko ang nararamdaman ko. Wala na akong pakealam sa paligid ko.





Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now