Chapter 28

678 18 1
                                    

STATUE


Aria's POV




"I love you." He mouthed. How can I even resist that, demon?




"I love you, too." I pouted my lips and he smiled. Too cute.





"Anyway, Caitlyn nasaan 'yung mga damit?" He asked.



"Nasa sala po." He smiled at me at sumunod ako sa kanya papuntang sala. A tuxedo for him and... A white gown?




"Caitlyn, bakit white?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin.




"Hindi ko po alam, milady. Pinadala lang po dito kaninang umaga." She answered. Hindi naman sa ayaw ko sa white pero kasi...





"It looks like today is our wedding day, baby." He whispered to my ear. What the fuck, demon?!





"Ano?!" Sigaw ko sa kanya, napatakip naman siya ng tenga habang nakangiti.




"Sinasabi ko lang naman 'yung iniisip mo. Tama naman ako, diba?" He smiled playfully. Hindi ko na siya pinansin at tinignan ko nalang yung isusuot niya.





Well, I think it'll look good on him. Kahit hindi niya pa ito naisusuot. Bakit ba? Advance ako mag isip eh.





"By the way, milady. Malapit na pong dumating 'yung tinawagan na mag aayos sa inyo. Mag handa na po kayo." She said, tumango nalang ako sa kanya at tuluyan na siyang umalis.




Naramdaman ko namang tumabi sakin si Luke, tiningnan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa isusuot ko habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya.






"It'll look good on you." He whispered, I looked at him pero nakatingin parin siya sa gown ko. I smiled as if he could see me. Naramdaman ko nalang ang kamay niya na nasa buhok ko.





"My bride." He kissed my hair.






An hour passed at dumating na nga 'yung mag aayos sa akin, A girl and a gay. They asked me kung ano ang theme ng pupuntahan ko and I said it's a ball. Sinimulan nila sa make up, medyo light lang daw ang ilalagay nila kasi hindi daw bagay sakin ang heavy make up. After 'nun, ngayon sa hair naman.






"Miss, ikaw lang ba at ang maid mo ang nakatira sa malaking bahay na ito?" Tanong 'nung gay na nag aayos sa akin. I was about to say No ng biglang may sumulpot na isang lalaking naka topless.







"Baby, paano ba 'to?" He asked habang nakapulupot sa leeg niya ang necktie.







Why in the hell he's half naked, again?!




Halos mahulog ang panga ng dalawang nag aayos sa akin. Paano ba naman kasi hindi sila matutulala. Look at this demon, half naked na nga, may necktie pa sa leeg and his hair were still wet. I'm drooling af.





I glared at him at mukhang na gets naman niya ang gusto kong mangyari, aalis na sana siya ng biglang tanungin siya nitong gay na nag aayos sa akin.




"Hey, who are you?" Sinamaan ko ng tingin si Luke pero ang loko napangiti pa. What the! He winked at me bago siya tuluyang umalis.





What in the ass...





"Miss! Sino 'yung super hot guy na 'yun?!" Hindi makapaniwalang tanong 'nung gay sa akin. I awkwardly smiled.




Devil's Bride: Volume 1 • 2Where stories live. Discover now