Chapter 1

4.5K 52 2
                                    

Aliana's POV

"Cheska, pakiayos na yung lamesa. Im done eating na" ani ko kay cheska na kasambahay namin.

"Sige po maam!" Ani niya at mabilis pumunta sa kusina.

Umakyat na ako sa kwarto at naligo na. Kung hinahanap niyo si dane, andun na sa kumpanya nila. Halos isang beses palang kaming nagkasabay kumain sa bahay namin at hindi na naulit pa simula nung nagpakasal kami. He's too busy..busy ba talaga? O ayaw niya lang talaga ako makita?

Napangiti nalang ako ng malungkot.

Pagkatapos ko maligo ay nagayos na ako dahil balak ko ng bumalik sa trabaho ko. I took 2 weeks leave for our 'honeymoon' kaso kasi eh sobrang boring na dito sa bahay kahit na lagi ko pang kausap sila manang. I want to go back to work, atleast don mawawala kahit papano ang kalungkutan ko sa buhay.

I own a bakeshop nga pala, Ambrosia. Kasali sa top3 na pinakasikat dito sa bansa ang bakeshop ko. Dad let me built my own bakeshop kahit gustong gusto niyang ako ang mamahala na sa kumpanya. Pero iba ang gusto ko at pumayag naman siya roon. He did not force me. Ganyan ako kamahal ng daddy ko. He spoiled me so much.

"Manang alis na po ako ah?" Paalam ko kay manang bago umalis.

Naging close ko ang 3 kasambahay namin sa loob ng isang linggong pagiging kasal ko kay Dane. I missed him....ayaw ko namang pumunta sa company niya dahil magagalit lang naman iyon saakin. Married life is really hard but i chose this eh. So i should deal with it.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinagbuksan naman ako ng guard ng gate.

Anjenica is calling

I answered it.

"Hello"

"Aliana where are you na?" Salubong niya saakin napakunot ang noo ko sa lakas ng boses ni anjenica. Her normal super loud voice.

"Im on the way. Keep calm Anjenica! Makakapunta rin ako diyan" ani ko

Anjenica doesn't work. Ayaw niya pa raw. Pinayagan rin naman siya ni tito roon. She's too spoiled. At wala siya ginawa kundi gawing tambayan ang bakeshop ko! Akala nya ata parke ang aking shop!

"Okay. Im just gonna eat her. Bye ingat!" Ani niya at dali daling binaba ang telepono.

Binilisan ko na ang pagdadrive dahil I missed that bungangera too. Isang linggo narin kaming hindi nakapagkita. Inayos ko rin kasi ang iba pang mga gamit ko sa bago kong tirahan and also binago ko ang style into my own idea.

Pagbaba ko sa sasakyan ko ay napangiti ako dahil namiss ko rin ang bakeshop ko. It has two floors. May 55 branches narin ako nito sa buong bansa. Ito lang ang nagpapaalis ng stress ko dahil tuwing
pinagmamasdan ko ang bakeshop ko nakikita ko kung paano ako naging successful. Thank God for that.

"Aliana, you look crazy smiling there" sinalubong nako ni Anjenica

Hindi ko nalang pinansin at dumaretso na sa loob. Maraming nakain at mga naorder. Dumaretso na kami ni Anjenica sa office ko.

Sa lahat ng branches namin ay may office ako para pwede akong magstay if I want to.

Umupo nako sa table ko at nagpadala ako ng dalawang blueberry cheesecake and macchiato para samin ni anjenica. Kumain na siya kanina pero alam kong gutom parin yan.

"So hows married life?" Tanong niya

"Hmmm okay lang" i said while scanning some papers

"Magiging ninang naba ako?" She asked excitedly

Magiging ninang? Nakakatawa. Ni hindi nga ako malapitan ni Dane eh.

"That's kinda impossible" honest kong sabi.

Anjenica knows everything. Pati na ang mga kalokohan ko.

"Tandaan mo if it hurts too much don't hesitate to leave him" seryoso sabi niya.

Laging niya pinapaalala sakin na kapag hindi ko na kaya iwanan ko na si Dane dahil masasaktan lang raw ako lalo.

"Opo maam!" I said and give her smile for assurance.

Kahit na sa tingin ko ay impossible. Hinding hindi ko kayang iwan si Dane.

Dumating na ang pinadala kong cakes kaya't kumain nalang kami at nagusap ng mga importanteng bagay.

"Lets go shopping!" Aya ni Anjenica sakin.

Alas tres na pala ng hapon and I'm still checking things para sa shop ko.

"Im so busy Anjenica, magsleep kanalang uli diyan" sabi ko habang busy paring chinicheck ang mga papel.

"I'm overslept na kaya" sabi niya

Hindi niya ako tinigilan sa pagpilit kaya't umoo nalang ako.

Nag-ayos lang ako saglit pati na ang gamit ko bago umalis.

"Zia, alis na kami ha? Ikaw na bahala dito" sabi ko sa manager ng shop ko.

"Opo maam!" She said

Umalis na kami ni Anjenica. Yung sasakyan niya ang dala namin at iniwan ko sa bakeshop ang akin dahil niya raw magdrive ngayon. Nagpapalit-palitan kasi kami ng sasakyan minsan kapag naalis kami.

"Saang mall tayo?" Tanong niya

"Sa mall niyo nalang" sabi ko habang busy sa pagpefacebook.

Chineck ko ang acccount ni Dane at may nakita ang picture na nakatag sakanya at nakacaption ng..

"Had so much fun with u dane!"

Nasa bar sila nung babae at base sa date na nakalagay ay kagabi lang iyon. Nakaakbay si Dane sa babae habang nakangiti. Gusto kong itapon ang cellphone ko ngayon kaso baka sabihin naman ni Anjenica ay nababaliw na ako. So nagbar pala siya kagabi?! Anong oras siya umuwi? One AM? two? three? Nakakainis! Hindi ba alam ng babaeng to may asawa na si Dane?

Pilit kong pinipigilan ang luha ko mula sa pagkakalaglag. Ni walang post na mula sa facebook ni dane na ikinasal na siya. Does he really want a privacy o nahihiya lang siya maging asawa ang desperadang katulad ko?
Bigla kong naramdam ang pagsikip ng aking dibdib dahil sobrang nasasaktan ako sa sitwasyon ko.

"Hoy girl! Are you okay? Ang tahimik mo ata diyan. Nagsesenti kaba?" Pagbibiro ni Anjenica.

Iniba ko lang ang usapan upang hindi na siya magtanong pa.

Habang naglalakad kami sa mall ay nakatulala parin ako dahil naalala ko parin ang nakita ko kanina. Ang sakit lang kasi....kapag ibang babae kasama niya nakakangiti siya pero pag ako laging nakasimangot at nakasigaw.

"Kanina kapa tahimik diyan. Girl, andito tayo sa mall to enjoy shopping hindi magsenti!" Ani ni Anjenica

Sinunod ko nalang ang sinabi niya at namili narin ng mga damit. Kahit parang tinutusok parin ang puso ko.

"Aren't you hungry? Kanina pa tayo naglalakad. Im hungry na eh. You're so tahimik pa! Ni hindi ka nagsasalita habang ako dada ng dada. Is there any problem?" Nagaalalang tanong ni Anjenica.

I don't want her to worry about me kaya humindi nalamang ako and I even tried to smile para matahimik na siya. Pero halata naman sa mukha niya na hindi siya naniniwala. Kilalang kilala nako ng bestfriend ko.

"Is it about your husband? Kabago bago palang ng kasal nyo nagloloko na agad?" Iritang sabi ni Anjenica.

"No, I was thinking about my shop" palusot ko nalang.

Ayaw kong pati si Anjenica madamay pa sa kadramahan ng buhay na pinili ko.

"Wait? Are you planning to close it na or you wanna build more branches?" confused na tanong nya

"Yes, dad convinced me to have it on European countries kasi plano nyang magpagawa ng bagong hotel doon para malapit lang din daw" I said which is partly true.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon